AGKB 43: Names

3.5K 100 17
                                    

Francheska's

Isang linggo na ang nakakalipas at balik sa dati na kami. Pumasok na silang lahat pati yung schedule namin maayos na wala ng mga putol putol kaso kaming lahat na kasali sa intrams magpapractice buong araw

Pag na-aalala k opa yun naiinis ako. Aish! Bwisit naman kasi 'tong mga classmate ko. Tapos yung teacher ko pa nako! Final na daw? Eh mas maganda pa nga sakin si Sheena ,pwede ding si Harlyn! Lahat sila, pero bakit ako pa? The fuck. Tsaka nakakailang yung partner ko. Pwede kung si Brixx or kahit sino wag lang siya baka kasi hindi ko mapigilan 'tong puso ko at masigaw ko na mahal ko siya

"4-A girl" sigaw nitong baklang hinire ni Sir Legaspi

"Yes si-ma'a-po?" hindi ko alam kung ano itatawag sa kanya Malay ko bang gusto niya ng ma'am diba? O kaya gusto niya sir tawag sa kanya. Hay buhay nga naman parang life

Nandito din kanina si Arran and Mark. Sila daw yung representative ng 4-B pero hindi na sila pinagpractice nitong pagmomodel kasi alam na daw nila yun

Model kasi si Arran sa Korea diba? Tapos si Mark naman sanay na daw sa mga ganto kaya kahit hindi sila mag practice okay lang. Ang daya diba? Asan yung HUSTISYA? T________T

"Rarampa kana ineng! Tss nilisan mo DOUBLE TIME!" sigaw niya kaya naglakad na ako ng mabilis papuntang harap

"Ano ba? Ayusin mo nga yang paglalakad mo! Sa contest ka sasali hindi sa marathon! Boba" mataray na sigaw nung Pangit na baklang panot tss.

Pakialam ko ba kasi dito? Pasalamat sila at hindi na ako magtetest pag sumama ako dito kundi. Nako! Nako lang talaga.

Bumalik na ako sa back stage and inulit yung paglalakad sa harap niya pero hindi ko talaga nilalagyan ng arte yung lakad ko. Kung ano yung lakad ko ayun talaga yung ginagawa ko ngayon. Bahala siya mainis tsk.

"Ano ba? Putanginamess naman oh! Ay-" naputol yung pagsigaw niya ng biglang may nag salita galing sa likod niya

"Robert"

"Anong Robert? Walang tumatawag sakin na gan-ayy young master bakit po?" bigla namang nawala yung arte sa boses niya pero young master daw? Means kilala 'to ni mokong?

"Bakit ka sumisigaw?" cold niyang tanong. Nakakatakot yung aura niya ngayon kasi grabe yung pagka cold niya abot sa mata niya. Parang moon yung mata niya na nasa factory ng yelo na pagtumitig ka maninigas ka

"Itong bobitang babae na partner niyo kasi young master! Hindi marunong tapos ang pangit pa. Hindi ko nga alam kung bakit naka sali pa 'to sa contest eh pwede namang si Harlyn diba young mastet? Tsk. For sure akong sinulsulan nito yung mga classmate mo para maging partner ka. Ang despirada mo girl" sabi ni baklang panot with matching iling iling pa. Okay! Masakit yung pag-iinsulto sakin nitong baklang 'to. Ang kapal ng mukha niya BWISIT!

Bakit siya? Maganda ba? Neknek niyang maitim! Napaka pangit niya, mas maganda pa nga ako sa kanya eh. Ang kapal nito! Tapos yung sinulsulan? Nako! Hindi ako ganun tsaka hindi ko nga ginusto 'to, tapos sasabihan niya pa ako ng ganun? Gago pala siya eh.

Bababa na sana ako ng biglang nagsalita si Mokong "Oo nga, hindi siya marunong maglakad, ang pangit niya pa, Tapos ano pa ba?" lahat ng dugo ko nagsi-akyatan sa ulo ko sa sobrang galit ko. Akala ko kakampihan niya ako pero anong ginawa niya? Akala ko ba manliligaw siya? Ayos ha. Ayos talaga.

"Manunuhol pa young master, pati pala despirada" dagdag ng baklang panot sa sobrang galit ko bumaba na ako ng stage at lumapit sa kanila. Sasampalin kona sana yung bakla ng bigla ulit magsalita si Mokong, Ang hilig nitong sumingit bwiset!

"Tapos kana ba sa panlalait sa taong mahal ko bert?" para namang nag glue 'tong katawan ko sa inaapakan ko at hindi ako makagalaw sa mga sinabi niya

Ang Girlfriend kong BoyishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon