20 ✌🌸🍦

35 1 0
                                    


CIENNE's POV




Hmm, ang tagal naman nila! Kanina pa ako dito eh... Nandito ako sa may parking ng La Salle dahil susunduin ako nina Camille at ate Cha.



"Hey you!!!" may biglang sumigaw at papalapit sa akin, ang damuhong si AVO!



Tatakbo na sana ako pero agad niyang hinawakan ang wrist ko at hinila ako sa kotse niya. Pinilit niya akong pinapasok sa likod at sumunod siya.


"What's your problem?!" sigaw ko sa kanya.

"You are my problem!" pagalit na sagot niya.

"Hoy, I gave you a restraining order! Gusto mo ba talagang makulong?!" pagbabanta ko sa kanya.

"Speaking of restraining order..." nag-smirk siya at may kinuhang papel sa back pocket niya. "Ito ba? I consulted this to my lawyer, and guess what? It's fake!"

"Fake ka dyan! Pababain mo na ako!!" Tsk, nabisto na ako!

"I won't, unless... you admit that you like me!" hindi nawawala ang ngiti niya.

"Huh?" I like him? "Anong pinagsasasabi mo?! Help!! Help!!"

"Shhh!" saway niya sa akin dahil nagsisisigaw na ako.

"Mas lalo pa akong sisigaw kung hindi mo ako papalabasin dito!!" inis kong sabi.

"Okey! Okey!" ini-unlock niya na ang pinto at kumaripas ako sa pagbaba mula sa kotse niya.


Grabe ang kapal talaga ng mukha niya! Bakit naman ako magkakagusto sa kanya?


"Hey Cienne!" sigaw niya habang nakadungaw sa bintana ng kotse. Pinunit nya ang restraining order at nag-smirk. "You know what this means..."



Hindi ako sumagot at mabilis na naglakad papalayo sa kanya. Of course I know what it means, magsisimula na naman siyang mangulit!


-o-o-o-



ARA's POV



Isang linggo na ang nakalipas nang maging sila Thomas at Arra, syempre less time, less messages, at less pagkikita na din namin ni Thomas. I wish him well naman, first real relationship niya ito at kailangan kong sumuporta ng todo!



Masyado namang naging busy sa training at preparation kaming spikers after ng final four dahil simula na ng championship round next week. Ngayong weekend lang ulit ako makakapag-relax muna. Pero lagpas na ng 10:00pm ay biglang tumawag sa akin si Tita.


(Phone Conversation)


Tita: Ara! Si Thomas kasi lasing na lasing dito. Ikaw agad ang tinawagan ko! (Worried ang boses niya.)

Me: Okey po Tita! Pupunta na ako dyan!


Ano namang naisipan ni Thomas at naglasing siya?





Nadatnan ko si Thomas na kumakanta at tumatawa, mukhang lasing nga!


"Ara, dumating siya dito na lasing tapos gusto pa umorder ng beer..." pag-aalalang bati ni Tita sa akin.

"Sige po, tinawagan ko na rin ang kuya niya at susunduin siya dito." sagot ko at nagtungo na ako kay Thomas.



"♫♪Nandito ako umiibig sa iyo... Kahit na nagdurugo ang puso...♪♫" pagkanta ni Thomas tapos masaya akong binati. "Oh Ara!"

"Halika nga!" iniabot ko ang mga kamay ko para alalayan siya papuntang table.




Napansin ko kaagad na may pasa siya sa pisngi at black eye sa kaliwang mata.


"Anong nangyari sayo?" kumunot ang noo ko pagkaupo namin.

"Ara... I caught my girlfriend kissing Robby..." nakatawa pa rin siya at nagulat ako. "Billie used her so she can break my heart. The nerve of those girls, right? Hahaha!"

"I'm sorry Thomas..." humawak ako sa kamay niya. "I'm sorry dahil medyo pinuwersa pa kita para ligawan siya... Pero wag ka sana maggi-give up ah..."

"Yes, I won't give up." ngumiti siya at hinawakan din ang kamay ko.

"Mahal mo talaga ang Arra na yun, pero..." sambit ko.

"Yes, I love you." pinutol niya ang sasabihin ko at tumitig sa akin.



Tumingin siya sa labi ko at bahagyang ngumiti. Hindi ko na alam ang nangyayari pero papalapit ang mukha niya sa akin. Kusang pumikit ang mga mata ko at nag-aantay...


Teka, ano bang ginagawa ko? Pero gusto ko din ito... ang mahalikan niya. Kaso mali ito! Binuksan ko ang mga mata ko nang maramdaman kong gumalaw ang kamay niya. Nakapatong na pala ang ulo niya sa may lamesa at mukhang nakatulog na. Napabuntong-hininga na lang ako.






Dalawang araw ang nagdaan at mukhang hindi naaalala ni Thomas ang muntik na mangyari noong lasing siya. Nag-message din ako kay Arra at pumayag siya makipagkita dito sa may field ng La Salle kung saan walang masyadong tao. Mabubungangaan ko siya para maiganti ko man lang si Thomas!


"Ara, please tell Thomas that I'm really sorry..." agad na siyang nagsalita pagkalapit ko sa kanya.

"Nasa sa kanya yun kung papatawarin ka! At hindi ako nandito para pagbatiin kayo!" inis kong sabi.

"I know..." malungkot niyang sabi. "Gusto ko naman talagang mag-back out sa plano ni Billie eh... kasi I'm already falling for Thomas."

"Bakit hindi mo ginawa?! Bakit kailangan masaktan pa si Thomas?!" Lalo akong naiinis sa babaeng ito!

"Because I know he has feelings for you."

"Huh?"

"Pakiramdam ko mas gusto ka niya at pinaglalaruan niya lang din ako tulad ng ginawa niya kay Billie... Kaya nag-continue ako sa plano." pagdadahilan niya.

"Alam mo... magsama kayo ni Billie! Pati na rin ni Robby!" inis kong sabi at nag-walkout ako.



Wala siyang karapatan na saktan si Thomas, lalo't na nagpupursige si Thomas na ligawan siya. Pero pakiramdam niya may gusto sa akin si Thomas? I wish! :(





----end 20.

Infinite ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon