2 ✌🌸

2.2K 51 6
                                    

ARA's POV




May girlfriend na pala siya. Hindi ako nakapagsalita noong nginitian ako ni Thomas kanina at syempre umalis na ako agad. Nakakapagtaka lang dahil parang hindi siya nailang na nadatnan ko sila ni Billie na ganoon ang itsura. At si Billie talaga? Parang hindi ko naman sila nakikitang magkasama at sweet, parang hindi nga sila. Si Billie ang court side reporter ng team kaya siguro naging close sila ni Thomas at eventually naging sila na. Hay ewan, ayoko nang problemahin sila, crush ko lang naman si Thomas. Pero bakit pa kasi doon sa special place ko?!



Nilabas ko ang picture ni Thomas mula sa pocket ko para tingnan. Ang gwapo niya pa rin talaga, lalo na kapag nakangiti. Hihi. Wala namang masama kung hahangaan ko pa rin siya eh! Kakalimutan ko na lang yung nakita ko, pero sana hindi na ulit sila pumunta doon.



-o-o-o-



MIKA's POV



My other favorite time of the day! Break time! Swerte pa dahil may nagbigay ng cupcakes sa akin. Hehe. Nakaupo kami ni Camille sa may labas ng gym habang hinihintay sina Cienne, Ara at Kim. Dahil ako ang may pagkain, sila naman ang bibili ng inumin.



"Hmm, mukhang masarap!" ngiting-ngiti ako sa pagbukas ng box ng cupcakes.

"Hindi ka naman makapaghintay." biro ni Camille.

"Parating na ang mga yun, kuha na!" aya ko sa kanya.

"Okey sige, hehe." kumuha na din siya. Nakakagutom naman kasi ang training tapos may kasunod pa mamaya.



Rainbow cupcakes ang ibinigay sa akin at icing pa lang nakakatakam na. Nanamnamin ko ang pagkain nito dahil minsan lang may nagbibigay sa akin ng pagkain.


"Pwede makiupo?" may lalaking nakatayo sa may gilid ko. Nang nilingon ko, si Jeron pala. Bumalik ako sa pagkain at hinayaan kong si Camille ang sumagot sa kanya.

"Oo naman." sabi ni Camille. "Pagpasensyahan mo na yang si Mika, masyadong focus sa cupcake niya kaya di ka pinansin."

"Okey lang." tumabi sa akin si Jeron at ngumiti. Malay ko bang ako pala ang tinanong niya. Himala nga dahil kinausap niya ako. "Saan niyo nabili yan?"

"Bigay lang. Gusto mo ba?" inalok ko siya ng cupcake.

"No thanks. Galing sa suitor?" ---Jeron. Nakakapanibago siya, parang feeling close na. Ang alam ko friendly naman siya pero ngayon niya lang ako kinausap ng ganito.

"Admirer pa lang Jeron, hindi pa niya pinapayagan manligaw. Haha." ---Camille.

"Ganoon ba?" ---Jeron.

"Wag ka maniwala diyan, pauso yan!" inis kong sabi. "Sample lang ito kaya ako binigyan."

"Ahh, pero mahilig ka ba talaga sa mga sweets?" ---Jeron.

Infinite ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon