Prince Ivan's
Simula ng namatay si Tito hindi na siya pumasok. Hindi na din siya nagpapakita samin. Hindi na nga din siya nakapagpractice nitong graduation eh. Pero sana ngayon umattend siya
Ilang beses ko ng tinanong sila Alliah and sheena pero lagi lang nilang sinasabi 'okay lang si cheska wag ka magalala'.
Pagpumupunta naman ako sa kanila madalas sinasabi ni Nanay rosing 'ay wala si Cheska dito ijo, paguwi sabihin ko nalang napadaan ka' o kaya 'tatawag na lang daw siya sayo' pero kahit isa wala akong natatanggap na tawag
Alam ko naman na masakit mawalan ng minamahal eh. Pero hindi naman siguro sapat yun para hindi siya magpakita o magparamdam samin—sakin. Minsan nga naiisip ko na baka ayaw lang talaga sakin magpakita ni Cheska kasi kay Brixx nagpakita na siya nakausap pa nga niya eh pero sakin ayaw. Ayaw niya na ba sakin?
Bawat araw na dumadating lagi akong nagtetext or tumatawag sa kanya pero naka off yung phone niya. Parang naging diary ko na nga yung conversation namin eh. Matatawag ba yun na conversation kung hindi naman siya nagrereply?
Mahalaga yung araw na to para sakin—samin kasi ngayong araw makukuha na namin yung pinaghirapan namin, dapat nga masaya ako dahil araw ko to? Araw ng bawat istudyante na gagraduate ngayon pero diko magawang ngumiti kasi di ko pa siya nakikita
"Hi tita" bati ko sa mommy ni Brixx
"Oh iva., Nakita mo ba si Brixx?"
"Opo. Nasa loob po siya"
"Bakit ayaw mo pa pumasok? malapit na magstart ijo"
"May hinihintay pa po ako. Sunod nalang ako"
Pumasok na si tita, 10 minutes na lang malapit na magstart pero nandito pa din ako sa labas ng campus hinihintay siya baka sakaling dumating siya
"Alliah!" pagkababa nila sa kotse ni Ken tumakbo na agad ako papunta sa kanila "Kasama niyo si Cheska? Aattend ba siya? Nasan siya?"
"Easy ka lang bro" singit ni Ken
"Mokong" napatingin ako sa likod ko "Masyado mo naman akong namiss"
"Ivan hindi ako makahinga" bulong niya sakin ng bigla ko siyang yakapin
"Namiss kita" bulong ko
"Hoy tama na landian. Malelate na tayo" napatawa naman ako sa singit ni Sheena kaya hinawakan ko nalang yung kamay niya papasok sa campus
Ganun ko ba siya kamiss? at nakalimutan ko na merong tao dito sa paligid namin
Kahit na hindi siya nagparamdam sakin this past few days alam ko sa sarili ko na hindi nabawasan yung pagmamahal ko sa kanya. Siya pa din si Cheska na nakakapagpatibok nito.
"Prince Ivan Angeles" tinawag na yung pangalan ko kaya tumayo nako at sinalubong si Daddy
"Congrats anak" bulong sakin ni Daddy habang paakyat
"Thank you dad" niyakap niya muna ko bago kami umakyat para kunin yung diploma
Hanggang sa natapos na yung graduation kaya nagsilabas kami at nagpapicture
"Mokong"
"Hmm? wag mo sabihing nagagwapuhan ka sakin? nako alam ko na yan" pagbibiro ko kaya nakatikim na naman ako ng hampas
"Mamaya na nga lang tatawag ako. Uwi na muna kami. Sagutin mo tawag ko ha? pag dimo sinagot hindi nako tatawag" sabi niya sabay pasok sa kotse ni Ken
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Boyish
Ficção Adolescenteonce upon a time... the badboy fell in love with a boyish girl, impossible right? but now a days its possible