Tama bang hindi ako bumalik noon? Dapat ba hindi nalang ako nag-isip at sana umuwi nalang ako kagad at hindi sana ganto ang nangyare ngayon? Should I have fought for her from that moment at hindi ko nalang hinayaan?
Angdameng tanong ang nasa isip ko... Ang daming regrets....
Hindi ko namalayan... nagriring na pala ang phone ko.
"Bakit mukhang sandamukal na sampaloc ata ang nakain mo sa mukha mong yan?"
Then I saw her outside and I just smiled....
-----------------------------------------------------------------------
LANCE POV
"Nothing.""Nothing ka pa dyan. Eh halata namang selos na selos ka dyan sa kasama ni Pat." kahit kelan talaga wala akong malilihim sa kanya.
"Pumasok ka na dito ng may makausap naman ako. Mukha namang wala akong balak kausapin ng kasama ko dito." halos magmakaawa kong sabihin sa kanya.
"Wag na. Dahil hinihintay pa ko ng asawa ko. Alam mo naman un masyado nabihag sa kagandahan ko at namimiss ako parati."
"Awww. Buti pa kayo ni Lara. Masayang masaya na magkasama. Kasama ko nga ang mapapangasawa ko.... pero parang wala naman ako sa tabi niya."
"Ikaw naman... Wag masyadong malisyoso. Ang hilig mo kasing mang surprise yan napapala mo! O siya bukas na tayo magkita kita at humanda ka samin lahat at di mo pinaalam na andito ka na pala! Same time. Same place. Tagal ko ng hindi nakapagbar ah!"
"Sige, see you there Alex. Thank you."
Ngumiti muna siya bago umalis. Namiss ko silang lahat. Namiss kong tumawa kasama sila. Namiss ko na maging masaya at kasama sila.Biglang hinawakan ni Pat ang kamay ko sa ilalim ng lamesa. She looked at me and smiled. Yan ang Pat na kilala ko. My heart melted at that sight. Hindi ko alam pero pakiramdam ko nangingiyak akong ngumiti pabalik sa kanyan... I miss this. I miss her.
"I miss you honey." yan lang ang sinabi niya pero pakiramdam ko yun na ang matagal kong hinihintay na sabihin niya. Daig ko pa ang tumama sa 100Million jackpot sa lotto ng dahil dun.
Pagkatapos ng dinner namin ay hinatid ko na si Pat sa kanila. Kahit gustuhin ko man na makasama siya ngayong gabi, kailangan muna naming magpigil dahil gusto namin na isave nalang ang lahat ng energy namin para sa honeymoon. Masama man ang loob ko sa desisyon na yun ay naexcite naman ako dahil...
"All day... all night... I don't care. We'll be alone. Just you and me during our honeymoon. Whatever it takes... I'm all yours."
Mulo ulo hanggang talampakan ko ay naramdaman ko ang kakaibang sensayon na binigay sakin ni Pat. We said our goodbyes at umuwi na ko.
Pag dating ko sa bahay ay nakaramdam ako ng kakaibang saya. Namiss ko to. This home. This scene. All the memories came rushing back to me. I feel so contented na pagkatapos ng lahat ng nangyare... Malapit na kaming ikasal ni Pat. In just a month, matutuloy na lahat ng plano namin.
Binaba ko muna ang mga gamit ko sa kwarto. Bukas ko nalang aayusin. Tinatawag man ako ng aking kama dahil may jetlag pa ako ay hindi ako humiga. Lumabas ako at agad pumunta sa mini bar ko dito sa bahay. Kinuha ang isang bote ng Black Label, kumuha narin ako ng baso at naglagay ng ice. Lumabas ako para makita ang buong Metro Manila. Ang daming pagbabago. Kahit ang hangin pakiramdam ko mas lumamig.
BINABASA MO ANG
Frozen Time
RomanceIf given the opportunity, would you go back to the time when everything was still sweet, everything was still magical, everything was still new, everything that you ever wanted was for the two of you to be together, forever? Would you want to go bac...