"Goodnight babe."sabay halik sa pisngi ko.
"Kanina mo pa ako tinatawag na ganyan. Ano bang trip mo?"tanog ko sa kanya.
"You should have seen her face when I called you that."natatawa naman nitong sabi sakin at tumalikod na para matulog.
Inayos ko ang kumot niya para mahimbing siyang makatulog. Hinawi ang buhok niya at hinalikan ang noo niya.
"Goodnight my baby sister."
-----------
PAT POV
Ramdam ko ang kulang sa buhay ko sa tuwing pag gising ko. It's an everyday reminder of the mistake that I've done. Tinatanggap ko to bilang parusa sa kasalanan na nagawa ko noon, pero hanggang kelan ko nga ba ito mararamdaman? Kung pwede lang ibalik ang lahat na sa pag gising mo pa lang at sa pag tulog mo ay kumpleto ka na dahil nasa tabi mo ang bumubuo ng buhay mo. But now, it's all empty.
Inayos ko na ang mga gamit ko para makapasok na sa opisina. Every time na lalabas ako sa building na to, lagi ko naaalala na naghihintay siya sa labas ng kotse niya. Every time I remember this, my heart skips a beat and I'll just be frustrated dahil alam ko naman na hindi na ito mangyayari pa.
Sumakay na ko sa kotse ko at nagdrive na papuntang office.
"Another day, another chance to build a new life."chant ko sa sarili ko. Positive vibes. Kahit hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa bagong babe ni Lance. Hindi ko alam kung ano ba dapat ko maramdaman ko, pero ang sakit talaga. Dun ko narealize na wala na kong pag asang maayos pa ang samin. She deserves to have the happiness na hindi ko nabigay sa kanya.
Pag dating ko sa office ay agad akong nagtimpla ng kape para magising ang utak at katawan ko na walang ganag gawin ang kahit ano. Pag-upo ko sa table ay parang nadismaya ako na wala akong email na natanggap galing sa kanya.
Baka naman kasi busy siya kagabi, you know naman....
Erase. Erase. Di kayang iprocess ng utak ko na may kasama siyang ibang babae sa kama.
"Patricia okay ka lang?"bigla kong naputol ang lapis na hawak ko at napatingin sa pinto.
"Wow you're strong!"she smirked and umupo sa chair na nasa harap ko.
"Why are you here Jam?"nagatatakang tanong ko sa kanya dahil umagang umaga ay nandito na siya.
"Dahil ni isa sa inyong dalawa ni Lance ang sumasagot sa akin. I have no idea what the hell is happening? Bakit nasa iisang opisina kayo? Okay na ba siya? Naka move on na ba siya? I mean, kaya na ba niyang nakikita ka everyday? I have too many questions at naloloka na ko kakaisip ng wala ako makuhang sagot!"tuloy-tuloy na sabi ni Jam.
"I have no idea either sa iba mong tanong... pero I think she moved on..."malungkot na sabi ko.
"Oh I'm sorry Patricia. I didn't mean to..." sabi niya habang tinatapik ang balikat ko. "Pero pano mo naman nasabing nakamove on na siya? May..... May... May... uhm pano ba itatanong to? Wag mo nalang pansinin ung tanong ko. Eto talagang bibig ko may pag ka bad at insensitive."
"It's okay Jam...and yes there's someone else already."
"What?!"hysterical na pagkakatanong niya. "Oh my gosh! Masasakal ko na yang Krystalance na yan! Wala na kong kaalam alam sa buhay niya!!!!!!!!" nang-gigigil na sabi niya at lumalaki ang chinitang mata nito.
"What's happening here, Patricia?" sabay kaming napatingin sa pinanggagalingan ng boses na yun. Hindi agad ako naka sagot dahil hindi ko rin alam ang gagawin ko. Halata rin ang pag kagulat sa mga mata niya ng makita niya ang babae na nasa opisina ko.
BINABASA MO ANG
Frozen Time
RomanceIf given the opportunity, would you go back to the time when everything was still sweet, everything was still magical, everything was still new, everything that you ever wanted was for the two of you to be together, forever? Would you want to go bac...