11 ✌

1.5K 60 21
                                    

ARA's POV



Bago ako maging busy sa UAAP, nagbabahay-bahay na ako sa mga friends ko para makipag-bonding. Taong-gala talaga ako at minsan nakikitulog pa ako sa kanila. Haha! Pero baka sa susunod sila na ang dumalaw sa akin dahil magre-rent na ng bahay ang tita ko sa Manila, malapit doon sa magiging family business namin. Ngayon, dito naman ako kina Thomas magfi-feeling at home para manood ng romantic movie kasama si Kat, ang younger sister niya.



Nakapunta na ako dito sa bahay nina Thomas dahil gusto akong maging kaibigan ni Kat. Favorite niya daw ako kaya parang hindi siya makapaniwala noong una kaming nag-meet, nagtitili ba naman! Haha. Malaki ang bahay nila para sa kanilang apat, tapos gabing-gabi na umuuwi ang papa nila mula sa work at minsan nasa dorm pa naka-stay sina Thomas at Axel. Akala ko dati magiging malungkot silang magkakapatid, pero napalaki sila ng maayos at napakamasiyahin pa ni Kat.



"Hay, ampunin niyo na ako Thomas! Gusto ko tumira dito! Haha." biro ko sa kanya habang nagbubukas kami ng mga junk foods. Padating na si Kat galing sa school kaya nagre-ready na kami ng kakainin. Halo-halo ang popcorn, cheese balls at piatos sa isang malaking bowl tapos may soft drinks pa. Empacho ata ang aabutin namin nito! Hehe.

"Sige, kapag kinasal tayo, dito muna tayo titira." sagot ni Thomas.

"Eww, mga banat mo! Kahit kay Arra hindi uubra yan eh!" Madalas pa rin siyang nagsasabi ng mga weirdong bagay lalo na kapag kaming dalawa lang at kapag pinagtutulungan nila akong imbyernahin nina Mika. Pero at least mukhang nagiging seryoso na talaga siya sa babae, naiisip niya na magpakasal, tapos sa akin pa. Hihi. Ara, pinapaalala ko lang, may nililigawan na siya!

"Aw, lugi ka pa sa akin?" pa-cute na sabi niya.

"Tsss, dalhin mo na nga ito doon!" iniabot ko sa kanya yung bowl.



"Ate Ara, hi! Na-miss kita ate!" sigaw ni Kat patakbo sa may kwarto niya. Natutuwa din ako sa magkuya na ito, parang gusto nila na lagi akong kasama. Hihi.

"Na-miss din kita! Hintayin ka namin ng kuya mo sa living room." sagot ko sa kanya bago siya pumasok sa kwarto.

"Tsss, kay Kat nagre-respond sa I miss you, pero sa akin hindi..." pagpaparinig si Thomas. Bahagya akong natawa dahil para siyang isip-bata. Hihi. Kumunot lalo ang noo niya at mabilis na dumeretso sa may sofa.



Inayos ni Thomas ang DVD player at inilagay na ang CD. 'The Notebook' ang papanoorin naming movie dahil hindi pa yun napapanood ni Thomas. Hindi siya mahilig sa romantic films pero kami ni Kat ang nag-request para panoorin yun. Saka para malaman na rin niya kung paano maging genuinely romantic. Hehe. Pagkagaling sa kwarto, umupo si Kat sa tabi ko kaya napapagitnaan nila ako ng kuya niya. Ako din tuloy ang naging tagahawak ng bowl ng pagkain!



-o-o-o-



THOMAS' POV



Infinite ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon