The Search

5.2K 179 57
                                    

Three years... I've been traveling for three years to look for the answer to all my questions. Lahat na ng bansa ay napuntahan ko pero hindi ko parin masagot ang tanging katanungan at gumugulo sa isip ko. Tama nga ba ang desisyon na nagawa ko noon? Dahil kahit ilang lugar na ang napuntahan ko, ilang tao na ang nakilala ko, ilang taon na ang nakalipas... bakit dito parin ako babalik?

"Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 7:00 in the evening. We would like to thank you for flying with us."

I am now back in the Philippines, ang lugar na iniwan ko sa tatlong taon. Dapat rin bang balikan ko ang taong iniwan ko three years ago?

---------------------------------

 PAT POV

"Manong sa Quezon City po tayo." sabe ko sa driver ng taxi pag sakay ko. Habang nasa biyahe ay napansin ko ang malaking pagbabago sa paligid ko. Marameng nagbago sa daan, sa tren, sa mga bus, sa kalsada, sa mga sasakyan, maging ang disiplina ng mga tao. Sa loob ng tatlong taon, marameng pagbabago ang di ko naiwasan pero isa lang ang katangi tanging hindi ko mabago kahit na anong gawin ko. Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang sagot kung bakit ko nagawa yun. Bakit nga ba? Bakit ko ba kailangan gawin yun? Bakit kailangan ko pa siyang saktan? Bakit sa tagal ng panahon ngayon lang ako bumalik? 

"Ma'am okay lang po ba kayo?"

"Huh?"

"Kasi ho kanina pa po kayo umiiyak kaya naitanong ko po. Pasensiya na po."

"Wala po ito manong."

"Wag kang mag alala ma'am! Mahal ka rin nun!" pabirong sabe ni manong sabay kindat pa.

Kung alam mo lang manong... Hindi ko rin alam kung mahal pa niya ko. Tatlong taon ang nakalipas siguro masaya na siya ngayon... Siguro may ibang tao na siya minamahal. Yun ang pinakamasakit na katotohanan... ang may mahal na siyang iba. Wala akong karapatan na magalit kung may iba na siya at nakalimutan na niya ko pero hindi ko maiwasang masaktan ng dahil dun. Mas mabuti na nga atang di ko na siya makita pa para hindi ko maramdaman ang sakit na yun... Dahil hindi ko rin alam ano ang gagawin ko pag nakita ko siya ulit... 

"Ma'am paturo nalang po ng daan papunta sa inyo" tinuro ko ang direksyon papunta sa condo ko at mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko... Ang memories namin sa daan na ito ay parang kahapon lang. Malapit na kame sa CEB ng halos wala na kong ibang marinig kundi ang tibok ng puso ko... handa na nga ba ako?

"Kuya! Para!"  biglang preno ni kuya na halos masubsob na ko sa harap. 

"Ma'am naman wag naman po ganun. Maaksidente po tayo niyan eh. Dito na ho ba kayo bababa?"

Muling bumalik sakin lahat ng ala-ala namin. I can remember her smile, her laughter, her hugs, her touch, her kisses.. Everything. I just want it back. But how?

Bubuksan ko na ang pinto ng bigla ko nanaman isinara ito. Hindi ko ata kaya. Hindi ko kayang makita siya.

"Kaya ko to! Harapin mo to Pat!" huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko. Muli kong binuksan ang pinto at binaba ang isang paa at pagkatapos ng isang segundo ay sinara ko ulit ito.

"Hindi ko kaya. Bukas nalang. O sa susunod na bukas hindi ko pa kaya ngayon." mas lalong lumalakas ang kabog ng puso ko ng biglang bumukas ang pinto ko.

"Ma'am ano ba? Kanina pa kayo bukas sarado ng pinto ko. Bababa ba kayo? Ako na ang nagbukas para hindi na kayo mahirapan?"

"Kuya joke lang. Hindi pa po ko bababa. Paki atras nalang po. Dun tayo sa kabilang street dumaan. Tara na kuya. Sakay na!"

"Eh mas mapapalayo tayo kung dun tayo dadaan! Bakit hindi nalang dito? May iniiwas po ba kayo?"

"Kuya, wag kang chismoso! tara na! Dadagdagan nalang kita ng 50 wag ka na umangal! Let's go! Bilis!"

Agad naman siyang sumakay at dumaan sa kabilang kanto. Tinulungan narin niya kong iakyat ang lahat ng gamit ko. Pagkakita ko sa pinto ko ay naalala ko ang huling beses na andito ko. Ang huling beses na magkasama kame. It breaks my heart na ganun ang huling ala-ala na meron kameng dalawa. Sobrang katangahan lang kasi ang meron ka Pat! 

Pagpasok ko sa condo ay mas lalong dumami ang naalala kong mga memories namin. Kung lumipat nalang kaya ako? But I just can't let go of all the memories that I have with her. Masaktan man ako sa pag alala ng lahat, I deserve it. Sinaktan ko siya, iniwan ko siya, I let go of the only thing that will remain in my heart. 


Sa tagal ng pagkawala ko, tinakasan ko ang lahat ng to. Iniwan ko ang Pilipinas dahil hindi ko kayang harapin ang ginawa ko. Hindi ko kayang makita ang mga nangyayari. Hindi ako ganun kalakas para marinig at makita ang mga taong nasaktan ko. Hindi ko kayang makita kung ano ang consequences ng ginawa ko. Three years of depression for me is not enough compared to the pain I've given her. Hindi ko na matatanggal sa kanya ang sakit na binigay ko. Wala na kong magagawa pa para ibalik at baguhin ang lahat. My life is just doomed. 

Inayos ko nalang ang gamit ko para hindi tumigil ang utak ko kakaisip ng mga nangyari noon. Nilinis ko nalang ang lahat ng parte ng condo ko. Bumili narin ako ng supplies ng pagkain para dito. 

It's already 11 in the evening pero hindi ako makatulog. Jet lag nga ba o binabagabag na ko ng konsensya ko? Ilang beses ako nagpalipat lipat ng pwesto pero wala kahit unteng antok ay hindi ko maramdaman. Tumayo ako ng kama at pumunta sa terrace. Tumingala ako sa langit at pinagmasdan ang mga bituin. How I wish I could turn back the time. How I wish we're together here looking at the same star.

Nagpalit ako ng damit at kinuha ang susi ng kotse ko. I went to the only sacred place that I know. Hindi rin naman ako makatulog, mas mabuti ng pumunta nalang ako dun. Minumulto narin naman ako ng ala-ala namin ay mabuti ng balikan ang lugar na iyon. The place where it all started. The place where I realized that I love her.

Lumabas ako sa kotse at tiningnan ang view. This place, hinding-hindi nagbago. This place is just the same way I remember it. Napangiti ako ng dahil dito. Meron din palang hindi nagbago sa kabila ng lahat. Humiga ako sa trunk ng kotse ko, just how we do it before and looked up at the stars.

"Why do I have to mess everything up? Why do I have to let you go? Why do I have to give you up? Asan ka na kaya ngayon? Do you still have the same smile as I remember? The same contagious laugh? The same eyes that tells me I'm all that you need? Siguro hanggang panaginip nalang yun. Sa totoo lang hindi ko alam bakit ako nandito. Hindi ko alam kung gusto ko lang ba saktan ang sarili ko at alalahanin lahat ng meron tayo o umaasang baka pumunta ka rin dito at sakaling makita kita? Ano nga ba ang sasabihin ko sayo? Mag sosorry? Luluhod at hihingi ng patawad sayo? O tatakbo at tatakasan nanaman ang lahat? Hindi ko alam. Hindi ko na alam ano ang nangyayare sa buhay ko. I guess this is my karma."

Nagulat ako sa lakas ng ilaw ng isang paparating na kotse na tumabe sa kotse ko. Agad na tumalbog ang puso ko sa kaba habang tinitingnan ang taong lumabas ng kotse na ito.

"Fancy seeing you here."

---------------------------------------

AN: Heller! I'm so sorry for the long wait. Pero eto na ang aking pambawi! Hihihi! Merry Christmas and a Happy New Year! Ay tapos na pala!

Frozen TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon