17 ✌🌸🍦

33 1 0
                                    


MIKA's POV


Ewan ko ba kung bakit nangyayari sa akin ito. Simula kasi ng umamin sa akin si Axel, parang naging sobrang lucky ko na. Lalong gumaganda ang laro ko sa volleyball, at dumadami pa ang mga fans. Nagiging mas sikat na nga yata ako kaysa kay Jeron! Mwahahaha.



At ngayon, makikipagkita ako kay Axel para sabihin ang desisyon ko sa panliligaw niya. Ngayon lang kami nagka-chance para magkita after almost a week dahil naging busy kami pareho.


"Hi Yeye!" tawag sa akin ng mga schoolmates ko at nginitian ko sila. "Pa-picture please..."

"Sure." masayang sagot ko.

"Let me take it." nakangiting sabi ni Axel, kakarating niya lang. Hmm, ang gentleman naman niya.



After umalis ng mga schoolmates namin, nag-offer si Axel na bumili ng merienda namin. Tumanggi ako dahil parang wala akong gana kumain at parang nahihiya akong kumain sa harap niya. Tsk, mukhang affected na talaga ako ng mga insults na sinabi ni Jeron about sa akin! Hay.


"Bumili ka kung gusto mo kumain." sabi ko kay Axel dahil umupo na siya pagkatanggi ko.

"Gusto ko kasabay kita kumain." sagot naman niya.

"Hmm, Axel..." bahagya akong ngumiti.

"Yes? Based sa ngiti mo, positive ang sagot mo..." nag-smirk siya.

"Uhm, bago yun, may aaminin muna ako sayo..."

"Ano yun?" pagtataka niya.

"Uhm... ano... Nanliligaw ulit si Jeron sa akin." nahihiya kong sabi. "Gusto sana kita bigyan ng chance... Pero nasa sa iyo yun kung okey lang sayo."

"Yes!" masaya niyang sabi. "Okey lang sa akin."



"Hi Mika! Hi Axel!" bati ni Jeron na nasa may gilid na ni Axel. Oh no, this is awkward!



-o-o-o-



JERON's POV




Nakita kong nakaupo sa may labas ng cafeteria sina Mika at kasama pa si Axel. Madalang kami magkita ni Mika at minsan lang din ako nakakanood ng laban nila sa UAAP. Kapag niyaya ko siya mag-date, madalas siyang tumatanggi pero naiintindihan ko naman dahil puro training sila.



Lumapit ako kina Mika at Axel na masayang nag-uusap.


"Hi Jeron." bati ni Axel at bumaling kay Mika. "Do you want me to tell him?"

"Tell me what?" tanong ko dahil hindi umimik si Mika at nawala ang ngiti. Kinukutuban ako.

Infinite ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon