25 ✌🌸🍦

38 1 0
                                    


MIKA's POV



Kahit gusto ko pa rin si Jeron, hindi pa rin buo ang loob ko na piliin siya, natatakot pa rin ako. Nagsimula na ang bagong school year at wala namang masyadong nagbago sa routine ko. Halos 6 months na nanliligaw sina Jeron at Axel pero dahil busy na sila sa training for UAAP, hindi naman ako nape-pressure na mamili na sa kanila.




Nagyaya lumabas si Jeron at sa may park lang kami pumunta. Siguro next week, kami naman ni Axel ang magde-date.


Bumili kami ni Jeron ng merienda sa MOA bago dumeretso sa park malapit sa CCP. Naupo kami sa may ilalim ng puno na nilatagan ni Jeron ng sapin at inihanda ang mga pagkain namin. Naka-relax lang kami, nakatingin sa mga batang naglalaro at nagpi-picture din.




Dahil sa madaming magagandang ginagawa ni Jeron para sa akin, unti-unting nawala ang galit ko sa kanya at hindi ko na naiisip na gumanti. Totoong masaya na ako ngayong kasama ko siya at itinuturing ko na siyang kaibigan. Hindi ko nga lang alam kung hahantong ng higit pa sa kaibigan.

"Look at this." sabi ko at ipinakita ang picture sa phone ko. "Pati ba naman ito, nahalukay pa!"

"Stunning..." nakangiting sabi ni Jeron. Ipinakita ko sa kanya ang picture na naka-tag sa akin sa instagram. Highschool pa ako at naka-ponytail habang may volleyball match kami. "I remember that match."

"Hmm, napanood mo ang match namin?" nagtaka ako.

"Yes, nagpunta kami ng mga sisters ko sa match na yan. Open for visitors kaya pinanood namin, it was the first time I saw you..."

"Talaga?"

"Yes, and that's when I had a crush on you..." naging seryoso siya pero kumunot ang noo ko. "My sisters also instantly liked you and asked for your picture."



Napangiti lang ako pero nahalata niyang hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya. Inilabas niya ang phone niya at hinanap ang picture.


"See?" iniabot ni Jeron ang phone niya. Nasa gitna ako ng mga ate niya sa picture. "I'm the one who took that picture, gusto ko nga din sana magpa-picture pero nagmamadali ka..."


Isinauli ko ang phone niya at hindi maalis ang ngiti ko. Pakiramdam ko rin pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.


"Hmm, nakakainis at hindi mo ako naaalala! Matangkad na naman ako noon tapos gwapo na din naman..." nag-pout siya at natawa naman ako. "At noong nalaman ko na sa La Salle ka maglalaro, nagsabi agad ako kay Papa na mag-inquire sa La Salle."


Sa bawat kwento niya ay parang lalong gumagaan ang loob ko sa kanya.


"I prayed to every churches and temples para matuloy akong maglaro sa La Salle." pagpapatuloy niya.

"Weh?" biro ko.

Infinite ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon