Francheska's
Pagkaalis ni Keichi, yung iba tumulong na lang din linisin 'tong kwarto. Hindi pa din maalis sa utak ko yung itsura niya kanina. Hindi yung Keichi na mataray at muntik ng makapatay ang nakita ko. Kundi yung Keichi na mahina, walang magawa, Keichi na kabaliktaran ng palagi niyang pinapakita sa ibang tao
Sa sobrang guilty ko, lumabas na ako ng room at sinimulang hanapin siya. Sana lang hindi pa siya nakakaalis
Una akong pumunta sa caf. Baka kasi nandito siya kaso wala kaya dumiretso na ako sa mini house at dun ko siya nakita sa sofa umiiyak...
"Diko kailangan ng awa mo. Umalis kana dito." sigaw niya. Alam kong siya pa din si Keichi na yung mataray, pero ewa:-) n ko sa sarili ko. Lumapit pa din ako sa kanya at tinabihan
"Iyak mo lang. Minsan kailangan mo 'din iiyak lahat para kahit papano mabawasan" sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya
"Loser" rinig kong sabi niya pero 'diko nalang pinansin at kumuha nalang ako ng tubig
"Here, Uminom ka muna" sabi ko pero tinignan niya lang yun. Ilalapag kona sana ng bigla niyang kunin kaya napangiti ako
"Wag ka ngumiti ngiti dyan freak" ang dami namang tawag sakin nito. Pasalamat siya at may puso ako at tinulungan ko siya. Nako
"Okay ka na?" tanong ko
"Pakialam mo ba? Pagsinabi ko bang hindi magiging okay ako? Tss. Stupid" sabi niya tapos nag rolled eyes. Dapat umaalis na ako ngayon pero ewan ko. Gusto ko mag stay sa tabi niya. Gusto ko malaman yung reasons niya kung bakit niya nagawa yun "Pwede ka nang umalis" dagdag niya pero hindi ako umalis sa kinauupuan ko
"Handa akong makinig. Magkwento ka lang" sabi ko at kumuha nalang ng chips sa ref nila. Gutom na ko ulit eh
"Are you high? What the fuck" rinig kong sabi niya kaya lumabas na agad ako ng kitchen
"I'm not high. Tss gusto ko lang malaman kung bakit mo ginawa yun" sabi ko at tumabi ulit sa kanya
"Tsismosa" sabi niya at kinuha nalang yung phone niya at naglaro
Keichi's
Believe din ako dito sa Cheska na 'to! Tsk. Kahit may kasalanan ako sa kanya, kahit nagmamaldita ako sa kanya, kahit tinataboy ko siya nandito siya. Gusto akong i-comfort.
"Ano ba ginagawa mo dito? Umalis kana nga" pagtataboy ko sa kanya pero imbis na umalis siya ay inayos niya pa yung pagkakaupo niya
"Umalis kana sabi!" sigaw ko. Magsasalita na ulit sana ako ng biglang bumukas yung pinto
"Wala kang karapatan para sigawan yung GIRLFRIEND KO!" sabi niya at lumapit samin
"Let's go! Wag mong ipagsiksikan yung sarili mo sa taong ayaw naman sayo" sabi niya kay Cheska pero nakatingin sa akin. Kay cheska niya ba talaga sinabi yon o sakin?
"Sag-" aangal pa sana si Cheska ng tignan siya ng masama ni Ivan. Tumingin muna sakin si Cheska bago sila tuluyang lumabas.
Ewan ko pero feeling ko mag-isa na naman ako. Aish! Kanina pinapaalis ko siya pero ngayon parang ano damn.
I like her as a friend pero parang 'diko kayang makipag kaibigan sa girlfriend ng mahal ko. Tsaka isa pa, may kasalanan ako sa kanya
"Sabi ko naman sayo eh. Wag ka nang iiyak diba?" napatingin ako sa pinto ng biglang may nagsalita "Pagiiyak ka. Gusto ko nasa tabi mo ako. Kasi gusto ko, ako yung magpupunas ng mga luha mo" sabi niya habang papalapit sakin
"Bakit moba 'to ginagawa?" simula kasi ng malasing ako sa bar at inalagaan niya ako sa unit niya. (D/A: Chapter 16) Nag iba na kilos niya. Ginagawa niya yung mga bagay na hindi ko ma explain kung bakit at kung ano
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Boyish
Fiksi Remajaonce upon a time... the badboy fell in love with a boyish girl, impossible right? but now a days its possible