Kakagising ko lang tanghali na pala, wala na dito sa tabi ko sila Sheena at Alliah. ang ingay pa sa labas, nagpaparty na ata ulit sila
Hindi ako nakatulog kagabi ng maayos paano ba naman kasi naaalala ko yung nangyari kagabi sa spin the bottle game namin
Naka ilang spin na si Vincy at ang usapan wala ng truth puro dare nalang buti hindi pa natatapat sa akin yung bote, pagka spin ni Vincy tumapat sa kanya at kay A.j
"Paano ba yan pre? hahaha" natatawang sabi ni Vincy, nalaman kasi namin na nililigawan na ni A.j si Cassandra kaya inaasar nila si A.j.
"Ulol! Bilis na mag utos kana" sabi ni A.j
"Back hug mo si Cass!" utos ni Vincy, tinignan ko si Cassandra namumula siya hahaha
"Ayieeee! Kinikilig si Ate Cassandra, iback hug na yan!" sabi ni Princess, kaya nakisabay na ako sa pang aasar
"Iback hug nayan! Iback hug nayan!"
Lumapit si A.j kay Cassandra at umupo sa likod "Amp, C:-) cassandra? pwede ba kitang iback h-hug?" nauutal na tanong ni A.j kay Cass, hahahaha ang cute nila tignan bagay na bagay
Nakita kong tumango si Cassandra kaya halos lahat kami nag tilian except boys, nakakakilig sila grabe
"dyan ka nalang A.j, hanggang matapos tayo" sabi ni Vincy tapos inispin na niya ulit yung bote.
Pagkaspin niya napatingin ako kay Mokong nakatitig lang siya sa pool, nagulat ako ng tumapat yung bote kay mokong, "Pre! pano bayan? tumapat sayo" sabi ni Brixx.
"Anu utos mo?" mabilis na tanong ni Mokong, tatayo na sana ako ng magsalita si Brixx
"Gusto kong yakapin mo yung taong sinasabi mo kanina, ngayon na" nakita kong yumuko si Brixx
"Pre? nandito yung mahal mo?" tanong ni E.j
Hindi sumasagot si Mokong kaya tumayo na ako gusto ko ulit mag swimming kaso biglang may humawak ng kamay ko
Nakita ko si Mokong sa harapan ko at bigla akong niyakap, biglang bumilis yung tibok ng puso ko yung feeling na sasabog na siya sa sobrang bilis ng beat. Ngayon ko lang nalaman na ang sarap pala sa piling ng yakapin ka ng taong mahal mo. Ugh! Erase erase! Hindi ko siya mahal! Okay? Hindi ko siya mahal!
Gusto ko sana siyang itulak kaso ayaw gumalaw ng mga kamay ko para akong na stock up, bumitaw siya sa akin at may binulong
"Ikaw yung mahal ko hindi ko alam kung bakit basta ikaw....ikaw" binitawan na niya ako at tinulak pa akyat sa second floor, hindi parin ako makapag isip kung anong gagawin ko.
Nakahiga pa rin ako dito sa kama, bwiset kung bahay ko lang to, di na ako kikilos, tumayo na ako kahit masakit pa yung ulo ko. Ginawa ko na din yung morning rituals ko at nagpalit nadin ako ng damit.
Pagkababa ko walang tao lahat ata sila nasa garden, dumiretso nalang ako sa kitchen kasi nagugutom na talaga ako, makita ko si Mokong na nagluluto aatras na sana ako kaso nakita na niya pala ako.
"Wag ka ng maarte, hindi ka maganda, umupo kana diyan, tayong dalawa nalang yung hindi kumakain" umupo na ako sa table at nag handa naman siya, nakakapanibago lang kasi parang ang bait bait niya ngayon
"Bak—" pinutol niya yung sasabihin ko
"Mabait ako kasi hindi ko bahay to" sabi niya, sus di naman halatang mabait siya
![](https://img.wattpad.com/cover/14166281-288-k595496.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Boyish
Teen Fictiononce upon a time... the badboy fell in love with a boyish girl, impossible right? but now a days its possible