AGKB 35: Back to manila

3.6K 109 6
                                    

Sheena's

Pag gising ko hinanap ko na agad si Alliah nawala kasi siya agad sa tabi ko and I guess wala pa siyang tulog actually pati ako pero nakaiglip ako ng isang oras. Hindi din kasi ako mapakali kasi hindi padin kasi nakikita si Cheska.

Lumabas ako ng room and sumilip sa room ng mga boys nagbabakasakali kasi ako na nandun siya pero wala dun si Alliah, Pati si Marcky and Ivan wala din, Baka hinanap nila si Cheska, Babalik na sana ako sa room namin para magpalit ng damit and tumulong sa paghahanap kay Cheska pero may biglang kumalabog sa girl's comfort room dito sa tapat lang ng room namin.

Hindi kona sana papansinin kaya lang may narinig akong familiar na voice, "Fuck!" Rinig kong sabi niya, Kaya lumapit ako sa cr ng girls and unting unti pinihit yung door knob.

Pagkabukas ko, Hindi ko kinaya yung nakita ko, Nakakadiri siya! May girlfriend na siya pero ano ginagawa? Nakikipag halikan sa babaeng kasing pangit ni pokwang?

Sa sobrang inis ko tumakbo na ako palayo sa kanila sabay ng pagtulo ng mga luha ko, Akala ko susundan niya ako pero hindi.. Hindi siya tumigil makipag landian dun sa higad na yun, Bago man ako tuluyang makalayo tumingin muna ako sa likod kung nasan yung cr pero wala, Walang Marcky na lumabas.

Feeling ko pasan ko yung mundo, Feeling ko ako yung pinaka malas na tao sa buong mundo, Bakit ganun? Nagkulang ba ako as girlfriend for him? Porket hindi namin nagagawa yung ginagawa nila? bullshit!

Pero bakit niya kailangang gawin yun? Madali lang naman sabihin na 'Sheena we're over' Three words lang yun pero bakit hindi niya man lang sabihin? Gusto niya ng laro? Tang ina Tang ina talaga! Nagbago ako para sa kanya pero ano ginawa niya? Kating kati naba siya na makahalik ng isang babae! Tss. Ang landi niya!

Nakarating na pala ako sa garden nitong hotel, Muntik na akong bumagsak buti nakakapit ako sa bench, Umupo nalang ako dun at umiyak ng umiyak "Bakit mo nagawa sakin yun M-marcky? Nagkulang ba ako?" sabi ko habang umiiyak .

"Damn you. Akala koba siryoso ka? Binigyan na kita ng second chance pero bakit inulit mopa ulit?" sa sobrang galit ko pinaghahawi kona yung mga bulaklak na nasa tabi ko

"Ang landi mo Marcky! Ang landi landi mo!" sigaw ko, Nagdudugo na yung kamay ko dahil sa mga tinik nitong lintik na bulaklak na'to pero bakit ganun? Hindi ko maramdaman yung sakit nitong kamay ko.

Mas masakit parin yung nangyari kanina, Ganito ba talaga pagnasaktan? I hate this feeling! Mas gusto ko pa maging manhid nalang para hindi ko sana nararamdaman yung sakit ngayon.

"Minahal kita marcky pero anung ginawa mo? Leche ka! Mamatay kana!" sigaw ko habang hampas ng hampas sa bulaklak, Bigla namang may tumabi sa tabi ko

"Mis--" hindi na niya natuloy yung sasabihin niya kasi sinigawan kona agad siya

"LEAVE ME ALONE! " sigaw ko.

Mukhang nakinig naman siya kasi tumayo na siya "Alam mo miss! Hindi ka lang yung nasasaktan ngayon kaya wag mong solohin yang problema mo at hindi m--" ang daming alam.

"I DON'T NEED YOU! BACK OFF!" sigaw ko, Pero hindi parin siya umaalis

"Miss hindi lang siya yung lalaking pwede mong mahalin, Kaya wag ka magpakatanga sa kanya. Sino ba siya para ganyanin ka?" sabi nung lalaki tapos umalis na. Natigil naman ako sa kakahampas ng bulaklak sa sinabi nung lalaki,

'Miss hindi lang siya yung lalaking pwede mong mahalin, Kaya wag ka magpakatanga sa kanya. Sino ba siya para ganyanin ka?''

Tama siya, Hindi lang si Marcky ang pwede kong mahalin. Hindi lang siya ang pwede maglaro at wala siyang karapatan para saktan ako. Sino nga ba siya? Isang Marc Angelo Marcelo? Bullshit. He's jerk? but I'm a Bitch

Ang Girlfriend kong BoyishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon