21 ✌🌸🍦

40 1 0
                                    


ARA's POV



Bakit ang saya-saya niya naman yata at parang hindi na-broken hearted? Naging focus na ako sa UAAP volleyball championship kaya hindi ko muna naiisip si Thomas. Pero ang nakakapagtaka, parang ang bilis niya naka-move on at laging masaya kapag magkasama kami. Nakikipagtawanan siya kahit siya ang inaasar lalo na nung may mga pasa siya sa mukha. Sana lang hindi siya nagkukunwaring masaya. Hay.




Nagbunga ang mga paghihirap namin at kami ang naging 3-peat champion! Ngayon nga ay nagce-celebrate ang buong school ng Animo Year-end Thanksgiving at medyo center of attention ang volleyball team. Madaming activities sa loob ng campus at masayang-masaya ang mga students.




Masaya kaming kumakain nina Kim, Cienne, Camille at Mika matapos maglakad-lakad, nang biglang parating sa amin sina Jeron at AVO mula sa kaliwa, at sina Thomas at Axel naman sa kanan.



May mga dalang bouquet of flowers sina Jeron, Axel, at AVO. Si Thomas naman ay nakangiti lang.


Halos sabay silang dumating sa table namin, at napansin naming nagkatinginan ng masama sina Jeron at Axel. Medyo nagpigil kami ng tawa, at di na maipinta ang itsura ni Mika.


"This is for you Mika." nakangiting iniabot ni Jeron ang bouquet kay Mika. "Congratulations again sa inyo!"

"This is also for you." iniabot ni Axel ang bouquet at pilit namang ngumiti ni Mika. Tahimik lang kami kahit gustong-gusto na naming asarin si Mika.

"Eh para kanino naman yan, Arnold?" nag-smirk si Thomas.

"For Ara!" sagot ni AVO kaya lahat kami nagtaka.

"What?!" kumunot ang noo ni Thomas. "Bakit mo naman bibigyan ng flowers si Ara??"

"Relax... This is for Cienne." nakangising sabi ni AVO at bumaling kay Cienne. "Can I talk to you in private?"

"No." maikling sagot ni Cienne na hindi tumitingin kay AVO.

"Please... I just want to apologize." naging seryoso si AVO.

"Yun naman pala Cienne, pagbigyan mo na!" gatong ni Kim at nakikantyaw kami. Iba kasi talaga ang pagpapapansin nitong si AVO kay Cienne. Tapos ngayon, may pabulaklak pa.

"Don't worry Cienne, tawagin mo lang kami kung need mo ng back up." sabi ni Camille.

"Hmmph!" tumayo na si Cienne at napilitang sumama kay AVO.




"Girls, bakit niyo naman pinipilit si Cienne?" pailing-iling na tanong ni Jeron pagkalayo nina Cienne at AVO.

"Oo nga. Tulad noong pagpilit nila kay Mika sayo di ba?" dagdag ni Axel.

"What do you mean by that?" nakasimangot na si Jeron.

"Nothing. Actually, nai-compare ko lang kasi tinanong ko din sila dati at nagtataka din ako." nag-smirk si Axel. Tsk, parang lumalala ang tensyon sa kanila.

Infinite ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon