Five Seconds

6.1K 215 116
                                    

"Kaya mo Pat. Please wag mong isipin na hindi mo kaya. Kaya natin to. Andito ako o. I will never leave you. Mahal kita. Mahal mo ko."

"I just don't love you the same way anymore."

I just froze. She doesn't feel the same way anymore. I felt like dying, as if my heart stopped beating. As if I don't know how to breathe anymore. Hindi ko kaya ang naririnig ko. Hindi ko kayang tanggapin na ganto nalang ang mangyayare samin pagkatapos ng lahat. Hindi ko alam kung ano ang nangyare. Hindi ko alam bakit ganito. But I just want to go back to where we started. I just want to go back kung ano kami dati. Kung pwede lang irewind lahat at bumalik sa panahon namin noon na masayang nagmamahalan. Dahan-dahan akong bumaba at lumuhod sa harap niya. Praying and begging this would all stop. Wishing that I could just stop the time. I hugged her legs as I cried and cried. Gusto ko na ilabas ang puso ko para mapakita sa kanya kung gano to nagdurugo at nababasag sa nangyayare ngayon. 

"I never thought we would end up this way... But if this is really the end of it, I want to stop the time and cherish every memory I can have with you."


I felt her body tensed and cold.

"Maybe love is not the only thing we need. Maybe... just maybe, we are really not meant to be together."

and everything just became a blur... Next thing I knew, I was just there in front of her door still in my knees crying without her.

 I just want to go back to the start.

-------------------------------------------------------------

LANCE POV


"Good morning Honey. I just woke up and still don't feel like getting up. I hope I can see you today. I just want to be with you. Just tell me kung nasan ka, pupuntahan kita. I really miss you. Please... come ba --"

The voice mail you are trying to reach is already full.

"Damn it!" hinagis ko ang telepono ko sa pader dahil sa sobrang inis ko. Yun na nga lang ang paraan para makausap ko siya lagi nalang full. Araw-araw nalang. Kinuha ko ang isang bote ng Black Label sa bar counter ko at agad itong ininom. These past few days hindi ko na kinailangan pa ng baso pag umiinom. Aanhin ko pa yun e nauubos ko rin naman kagad.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. I don't even know where this will lead me. Wala kong ibang ginawa araw araw kundi uminom at magpunta sa condo niya at umaasa na babalik din siya.

Wala kong ibang nararamdaman ngayon kundi yung kirot na nasa puso ko. Hindi ko nga alam kung kirot pa ba ang tawag dun dahil sobrang sakit nito na halos mamanhid nalang ako sa lahat. Kung pwede lang sana na sa pag gising ko ay makalimutan ko na lahat ng ito... Lahat ng nangyare. Sobrang sakit lalo na pag naaalala ko lahat ng masasaya naming moments at lahat ng mga pangako namin sa isa't isa.

Why?

Why does it have to end?

Why does it have to end this way?

Why do I need to lose her?

Umiiyak nanaman pala ko dito mag-isa sa garden habang nakahiga lang at nakatingin sa mga ulap na parang nagluluksa din katulad ko. Nangingitim ito at halos unti nalang ay bubuhos na ang malakas na ulan. Maya-maya lang ay agad bumuhos ang napakalakas na ulan. Hindi ako tumayo at patuloy paring nakahiga dito. Pagod na ako. Nakakapagod ng maghanap. Nakakapagod ng umiyak. Nakakapagod na masaktan.

Three days ago was supposed to be the best day of my life but turned out to be the worst. After that, I don't know how I'm going to survive the next days without her. Ang hirap ng ganito. Mas mabuti pa sanang ganto ang nangyayare pero pwede ko siyang puntahan o pwede ko siyang kausapin. At least nakikita ko siya. At least andiyan siya kesa ngayon na para bang bigla nalang siya nawala sa buhay ko. Lagi nalang bang ganto? Lagi nalang ganto ang mangyayare sakin?

Frozen TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon