18 ✌🌸🍦

38 1 0
                                    


CIENNE's POV



Wala naman akong magagawa kung magkatuluyan sila kaya habang maaga, dapat masanay na ako na makita silang magkasama. Umamin na si Mika sa amin na pumayag na siya magpaligaw kay Axel. Ngayon, magkikita sila at sabay kaming kakain ng merienda.



Hay... Napatungo na lang ako habang inaantay namin si Axel.


"Hello Mika and Cienne..." bati ni Axel. "We bought ice cream for you."

"Wow, thank you!" sagot ni Mika.

"What the?!" nagulat ako dahil may tumilapon na ice cream sa shirt ko, bago pa ako makatingala at makita ang pagmumukha ng walang hiyang lalaking ito!

"Ohh, I'm really sorry..." worried ang itsura ng damuhong AVO.

"Nananadya ka eh!" pasigaw kong sabi.

"No, I wouldn't do that..." mahinahon pa rin ang boses niya at bigla na lang kumindat sa akin. "Do you want mine? But I already licked it."

"Ang kapal mo din!" inis na inis ako pero painosente naman siya kaya mas mukhang nagulat pa sa akin sina Mika at Axel dahil sa sigaw ko. "Mika, aalis na ako at magpapalit ako ng damit."

"Hey, I'm sorry talaga!" pa-cute na sabi ni AVO bago ako umalis.





Sa sumunod na araw, kasama ko naman sina Ara at Camille. May mga dala kaming ilang libro na gagamitin namin sa project. Sa hindi ko namalayang pagkakataon, bigla na lang may sumanggi sa likuran ko kaya nalaglag ang mga librong dala ko.


"Oops, I'm sorry..." worried na naman ang itsura ng AVO na ito! Pero nagulat ako dahil bigla siyang lumuhod at kinuha ang mga libro at iniabot sa akin. Hindi na lang ako umimik at hinayaan siya.





Nakalipas ang ilang mga araw at kapag may mga chances ay may ginagawa si AVO na kakaiba sa akin. Tulad ng hihilahin ang buhok ko, papatirin ako pero sasaluhin kaagad ako, maglalaglag ng kalat habang nagbabasa ako, napaka-childish at stalker! Tapos magso-sorry agad, minsan nga lang nasisigawan ko siya kahit may mga tao sa paligid. Halatang gusto niyang pagmukhain akong masama!


"Ara..." malungkot kong sabi. Nasa dorm na kami, at pumunta ako sa kwarto nila ni Mika.

"Oh bakit?" nag-aalalang sabi niya.

"Pakisabi naman kay Thomas na pagsabihan si AVO na tigilan na ako..." Onti na lang kasi iiyak na ako. :(

"Okey Cienne, mukha ngang nagpapapansin sayo si AVO... Siguro may gusto sayo!" nakangisi na siya.

"Ara naman! Ang dami-daming lalaki tapos nakuha mo akong asarin sa creep na yun!" inis kong sabi.

"Ehh bakit naman kasi niya ginagawa yun? Nagpapa-cute masyado sayo."

"Hmmph!" Well, never uubra sa akin ang pagpapa-cute niya!

Infinite ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon