14 ✌🌸

2.6K 58 13
                                    

ARA's POV



Hmmph! Bakit ko ba kasi naisipan gawin ito?! Mabuti sana kung ako ang ka-date niya... Napakamartyr ko ba? Huhu. Dinala ko na si Thomas dito sa location ng family business namin, ang Salas Resto Bar! Pero para sa romantic date nila ni Arra. Tsk!


Sabi ni Thomas, wala pa daw silang nagiging date ni Arra na silang dalawa lang dahil laging kasama ang mga friends nila. Eh ako itong gaga, nag-suggest ako na mag-dinner date sila pero lagyan niya ng personal touch, tulad ng napanood namin sa 'The Notebook'. Reklamo naman niya na hassle daw yun at hindi siya marunong magluto, pero bigla akong nag-volunteer na tumulong at maging chef nila! Shunga-shunga lang, di ba?! Huhu.


Pero kaya pumasok sa isip ko ang dinner date na yun dahil gusto kong mangyari sa akin yun. Siguro gusto ko lang maranasan ni Thomas kung gaano magiging ka-sweet yung date, lalo na kasama niya ang taong gusto niya o baka mahal niya na nga.



Three days na lang ay Christmas na at ngayon lang ang simula ng bakasyon namin dahil sa volleyball training. Natapos na ang 5 matches ng team sa UAAP at 4-1 na ang record namin. Nakapag-Christmas party na rin kami at bukas pa ako uuwi ng Pampanga, kaya ngayong gabi na magaganap ang date nina Thomas at Arra. Next year pa ang opening nitong resto bar namin pero fully operated na ang kitchen at dining area, kaya dito na din ako magluluto ng kakainin nila.



Galing kami sa grocery ni Thomas para bumili ng ingredients ng lulutuin ko. Tutulong din naman siya sa akin sa pagpe-prepare. Isang ulam lang ang iluluto ko at yun ay ang favorite ni Arra na caldereta.

"Thomas, hugasan mo na yung patatas..." utos ko sa kanya habang inaayos ko ang kaldero.

"Okey... I can't wait to taste your masterpiece!" masaya niyang sabi. Alam niyang marunong ako magluto, pero ngayon pa lang siya makakakain ng luto ko.

"Lol. Pagkatapos mo hugasan yan, balatan mo na tapos ikaw rin ang mag-slice."

"Sure! Pero turuan mo ako kung paano. Hehe." Parang ang energetic niya at gustong gawin lahat. Hihi.


Pagka-prepare ng mga ingredients, nagsimula na ako magluto at assistant ko naman si Thomas. Siya din ang pinagsaing ko, pero kinailangan ko pang ituro sa kanya!


"Akin na yung beef..." sabi ko kay Thomas.

"Here." hindi niya iniabot sa akin at pumunta siya sa may likuran ko. Parang nakayakap na siya sa akin at gusto niyang siya ang maglalagay sa kaldero. Malapit ko na ngang isipin na tsina-tsansingan niya ako eh! "Should I drop it all?"

"Oo..." Tsk, ba't ba ako kinakabahan?!



Nang naging tender na ang beef, pinaabot ko kay Thomas ang tubig pero nung lumapit siya, wala siyang dala at tuluyan na siyang yumakap sa akin.

"Thomas, ano ba?!" inis kong sabi. Grabe, balak pala niya talagang yakapin ako!

"Shhh... I just want to thank you for doing this..." Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, nararamdaman kong seryoso siya. "Hindi mo naman kailangan gawin para sa akin ito eh..."

"Oo na, tama nang drama. Ibigay mo na sa akin yung tubig!" Nakakainis lang kapag ganito siya, laging bumibilis ang tibok ng puso ko. Baka magkaroon ako ng heart attack!

"Hmm, sungit! Ayaw mo bang niyayakap kita? Hindi naman masamang yumakap sa kaibigan!" Magiging sweet ka tapos ipapaalala mo agad na friends lang tayo? Very good! Ginagawa niyang abnormal ang nararamdaman ko eh! "Wag mo kasing binibigyan ng malisya ang ginagawa ko sayo... Enough na ako lang ang may malisya sa atin. Hehe."

Infinite ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon