Sunset

2.5K 139 101
                                    

"So... how are you?" first time niyang tinanong sa akin to. Ano nga bang dapat kong isagot? Eto namimiss ka? Nag-iisip kung pwede pa ba tayo? Mapapatawad mo pa ba ko? Mahal mo pa ba ko? Haaay. Wala naman akong ganun kalakas ng loob para tanungin ang mga yun.

"I guess... I'm fine. You?" tumahimik siya tila matagal din napaisip. Pareho rin kaya kami ng mga tanong sa isipin.

She stopped and face me. She looked me in the eyes as if looking for some answers.

"Never been fine since you left."

------------------------------------

PAT POV

I'm speechless. Hindi ko alam ano ba ang dapat kong itugon sa mga sinabi niya. Magkatinginan lang kaming dalawa. Walang gumalaw. Walang nagbabawi ng tingin. If someone can stop the time, I want it to stop at this moment. I want to look at her like this. Gusto kong malaya ko siyang matignan ng ganito at ganun din siya sa akin.

TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT

Naputol ang aming moment dahil sa tunog ng kanyang cellphone. Agad siyang bumawi ng tingin at kinuha ang phone niya sa bulsa niya. Nakita ko kagad ang pangalan ng tumatawag. Liz. Nakalimutan ko na. Akala ko walang ibang complication na kundi ang nakaraan namin, pero may Liz nga pala.

"Hello. Hey baby girl. What's up? Ah kakatapos lang ng dinner. Yes I'm with Pat. We're on our way back to the hotel. Yeah of course they agreed. Yeah, I'm okay. Don't worry --"

Hindi ko na kayang makinig pa sa usapan nila. Kaya habang busy na nakikipagusap itong si Lance ay nauna na kong mag lakad. Alam naman siguro niya ang daan pauwi. Maya-maya lang ay narinig ko ang mabilis na paglakad niya papunta sa akin.

"Hey."

Lumingon ako sa kanya. "Sorry bout that." sabi niya.

"No. It's okay." No No No. It is not okay! Dahil naistorbo lamang ung magandang moment sana natin dalawa. Andun na eh. Unti nalang makakabawi na sana ko biglang naputol. Kaya eto nanaman silence. Isang nakakabinging katahimikan habang naglalakad. Dati rati gustong gusto namin naglalakad ni Lance dahil ang dami namin napag-uusapan. Halos di na nga namin namamalayan na andun na pala kami sa pupuntahan namin. Pero ngayon parang ang tagal tagal ng oras at akala mo ang layo layo ng pupuntahan namin. Everything really has changed and yes, it is because of me.

Alam kong laslas pulso tong gagawin ko pero gusto ko lang malaman talaga. "Matagal na ba kayo ni Liz?" Pak! Saksak sa puso! Laslas ngala-ngala! Laglag sa bangin, ganun ang feeling!

"Uh yeah. It has been like 2 years ago since I found her."

"Seems like you two are happy."

"Very. Ever since I found her I felt as if I have found what I have been looking for my whole life" Binuhusan mo ng asido, pinukpok ng martilyo! Sabi naman wag bubuksan ang pintong ito kung ayaw masaktan!

"The love of your life." na dati ay ako. Ako lamang.

"No. Not really." sagot nito na nakapagpaangat ng tingin ko. May pag-asa mga beshie! "She's a missing piece that completes me." Tinagpas ng jungle bolo, dinikdik mo ng maso! Feel na feel kita ngayon Michael V!

"That's... nice. Glad that you are happy." If there is anything that I could give her after every bad thing I have done to her in the past, she deserves this. She deserves to find her happiness. I am really glad that she's happy now even though it pains me and even kills me that I am no longer part of the happiness that she has.

Nakarating na kami sa hotel at agad naman akong nagpaalam sa kanyang matutulog na. Pagkapasok na pagkapasok ko ng kwarto ay dun ko pinakawalan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan bumagsak.

Frozen TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon