35 ✌

45 1 0
                                    


ARA's POV



Hmm, masyado naman yata akong pinaganda ngayong gabi! Hehe. Medyo gandang-ganda ako sa sarili dahil galing kaming mga spikers sa salon para sa event na ito. Naka-black dress ako at fitted kaya medyo halata ang curves ko.



Nakatitig ako sa salamin sa CR at inaayos ang buhok ko habang nagra-rant naman si Mika about kay Jeron.


"Sa labas na kita aantayin!" sabi ko kay Mika nang pumasok siya sa isang stall. Ayoko na munang marinig ang mga reklamo niya dahil minsan siya naman ang may kasalanan.



Nilabas ko ang phone ko habang palabas ng CR at nag-type ako ng message kay Kim. Gusto ko kasi malaman kung ano na ang nangyayari sa loob ng banquet hall dahil baka may mga mahahalagang announcements.


Well, nakamit lang naman namin ang historical 6-peat kaya ayoko ma-miss ang every second ng celebration! Dumalo din ang lahat ng VIP's ng La Salle at lahat ng athletes para makisaya sa aming tagumpay!





Nang makalabas ako sa CR ay paparating naman sina Jeron at Thomas kaya nginitian ko sila. Tumutok ulit ako sa phone ko dahil tumapat sa gilid ko si Thomas. Mukhang aantayin niya din si Jeron na pumasok sa CR.



Wala pang 5 minutes ay halos sabay na lumabas sina Mika at Jeron. Nagtinginan sila tapos sabay ding nag-irapan. Pero nang papunta na si Mika sa akin, hindi nakatiis si Jeron at hinawakan ang kamay ni Mika saka hinila pabalik sa venue.



Mabilis ang pangyayari, nagkatinginan kami ni Thomas at pareho kaming tumawa.


"You look good..." bati ni Thomas at kinagat ang labi niya.

"Thank you..." nahihiya kong sabi. Maglalakad na sana ako para sumunod kina Mika pero humarang siya.

"Can we take a walk?" bahagya siyang ngumiti at tumango lang ako.




Kinamusta ako ni Thomas habang naglalakad at maiikli lang ang sagot ko sa mga tanong niya. Hindi ko namalayan, patungo pala kami sa special place ko. Binuksan niya ang pinto at inaya ako sa loob.


"Ara..." sabi ni Thomas at tumingin ako sa kanya. Noong isang linggo ang huling punta ko dito para kuhain ang mga gamit ko at ang journal.



Simula nang maglayo ang loob namin ni Thomas dati, mag-isa na lang akong pumupunta dito at iilan lang na masasayang memories ang naidagdag ko sa journal.

"I'm really sorry for what happened between us..." malungkot na sabi ni Thomas.

"Matagal na yun Thomas, kalimutan na natin yun..." sagot ko. Hindi ako nag-e-expect ng mga sasabihin niya pero nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.

"No! Ayokong kalimutan Ara..." bahagya siyang lumapit. "I'm sorry kung ngayon lang... ngayon lang ako nagkalakas ng loob kausapin ka... at aminin ang totoo... Mahal na mahal kita Ara."

"Thomas, mahigit 2 years mo akong tiniis!" inis kong sabi. "Iniwan mo ako sa ere! At umarte ka na parang walang nangyari!"

"Ara, I know! I know naduwag ako pero Ara..."

"Saka na lang natin pag-usapan ito, Thomas." Parang bumabalik ang sakit nang naalala ko ang pag-iwas niya sa akin, ang nawala naming friendship, halos mawalan na ako ng pag-asa. Pero bakit nandito ako ngayon?




Akma na akong aalis nang biglang hinawakan ni Thomas ang pisngi ko at hinalikan ang mga labi ko. Napapikit na lang ako at dinama ang matagal ko nang pinakahihintay.


"Ara, I wanna be sure that I won't hurt you..." bumitaw siya sa halik at tumitig sa akin. "Nag-focus ako sa mga bagay na alam kong magiging proud ka sa akin, at magiging deserving ako sayo..."

"Thomas..."

"I know tiniis kita, but there are so many times na gustong-gusto na kita puntahan para yakapin at halikan..." tuloy-tuloy na sabi niya. "And these past few days, I know I can't stop myself anymore... I'm so excited right now!"

"Halata nga." biro ko. Bahagya akong ngumiti kahit nangingilid ang mga luha ko.

"Hmm, gustong-gusto ko na makasama ka sa lahat ng occasions, sa bahay..." humawak siya sa mga kamay ko. "Gusto din kita ipakilala kay Mama at sa mga cute little brothers ko."


Napangiti kaming dalawa dahil alam niyang magiging masaya ako sa pagkakaayos nila ng mama niya.

"Ara, I wanna be with you again, to take care of you more than before..." naging seryoso siya. "I'm hoping na gusto mo pa rin ako..."


Hindi ako makasagot kahit alam kong natutupad na ang mga gusto ko, na akala ko ay hindi na mangyayari.

"Uhm, alam ko wala ka pa ring boyfriend at naka-focus ka lang sa volleyball at studies..." nag-smirk siya.

"Ohh, ini-stalk mo ako?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Yes, kinda... I always ask Jeron about you. I asked him to lie  para mabasa mo ang letter ko." pag-amin niya. "And I think, you did wait for me... tapos hindi mo pa ako sinampal nang hinalikan kita... So Ara... can you be my girlfriend?"



Bago pa ako makapagsalita ay niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at niyakap din siya.


"Mahal na mahal talaga kita Ara..." sambit niya. "Please forgive me and give me a chance..."

"Mahal na mahal din kita Thomas, pero..." bumitiw ako sa yakap at nakita ko ang malungkot niyang mukha. "Ang gusto ko... ligawan mo muna ako..."

"Of course!" nabalik ang ngiti niya at niyakap ako ulit. "And this time, hindi na ako titigil makasama ka..."




Malakas na nag-ring ang phone ko kaya bumitiw kami sa yakap. Tumatawag si Kim pero hindi ko sinagot. Madami na ding messages galing sa kanila pero mas pinili kong pakinggan si Thomas.


"I think kailangan na natin bumalik sa event." masaya kong sabi kay Thomas.

"Okey, let's go..." ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.



Dahil kay Thomas, hindi ko na inaaalala ang mga parangal na matatanggap ko. Ang mahalaga ay kapiling ko na siya...




----end 35.

Infinite ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon