The Confrontation

6.1K 198 53
                                    

Lumabas ako sa kotse at tiningnan ang view. This place, hinding-hindi nagbago. This place is just the same way I remember it. Napangiti ako ng dahil dito. Meron din palang hindi nagbago sa kabila ng lahat. Humiga ako sa trunk ng kotse ko, just how we do it before and looked up at the stars.

"Why do I have to mess everything up? Why do I have to let you go? Why do I have to give you up? Asan ka na kaya ngayon? Do you still have the same smile as I remember? The same contagious laugh? The same eyes that tells me I'm all that you need? Siguro hanggang panaginip nalang yun. Sa totoo lang hindi ko alam bakit ako nandito. Hindi ko alam kung gusto ko lang ba saktan ang sarili ko at alalahanin lahat ng meron tayo o umaasang baka pumunta ka rin dito at sakaling makita kita? Ano nga ba ang sasabihin ko sayo? Mag sosorry? Luluhod at hihingi ng patawad sayo? O tatakbo at tatakasan nanaman ang lahat? Hindi ko alam. Hindi ko na alam ano ang nangyayare sa buhay ko. I guess this is my karma."

Nagulat ako sa lakas ng ilaw ng isang paparating na kotse na tumabe sa kotse ko. Agad na tumalbog ang puso ko sa kaba habang tinitingnan ang taong lumabas ng kotse na ito.

"Fancy seeing you here."

---------------------------------------

PAT POV

She just smirked at me. Hindi ko alam ano ang gagawin ko. Ngayon ko lang siya nakita pagkatapos ng matagal na panahon. Ano nga ba ang dapat kong sabihin? Galit ba siya sakin. o nakalimutan na niya ang nakaraan?

"H-hi." mautal-utal kong sabe sa kanya.

"It has been a while. What are you doing here?" walang emosyon niyang sabe sakin.

Hindi ako makasagot kagad dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. Narinig kong mahinang tawa niya at humiga din sa trunk ng kotse niya habang nakatingin sa langit at malalim ang iniisip.

"Alam mo bang gabi-gabi akong nandito nagbabaka sakaling isang araw ay maisipan niyang pumunta dito. Because I know this place is sacred to her. Yun din ba ang rason kung bakit ka nandito?" maluha-luha niyang sabe sakin.

"Huh? Anong ibig sabihin?" tanong ko sa kanya.

"Huh. I forgot. Wala ka nga palang alam. Because you chose to ran away! You chose the easy way. Hindi mo kayang harapin ang mga pangyayare noon! It was so easy for you, you just left." hindi na niya napigilan ang galit na halatang kanina pa niya pinipigilan. Alam ko pati siya ay nasaktan ko. Sa laki ng kasalanan na nagawa ko sa lahat hindi ko alam kung mapapatawad pa nila ko. Dahil hindi lang si Lance ang nasaktan ko. Kundi pati lahat ng kaibigan namin.

"I'm sorry Jam. I'm really sorry. If only I could turn back time, hinding hindi ako aalis. Hinding- hindi ko siya iiwan."

"Sorry? Alam mo di sakin dapat sinasabe yan. Hindi ako yung taong nasaktan mo. Nasaktan lang ako ng taong sinaktan mo."

Bumaba ako sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya para iparamdam kung gano ko kasincere sa paghingi ko ng patawad.

"Kailangan ko parin magsorry sayo Jam kung hindi dahil sakin hindi mangyayare lahat ng ito. Kung naging matapang lang sana kong harapin lahat, wala sana kong nasaktan. Hindi sana siya nawala sa buhay ko. Kung di ko siya pinakawalan, masaya siguro ko ngayon. God knows how much I've suffered. God knows what I've been through. Akala ng lahat balewala sakin lahat. No! Because everyday I feel this pain eating me alive. I don't even know what to do with my life anymore. The day I left her was the day I died. At kahit ngayon, hindi ko parin napapatawad ang sarili ko sa ginawa ko."

Hindi ko na napigilan ang luhang tuloy tuloy na bumuhos sakin. Sa tagal ng panahon, wala akong napagsabihan ng pinagdaanan ko. Sa tagal ng panahon, mag-isa lang ako. Walang kaibigan o kapamilya man lang na mapaglalabasan ko ng sama ng loob. Laging ako lang mag-isa. Mas pinili kong wag harapin ang sakit na nararamdaman ko.

Frozen TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon