Poker

2.4K 119 34
                                    

"I'm glad we're back together and in this place, honey. I love you." sagot ko naman dito at agad siyang hinalikan sa labi.

"I love you too, Pat."

"OH" Alex

"MY" Jam

"GOSH" Lara

"Anong ibig sabihin nito?" Cole

Napalingon kami sa gilid namin at nakita namin sila Jam, Alex, Lara at Cole nakatingin at halatang halata ang gulat sa mga mukha nila.

---------

PAT POV

"Krystalance Vergara at Patricia Jimenez, care to explain? Aba ngayon na nga lang magkikita kita ulit chukchakan pa ninyo ang maabutan namin?" sabi ni Cole habang nakacross ang arms at naghihintay ng sagot.

"Mahabang storya. But all is well now." sabi ni Lance habang nakangiti sakin at napangiti narin ako.

"May music video ba ha? Muling ibalik ba ang ginagawan niyo ng music video? Kaloka! Akala mo sila lang andito. Nakakalimutan nanamang may ibang tao." sabi ni Lara.

"O sige na. Umpisahan na ang kwentuhan. Upo na tayo. Babe, kunin mo na yung dala mo sa loob." utos ni Alex kay Lara.

"Hindi parin ako nasasanay sa inyong dalawa." sabi ni Lance

"Pano ka naman masasanay eh wala naman kayong dalawa dito ng limang taon? Tapos pag balik ano di magpapakita? Tapos may pa Greece Greece pang nalalaman. Pagbalik kayo na ulit, wala man lang kaupdate update? Ganun-ganun lang? Kung di pa kami napunta dito di namin malalaman ganun ha?" inis na sabi ni Jam

"Fine. I'm sorry. Eto na nga babawi na kami." sabi ni Lance and she grabbed my hand and intertwined it with hers. I started playing with the tips of her fingers habang magkahawak ang mga kamay namin.

"Cuervo Time! Andito na sila Jose!" pasok ni Lara habang bitbit ang dalawang bote ng Jose Cuervo kasama narin ang mga shot glass. Nilapag naman ni Alex ang mga slice ng lemon at asin. 

"Ang tatanda na natin." natatawang sabi ni Lance.

"Oo nga. Dito nalang tayo sa garden. Wala ng bar nights. Tapos ung dalawa dito kasal na. Kayo nagkabalikan nanaman for the nth time. Pwede bang last niyo na yan? Napakaroller coaster ng love story niyo nakakaloka na. Tapos si Jam, single na. Ako, poging maganda parin." 

"Wag ka mag-alala di na makakawala pa to." lalo naman napahigpit ang kapit sakin ni Lance at nginitian ko naman ito.

"Naku, mukhang malulugi ang negosyo ko nito. Wala na ang mga gabi-gabing customers." sabi ni Lance.

"Uy hindi ah. Pumupunta parin kaya kami dito." sabi ni Alex

"Hindi nga lang nagbabayad." sabi ni Lara. Tawa naman kami ng tawa ng batuhin siya ni Lance balat ng lemon na kinagat niya.

"Grabe siya o! Pagkatapos mawala ng matagal!" reklamo ni Lara.

"Wag mong sabihin pati tong Cuervo galing dun?" tanong ni Lance.

"Tumpak! Nadali mo Lance! Talino mo talaga! Thank you, nga pala sagot mo inuman ngayong gabi." sabi ni Lara at natawa nanaman kami ng batuhin nanaman siya ni Lance ng lemon.

"O tama na! Eto na para magfeeling naman na nasa bar tayo. Papatugtog nalang ako." pinindot ni Jam ang remote ng speakers ni Lance dito sa labas kaya naman nagkamusic kami. 

"Party! Party mga madlang people!" tumataas taas pa ang kamay ni Lara.

"Bakit ba ko kinasal dito?" hirit ni Alex.

Frozen TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon