12 ✌🌸

1.5K 50 11
                                    

MIKA's POV



Hihi. So pogi! Gusto ko pisil-pisilin ang pisngi at ilong niya! Kaso nahihiya pa akong gawin yun. Cute-cute! Hihi. Parang ginawa ko namang aso si Jeron. Haha! Kakatapos lang ng training namin, at nakatambay kami nina Ara, kambal at Kim sa lobby ng sports complex. Nagsasayang muna kami ng oras at mamaya ay kakain na kami ng dinner sa labas. Ngayon, busy muna kaming lahat sa kakapindot ng phone. Hehe.



Si Kim, mukhang ka-tweet o ka-text si Mela; sina Cienne at Camille, parang naglalaro lang at nagpapalitan ng phone; si Ara, malamang si Thomas ang inaatupag; at ako, tumitingin lang ng pictures namin ni Jeron. Hihi. Naka-text ko si Jeron kanina at kasama niya daw si Jeric maggala. Di ko muna sila iniistorbo para makapag-bonding silang magkuya. Hehe. Pero kailan niya kaya ako ipapakilala sa family niya? Kapag naging girlfriend niya na ako? Hmm, speaking of girlfriend, parang...


"Ngiting ano yan Mika?" bati sa akin ni Camille. Aminado naman akong hindi nawawala ang ngiti ko habang tinitingnan ang pictures ni Jeron. Hihi.

"Ngiting may pagnanasa kay King Archer. Hahaha!" singit ni Kim. Inalis niya ang pagtutok sa phone para lang i-bully ako!

"Loka! Baka siya pa nga ang nahahalina sa beauty ko! Hihi." biro ko.

"Ayyiiee, ngiting in love na ba yan?" ---Ara.

"Siguro? Hihi." Ang bilis niya napatibok ang puso ko eh. Hihi.

"Dati aayaw-ayaw ka pa sa kanya, tapos ngayon... Ayyiiee." sinundot ako sa tagiliran ni Cienne. "Kailan mo siya balak sagutin?"

"Actually, gusto ko sana before mag-start ang UAAP o kaya sa December 3 na lang para favorite number ko..." In few days, December 2 na at yun ang schedule ng first game namin against UST. "Pero okay lang ba yun, 2 months pa lang siya nanliligaw eh?"

"Hindi naman mahalaga kung gaano kabilis naging kayo, ang patagalin mo yung magiging relationship niyo." ---Ara.

"Oo nga, saka gusto din ni Jeron na sagutin mo na siya, di ba?" ---Cienne.

"Tapos kapag kayo na, pwede na kayong magyakap, mag-holding hands at mag-kiss... Yun talaga ang gusto mo noh? Hahaha." ---Kim.

"Tsss. Ang helpful talaga ng mga sinasabi mo Kim!" sarcastic kong sabi.

"Yun kasi ang mga balak niya kay Mela! Hahaha." ---Ara.

"Gentlewoman ako noh! Hahaha." ---Kim.

"Napaka-corny Kim!" bahagyang tinampal ni Camille sa braso si Kim at bumaling siya sa akin. "Naisip mo na ba kung paano mo siya sasagutin?"

"I-surprise mo si Jeron!" ---Cienne.

"Yup, bigyan mo siya ng favorite food niya tapos may note! Katulad ng mga gifts niya sayo!" ---Ara.

"Saka may pasok din sa December 3, saan mo siya balak sagutin?" ---Camille.

"Sa isang 5-star restaurant para sosyal!" ---Cienne.

"Sa dorm na lang para makita natin ang reaction ni Jeron! Hehe. ---Kim.

"Dapat sila lang dalawa noh!" ---Ara.

Infinite ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon