Pagkatapos mag swimming nila Sheena, Umuwi na muna kami sa bahay para kumuha ng damit. Nakita naman kami ni Ken kaya sinama nalang namin kila brixx, nagpaalam ulit kami kay Nanay Rosing na mag oovernight ulit kami buti pumayag siya basta alagaan daw namin yung sarili, ang bait talaga ni Nanay Rosing
Nandito ako ngayon sa Garden, ako lang mag isa nasa loob kasi silang lahat, si Ken naman kinukulit si Patricia, kasi may gusto pala si Ken kay Patricia nagbibinata na talaga kapatid ko, ayos din yung taste niya kasi maganda si Patricia, mabait at parang matalino. Hanggang ngayon kinukulit parin ni Ken si Patricia sila Brixx naman tawa lang ng tawa. Rinig ko kasi sila dito sa sobrang ingay nila
"Mukhang nag iisa ka dito" kilala ko yung boses na yun "Tummy Bear?" tanong ko pero hindi kopa rin siya nililingon
"hahahaha bakit ka nandito? nandun sila lahat sila oh!" sabi niya sakin sabay akbay. Sanay na ako sa kanya kasi magkaibigan naman kami, siguro naman walang malisya yun
"Wala lang gusto ko lang mag pahangin"
"Gummy bear, may sasabihin sana ako sayo" alam kong siryoso siya kasi ginamit niya yung malalm niyang boses. Tinanggal na niya yung pagkaka akbay sakin pero hinawakan naman niya yung dalawang kamay ko. Humarap lang ako sa kanya kasi hawak niya kamay ko
"Mahal kita gummy bear"
Prince Ivan's
Nakita kong lumabas si Brixx kaya sumunod ako sa kanya gusto ko kasi siyang kausapin, kaso paglabas ko nakita kong naka akbay siya kay Boyish tapos may sinasabi siya kaya lumapit ako ng konti para marinig yung pinag uusapan nila
Hindi ako chismoso pero parang may nagtulak sakin na pakinggan lang sila. Nagulat ako ng hawakan ni Brixx yung kamay ni Boyish "Mahal kita gummy bear" siryosong sabi niya
"Eh?" sagot ni Boyish, kahit kailan talaga na paka slow nito
"Mahal kita kahit alam kong may mahal kang iba" sabi ni Brixx na kinalaki ng mata namin ni Boyish.
"Pero sana pagbigyan mo akong ligawan kita kahit isang buwan lang" huminto siya saglit sabay hinga ng malalim
"Pero pag hindi mo pa rin kaya, hindi kita pipilitin, ihihinto ko na din yung panliligaw ko pero once na kailangan mo ng kaibigan nandito lang ako" niyakap siya ni boyish kaya umalis nako
Narinig kong tinawag ako ni Harhar pero dumiretso lang ako sa kitchen. Gusto ko kasi kumain, isa rin kasi sa mga pampatanggal ko ng stress tong pagkain. Bakit ganun parang ang gulo. Ang gulo gulo, dahil sakin nasasaktan ko si Brixx, para kona siyang kapatid pero bakit ganun? Sinasaktan ko parin siya. "bakit? Ikaw ba yung mahal ni Cheska? Hindi namqn diba?" sabi ng inner voice ko. "Basta!" sa isip ko.
Kumuha ako ng baso kaso pagkahawak ko nabitawan ko kaya nabasag, "Shit!" Sigaw ko, Tumakbo naman si Harhar papunta sakin pati sila Marcky.
"Pre! Ano nangyayari sayo?" tanong ni Marcky habang nilalayo ako dun sa nabasag na bote. pero ito ako lutang parin sa kakaisip.
"May bubog kana sa paa! Ang laki!" Natatakot na sabi ni Alliah.
Bakit ganun? kung kailan gusto kong lumigaya may nasasaktan naman ako. Parang ang unfair, ang unfair unfair!
Nakita ko nalang sarili ko na nandito sa sala, Naramdaman ko ding basa na yung pisngi ko, bakit ako nag kakaganto? Hindi naman ako ganto nung kami ni Jasmine.
"Pre dalin kana namin sa hospital!"
"Oo nga kuya!"
"Mabuti pa dalhin niyo nayan"
"Baka matetano payan"
"Buhatin niyo na pre"
Harlyn's
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Boyish
Teen Fictiononce upon a time... the badboy fell in love with a boyish girl, impossible right? but now a days its possible