23 ✌🌸

47 1 0
                                    


ARA's POV




Medyo inaantok pa ako pero nae-excite na din! Natapos na rin sa wakas ang school year at simula na ng bakasyon! At kagabi lang ay nagkayayaan na mag-beach, ang kaso nga lang hindi kami kumpleto dahil may lakad si Kim. Kami lang nina Mika, Cienne, at Camille, at ang promotor ng gala na si Thomas, kasama sina Jeron at Axel.



Nagdala si Jeron ng van at salitan ang mga boys na magda-drive. Umupo sa harapan si Axel para wala sa kanila ang katabi ni Mika, at si Thomas ay pilit na tumabi sa akin.


"Haha, nag-text si Arnold! Bakit daw nagyaya tayo nung wala na siya sa dorm..." announce ni Thomas.

"Sayang, walang ka-date si Cienne!" pang-aasar ko. Tumingin ako sa likuran at nakasimangot si Cienne.

"Wow, nag-tag team pa kayong dalawa! Bagay din talaga kayo, bakit hindi na lang kayo, di ba?" sarcastic na sabi ni Cienne.

"Kasi may Von na..." nag-smirk si Camille. "Bakit hindi mo naman siya niyaya, Ara?"

"Tsss. Di ko pa nga siya pinapayagang manligaw, kaya wag niyo na muna kami unahan!" inis kong sabi. Dahil kasi sa mga pinagsasabi ni Thomas, nagka-idea tuloy si Von na gusto ko din siya. Pero mas gusto ko pa ring i-take ng slow kung anong meron sa amin.

"Wait Cienne, I'm not against being Ara's boyfriend, pero hindi naman kita inaasar kay Arnold..." nag-pout si Thomas. Pareho naman kaming nag-roll ng eyes ni Cienne.



-o-o-o-




MIKA's POV



Napapailing na lang ako sa mga pambobola nitong si Thomas kay Ara. Mabuti na lang hindi bumibigay itong si Ara, dapat noon pa lang ginaya ko na siya. Hindi na sana ako nagpauto sa pambobola ni Jeron!


Naikwento ni Ara ang pagtatalo nina Thomas at Von, eh ni hindi pa naman sila manliligaw ni Ara. Naalala ko tuloy nung unang nagkasagutan sina Jeron at Axel, at ngayon, baka mangyayari ulit. Napaka-awkward pa naman! Hay.




Ilang oras na ang nakalipas, nasa biyahe pa rin kami, nagka-stop over na rin kami at bumili ng makakain sa beach. Hindi naman ako makatulog kaya tumingin na lang ako sa bintana.


Habang pinagmamasdan ko ang magagandang tanawin, naging pamilyar ang paligid, hanggang sa madaanan namin ang Subic Treetop Adventure. Ang lugar kung saan naganap ang first date namin ni Jeron at napapayag ako magpaligaw sa kanya.


Napalingon ako sa harapan at nakita kong nakatingin ng seryoso sa akin si Jeron gamit ang rear view mirror. Agad akong umiwas ng tingin at bumalik sa pagtanaw sa bintana. Magandang memory sana yun, pero siya mismo ang sumira...



-o-o-o-



ARA's POV




Infinite ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon