Prince Ivan's
"Pre! Ang bagal niyo mauna na ako" sabi ko kila Brixx, Mas pinili kasi namin na magtest para dagdag grade na din, "Best! Ang bilis mo naman, Kita na lang tayo sa garden" narinig kong sabi ni Alliah kay Cheska.
Hindi parin ako pinapansin ni Cheska, And I admit na kasalanan ko yun pero hindi ko naman sinasadya eh. Hindi ko nga alam na ganun pala yung mangyayari, Kung alam ko lang edi hindi kona sana pinlano yun.
Natauhan ako ng biglang may tumama na bola sa ulo ko, "Fuck! Ano ba?" sigaw ko
"Sorry Prince! Hindi na po mauulit" sabi ng lalaki na mukhang 1st year,
Teka lang, Si Cheska nasa garden diba? so this is my chance na makausap siya. Tumakbo na ako papunta sa garden and nakita ko si Cheska na pasalubong sa akin,
Nagkatinginan kami ng two seconds ata, basta nagkatinginan kami kaso umiwas agad ako kasi itong si Mr.heart parang kakawala na eh. Dirediretso na lang ako sa paglalakad and ganun din yung ginawa niya.
Ang tanga 'ko. Bakit 'di ko kasi kinausap peste! "Kausapin kona kaya siya?" tanong ko sa sarili ko, Para akong tanga dito sa likod ng garden. Bwisit! Bakit kasi siya umalis don?! Sino ba may pakana ng plano na 'yon? ako nga pala.
"Kahit na! Nako naman!" Okay! kakausapin kona siya, Pupunta na sana ako sa pwesto niya pero may nakita akong kausap niya, parang nakita kona siya dati pero hindi ko matandaan.
"Alam mo ate Thalia! mga sira ulo kasi yang mga lalaking yan! mga manloloko, 'di marunong rumispeto,walang modo at higit sa lahat sasaktan ka lang" medyo galit na sabi ni Cheska and I think ako yung sinasabi niya.
Hindi kona sila pinakinggan kasi pumunta na akong oval, May program kasi and all students ay dapat umattend -______-
Pagdating ko sa oval nakita kona sila Brixx kaya lumapit ako, "San ka nang galing pre?" tanong ni E.j
"Sa garden" sabi ko tapos umupo na ako dito sa chair
Nagkekwentuhan lang sila and dumating na sila Cheska kasama sila Alliah, Hindi na ako nakisali sa kwentuhan nila kasi ramdam ko yung galit ni Alliah sakin pati si Arran and Cheska. Kahit hindi naman nila sabihin yun eh, Kasi randam ko naman. hindi naman ako manhid.
Mabilis din natapos yung program, Hindi naman ako nakinig. Walang kwenta. Nagpaalam na din ako sa barkada na pupunta lang ako ng gym, Mag babasketball na lang ako.
Pagdating ko sa gym nakasalubong ko si Darren, And kasama niya yung kausap kanina ni Cheska dun sa garden,
"Oh Prince" sabi ni Darren tapos nakipag apir sakin
"Sino na naman yang chixx na yan?" natatawang sabi ko, Impernes maganda siya
"She's Thalia, Yung kinwento ko sayo dati sa mall na bestfriend ko" sabi niya kaya napa 'Ahh' nalang ako.
"Thalia! Prince nga pala ka Co-varsity ko dati sa basketball. Prince, Thalia bestfriend ko" nag shake hands kami, Parehas sila ng kamay ni Cheska, Malambot.
"Pre! Saglit lang ha? Thalia! Sama ka muna kay Prince, Mabait yan. Takot lang niyan sakin" sabi ni Darren tapos umalis na.
Dapat mag babasketball ako pero sasamahan kona muna 'to "So ikaw pala si Prince" sabi niya, Kaya binigyan ko siya ng heartthrob smile pero walang effect sa kanya, Parehas sila ni Cheska parang boyish -___-
"May problema ka ba? Pwede mong sabihin sa akin" sabi niya tapos ngumiti, Ang ganda niya pero mas maganda parin si Cheska! Aish. Cheska sana magkabati na talaga tayo.
"Eh?" nahihiyang sabi ko, Nakarating na pala kami dito sa freedom hall
"Hindi pa rin pala nag babago 'tong Xavier! Miss kona yung highschool life!" sabi niya.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Boyish
Teen Fictiononce upon a time... the badboy fell in love with a boyish girl, impossible right? but now a days its possible