AGKB 7: Program Plan

7.3K 210 3
                                    

A.j's

Nandito ako ngayon sa bahay ni Ivan may practice kasi kami para sa program sa Friday

Ako at si E.j pa lang nandito, si Ivan naman naliligo pa daw, nandito nga din pala sila Keichi at Cassandra my loves hahahaha corny ko:3

Nasa kwarto sila ni Princess, mag katropa na ata yung tatlo na yun eh, meron pa silang kasama si Harlyn yung isa pa naming bestfriend kaso nasa Korea siya ngayon

Nagulat ako ng bumukas yung pinto nila Ivan, sila brixx lang pala, gulo ng mga buhok nila parang nakipagaway na naman tong mga 'to

"pre daya niyo dapat sinabihan niyo kami ni E.j, hindi tuloy kami nakapag exercise" pag yayabang nasabi ko sa kanila, umupo lang sila sa harap namin na para bang walang nangyari:3

"Ulol! mas magaling pa nga lola ko sayo eh" natatawang sabi ni Brixx "Pfft."

"Sabi ko nga sa kanila wag ng tumulong kaya ko na yun kaso ang kukulit" pag mamayabang naman ni Vincy kaya pinagbabato siya ni e.j ng papel

"Yabang mo pre!" sabi ni E.j, tumawa nalang kami ng tumawa, napansin ko tahimik si Marcky

"Pre! bakit ang tahimik mo?" siryosong tanong ko kay Marcky pero iniwas niya lang yung tingin sa amin

"Kanina pa yan tahimik, nakita lang namin siya dun sa labas ng Village ni Vincy eh" tumingin kami ni E.j kay Brixx habang si Brixx tumingin kay Vincy

"Kasi yung mga Black HunterXx na yun pinagbantaan si Marcky na mag ingat ingat daw yung mga SixErs" galit na sabi ni Vincy, bigla namang dumating si Ivan na halatang kakaligo lang

"Anong Black HunterXx ? Grupo nil—" naputol yung sasabihin ni Ivan ng magsalita si Marcky at umakbay kay Ivan

"Wala yun pre! Pinag ti-tripan lang namin yung grupo nila, diba Vincy? E.j? Brixx? A.j?" Nakasmile na tanung niya sa amin kaya nagets din namin yung sign niya

Iba kasi magalit si Ivan makakapatay talaga siya. Nakaraan napatay niya yung leader ng Black HunterXx kasi binastos nila si Harlyn yung bestfriend namin eh ayun naman talaga yung close nitong si Ivan

"Pre! kamay mo, nababading kana ba sa akin? Pfft." natatawang tanong ni Ivan kay Marcky

"Mga Ulol! Tara na punta na tayo sa Music Room niyo, may pupuntahan pa ako " sabi naman ni marcky, tumawa nalang kami ni E.j habang sumusunod sa kanila

Pagdating namin nag practice na agad kami, naisipan naming kantahin isang Love song at isang Rock

Ayaw kasi ni Ivan ng Love song pero kailangan namin yun para sa mga girls kasi kung walang kilig part baka mag fail kami dito

Bali ang mga Position namin is :

Brixx - Vocal

E.j - Guitar

Ako - Guitar

Marcky - Drum

Vincy - Piano

Ivan - Vocal

"Tol dahil ikaw yunh isa sa Vocalist natin at ayaw mo ng Love song, ikaw na pumili ng kakantahin natin " sabi ni E.j kay Ivan, nakaupo pa lang kami at nag iisip kung ano yung gagawin namin

"Let me be the one" tipid na sagot ni Ivan sa tanong ni E.j, nagkatinginan kaming lima sa sinabi niya "Bakit? may problema?" tanong niya

"Wala pre" mabilis na sagot ni Vincy, nakakagulat lang kasi hindi namin alam na alam niya yung kanta na yun

Prince Ivan's P.O.V

Nandito kami ngayon sa Music Room namin, para mag plano ng gagawin namin sa Friday

Leche kasing officers yan may pa program program pang nalalaman

"Tol dahil ikaw yunh isa sa Vocalist natin at ayaw mo ng Love song, ikaw na pumili ng kakantahin natin" Sabi sa akin ni E.j, wala naman akong magagawa eh, kahit ayaw ko ng Love song, kailangan namin yun para makahatak ng susuporta sa amin sa laban namin, malayo pa yung laban namin kaya makakahatak pa kami ng supporters

Wala naman akong alam na kanta sa love song ng biglang nag Flashback sa akin yung kasama ko si Boyish sa kotse ni A.j nung papunta kaming Star City

binuksan ni Boyish yung music sa kotse ni A.j at Love song ang tumugtog

"Let me be the one---" ayan yung narinig ko sa kanta kasi pinatay kona agad nakakairita kasi

"Let me be the one" pag kasabi ko nun nagkatinginan silang lahat, parang gulat na gulat sila "Bakit? may problema?" Tanong ko sa kanila

"Wala pre" mabilis na sagot ni Vincy

"sige, let me be the one yung isang kanta natin? ano para sa Rock?" Tanong ni Brixx

Naalala ko yung favorite kong kantahin nung bata ako, yung "tuloy parin" nakakagaan kasi ng loob

"Tuloy parin" sabi ko at tumayo na para kabisaduhin ang kakantahin namin

Marcky's P.O.V

Kinabisado na namin yung Chords namin habang sila Brixx at Ivan ay kinakabisado din yung kakantahin nila

Nanibago lang ako kay Ivan kasi may alam siya sa Love song, wala nga siyang interest sa mga ganun pero isa lang masasabi ko sa kaibigan ko

Umaasenso kana pre

sabi ko sa isip ko at tinuloy kona yung pag kakabisado

Ilang sandali lang ay nagsimula na kami, inuna namin yung "Tuloy parin" para mabuhayan naman yung mga taong nanonood

Hindi namin tatapusin yung kanta kasi may Love song pa at for sure marami pang kaek-ekan yung mga freak officers na yun

Pinractice narin namin yung next song namin, yung "Let me be the one by Jimmy Bondoc"

Hindi din namin tinapos yun kasi masyado na daw nadi-display yung mga gwapo naming mukha sabi ni A.j

Dumating sila Keichi, kaya si A.j hindi mapakali kasi nandito si Cassandra, ang lakas talaga ng tama ni A.j kay Cassandra

"Guys, alam niyo mas maganda pag may entrance kayo! alam niyo yung kanta ni James reid sa diary ng panget?" Tanong samin ni Keichi, kaso mukang walang sasagot kaya ako na yung sumagot

"Hinde eh"

"Aj yung "Natataranta na" panoorin niyo, for sure ako na mas dadami yung supporters ninyo dun" sabi naman ni Keichi kaso mukang na feel niya yung panget na aymosphere kaya lumabas na sila

"Gagawin natin yun?" Vincy

"Dipende kung gusto ninyo" sabi ko

"May point din si Keichi" A.j

"So you mean sasayaw tayo!" excited na sabi ni E.j, dancer kasi siya dati sa school nila

"Fine! gagawin natin yun" sabi ni Ivan, pag kasi si Ivan ang nagdisisyon masusunod, siya kasi yung parang leader namin

Pinanood na namin yung sinasabi ni Keichi at mukang kaya naman namin yun, pinractice namin yung sayaw kaso hanggang chorus lang din kasi kakanta pa kami

Sana mag tagumpay kami sa friday kasi ngayon nalang ulit kami kakanta, last year kasi yung last na pagkanta namin at sa ibang school pa yun

Kaya medyo nangangapa ulit kami, pero hindi naman kami kinakabahan kasi school naman namin yun

Ang Girlfriend kong BoyishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon