Francheska's
Sa wakas natupad na din isa sa mga dream ko. Ang may makasama sa valentine's day at maging special yung araw nayun.
Isang araw na ang lumipas simula ng mangyari yun and hanggang ngayon diko pa din maalis sa labi ko yung mga ngiti.
Isang araw na din akong kinukulit ni Sheena at alliah kung san daw ako nagpunta nung araw na yun
"Best ano na?"
"Chika mona girl dali"
"Siguro magkasama kayo ni ivan tas nagpunta kayo sa park tas n—"
"Hindi nagpunta sila sa beach"
"Nag out of town!"
Ayan na naman po sila
"Okay class" buti naman at dumating na tong teacher namin kaya nagkaron ng katahimikan sa room
"Wala naman siguro sa inyong bumagsak sa ibang subjects diba?"
"Wala"
"Good? Punta na kayo sa auditorium para magpractice na ng JS niyo"
"Yes! akala ko wala tayong JS eh"
"Omg! Ready na yung gown ko"
"This is it"
"OMG best! May JS tayo" hyper na sabi sakin ni alliah
"Alam ko kakasabi lang" poker face kong sagot
"Taray naman" kahit hindi ko siya nakikita alam ko naka pout na naman yan
Pumunta na kaming audi. Dun daw kasi paguusapan lahat. Pagdating namin dun madami ng tao pero may nakareserve na seats for every section
"Daming tao" sabi ko dito sa katabi ko
"Syempre. JS kaya to"
"Aattend ka?" tanong ko sa kanya
"Kung ikaw partner ko"
"Pano pag ayoko?"
"Bakit may partner kana bang iba?!" kunot noo niyang tanong kaya napatawa nalang ako
"Napaparanoid kana naman mokong" sabay kurot ko sa ilong niya
"Aattend ka ba?" tanong niya
"Ewan"
Nagsimula ng magdiscuss yung mga teacher sa stage. Yung iba excited na excited yung iba naman hindi alam niyo na siguro kung sino yung mga hindi. Syempre yung nga nerds dito
"Mokong tignan mo yung mga nerds" utos ko
"Ano meron?"
"Hindi sila excited. Bakit kaya?"
"Kasi bubullyhin lang sila. Yah know maraming bully dito" sabay akbay niya
"At isa kana don" natatawa kong tuloy
"Hoy hindi ha. Dati lang yun" natawa nalang ako sa reaction niya
Buti nga ngayon dina siya nangbubully eh. Unang pagkikita namin ang hindi ko makakalimutan sa tanang ng buhay ko. Bwisit kasi tong mokong na to eh
Pinauwi na kami after ng mahabang discussion kasi wala na naman daw gagawin sa last subject namin
"Best. Next week na yung JS omg! Excited nakooo"
"May partner kana ba?" tanong ko
"Wala pa hahaha pero syempre si Brixx na yon" natawa na lang ako "Aattend ka ba best?"
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Boyish
Teen Fictiononce upon a time... the badboy fell in love with a boyish girl, impossible right? but now a days its possible