6 ✌🌸

1.7K 57 12
                                    

ARA's POV



Makatawa naman si Mika! Lahat talaga tinatalo nito sa pambu-bully. Nasa dorm kami ngayon at nagchi-chill sa living room. Si Kim lang ang wala dahil nasa Espanya na naman. Nakisali siya sa celebration nina Mela dahil UST ang naging champion sa beach volleyball.



Ikinukwento ni Mika ang nangyari sa kanila ni Jeron noong kumain sila. Mag-isa kasi siyang bumalik sa amin kahapon tapos sinabi niya lang na hinihintay ni Jeron sina Thomas at Axel sa may parking lot. Naka-text ko din kahapon si Jeron at binasted daw siya kaagad ni Mika.


"Hahaha. Ayun nga, nang napasigaw ako, pinagtinginan kami. Tapos biglang nanlaki ang mga mata niya! Hahaha!" tawa ng tawa si Mika at nakahawak pa sa tiyan niya. Porket wala si Jeron dito, binu-bully niya na.

"Talagang kailangan isigaw mo ang pagbasted sa kanya?" sarcastic na sabi ni Camille.

"Nabigla kasi ako. Nag-sorry naman ako, pero nailang na din ako sa kanya pagkatapos noon." ---Mika.

"Bakit ba ayaw mong magpaligaw sa kanya?" ---Cienne.

"Sinabi ko na yung dahilan dati, di ba? Basta ayoko sa kanya!" ---Mika.

"Hindi naman mayabang si Jeron, kinalimutan mo kaagad yung panlilibre niya sayo." sabi ko.

"Nilibre lang ako, papayag na ako magpaligaw? Ano bang akala niya, madadaan ako sa pagkain?" ---Mika. Na-guilty naman ako, ako yung nagsabi noon kay Jeron.

"Di ba gusto mo naman talaga ng pagkain? Natural pagkain ang panunuyo niya sayo! Haha." ---Camille.

"Ginawa mo naman akong napakatakaw!" ---Mika.

"Ano bang dapat gawin ni Jeron para magustuhan mo siya?" Inaalam ko na para matulungan ko si Jeron. Hehe.

"Wala!" ---Mika.

"Parang ang sama-sama ng tingin mo sa kanya. Ano bang ginawa niya sayo?" ---Cienne.

"Nagagwapuhan din naman ako sa kanya. Pero kasi nga sikat siya, magbe-break kaagad kami kung magiging kami man." ---Mika. Aha! Yun pala ang dahilan kaya ayaw niya!

"Hindi pa nga kayo, ang nega mo kaagad." ---Camille.

"Ayoko sa kanya, tapos! Pag-usapan na natin si Thomas. Hihi." ngumiti ng nakakaloko si Mika.

"Hay naku, wala kang mahihita sa akin. Hindi ko na siya crush, idol ko na lang!" Medyo may gusto pa rin ako kay Thomas pero mas gusto kong panindigan ang mga sinabi ko sa kanya. Mas mabuting kalimutan ko na ang feelings ko bago ako tuluyang mahulog, alam ko namang hindi niya ako sasaluhin eh.




Kinabukasan, sa labas kami ng university kumain ng lunch dahil biglang nagyaya si Mika.

"Alam niyo ba, binati lang siya ni Jeron sa cafeteria, dali-dali niya na akong hinila palabas ng La Salle! Hahaha!" pagkukwento ni Cienne. Turn na namin para i-bully si Mika!

"Eh naiilang ako sa kanya!" inis na sabi ni Mika.

"Dapat nga siya ang naiilang sayo pero binati ka pa niya!" ---Kim.

Infinite ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon