Poison

4.9K 181 59
                                    

"Just drop it okay?" Kumuha naman ako ng isang baso at naglagay ng ice at ibinuhos ang Black Label. Naglakad ako papunta sa dulo ng office ko at tiningnan ang buong city na kitang kita ko ang lahat sa kinatatayuan ko.

Maya-maya lang ay nakita kong lumabas si Pat mula sa building at naglalakad papunta sa sakayan ng taxi.

I just stared at her. Nakatulala siya habang naglalakad at iilan narin ang nabunggo niyang tao. Halatang wala siya sa sarili.

"You are still watching her from afar. Does she know the truth already?"tanong sakin ni Liz na ngayon ay katabi ko na at tinitingnan din si Pat.

"She should never know the truth."

------------

LANCE POV

"Are you crazy? Why would you not tell her the truth? I saw it in her eyes. I can sense it from her actions that it's still you that she wants!"sabe ni Liz habang pilit niya kong pinapalingon sa direksyon niya.

"Stop it Liz."

"No Lance. I'm not just gonna stand here and see you suffer again and again. You almost died from what happened and here you are like it's just nothing." Pagpapatuloy niya.

"I said stop it! She will never know the truth and no one else will! So just stop it Liz because no matter what I do, nothing's gonna change... It's over. We were over a long time ago. It's all in the past and it's just better that way. Let's go home."

Hindi na muling umimik pa si Liz. Sumakay na kame sa elevator at bumaba na sa ground floor kung san naghihintay ang sasakyan ko sa labas ng lobby. Pagbaba namin ay hinihintay na kami ni Manong Jun at pinagbuksan kami ng pinto ng sasakyan.

"Good evening po Ms. Vergara and Ms. Liz." bati niya samin habang nakangiti.

"Good evening din po Manong Jun." sabay naming sabi ni Liz.

Habang nasa biyahe pauwi ay hindi kame nag-iimikan ni Liz. Pareho kaming nakatingin sa labas ng bintana ng magkabilang direksyon.

"I'm sorry." hindi ko rin natiis na sabihin pero hindi parin niya ko nililingon. Deretso lang itong nakatingin sa labas.

"Liz." Tawag pansin ko sa kanya pero wala parin talaga.

"Liz, I said I'm sorry. Let me make it up to you. Let's have dinner at your favorite restaurant. Manong Jun, sa Melo's po tayo."

"Okay po Ms. Vergara." Agad naman nitong inikot ang sasakyan para puntahan ang tamang daan.

"I'm on a diet." She plainly said.

"Really now? Matitiis mo bang tanggihan ang oh so yummy rib eye steak na habang hinihiwa mo palang ito ay lumalabas na ang juice nito at samahan mo pa ng gravy na nakakapagpadagdag ng sarap nito. At pag subo mo nito ay parang natikman mo narin ang langit." Panunukso ko dito dahil alam ko naman na hindi niya ito kakayanin na tanggihan. Nakita ko nalang na malalim itong napalunok at napangiti naman ako kagad ng makita ko. Yes! Sabi na nga ba di niya kayang hindian ito!

"Fine!" Sabe nito na biglang lingon sakin.

Nagtinginan naman kame ng matagal at sabay nalang na natawa.

"Okay na tayo?"tanong ko.

"May magagawa pa ba ko? Kahit naman anong gawin kong pag iinarte, alam ko naman na gagawin mo rin ang lahat maging okay lang tayo."

"Awww. That's my baby girl!" Lumapit ako sa kanya at niyakap ito. Hinalikan ko ito sa noo at nagkwentuhan lang kame about sa first day ko sa work hanggang makarating kami sa Melo's.

Frozen TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon