Chapter 33

6.8K 234 7
                                    

ARA'S POV

"Amara" napalingon ako sa taong tumawag sakin,p-prince Azulejo?

"P-pagbati kamahalan"kaagad na pagbati ko,napangiti ito at hinaplos ang buhok ko. B-bakit ba siya ganyan?

"Ate Amara!"sunod sunod na pagtawag ang narinig ko dahil dun at nadatnan ang magkapatid na kambal na si Prince Faytore at Fayroh

Nang makalapit sila sa akin ay mabilis nila akong niyakap sa baywang na ikinangiti ko naman,ang ku-cute kasi nila.

"Kumusta kayo?" Nakangiti kong tanong sa dalawa at hinaplos ang buhok nila

"Maayos na ang lagayn namin prinsesa" sagot ni Faytore

"Hindi ko alam na close na pala kayo ng mga bata" napatingin ako kay Prinsipe Lejo nang sabihin niya ‘yon

"Hindi naman ho gaano"

Nakahalumbaba ako sa lamesa habang tinititigan si Lily na masayang nakikipag usap sa mga kapatid nito na sina Freeze at Blake . Totoong masaya ako para sa kanya pero bahagya akong nagtataka ,siguro nga ay nagbago na talaga ang lahat

Ang tanong nagbago nga ba? Nasa loob nga ba ako ng isang nobela ? Ang daming tanong sa isip ko at alam kong iisang tao lang ang makakasagot nito.

Bumaling naman ang paningin ko kay Beatrice na tulala sa isang gilid.

"I pity her" napabalikwas ako sa kinauupan nang biglang sulpot ni Winter.

"Nanggugulat ka naman eh!" Sambit ko

"Ahh sorry my fault" nakangusong sabi pa nito . Ngayon ay nakatitig na din ito kay Beatrice.

" Bakit hindi mo siya damayan?"  Tanong ko  sakanya ,halata namang nag aalala ito .

" Wala namang magbabago,malungkot padin siya" sambit nito.

Nakalimutan ko bang sabihin sa inyo na mag kababata si Winter at  Beatrice? Well oo .

" Then make her happy,alam mo naman palang malungkot ta‘s hindi mo lalapitan" sambit ko pa

"Manhid ka ba? Tsk ipinagtutulakan mo ako kay Bea" napapa iling na sambit nito.

Sabi ko na nga ba at gusto ako ng mokong na‘to

" Hindi mo‘ko gusto"

" Dahil mahal kita,mahal kita Amara" napalingon ako sa kanya at bahagyang napangiwi

" Mahal? Nagkakamali ka Winter. Hindi mo ba napapansin ang mga tingin mo kay Bea? Pag tumatawa,pag ngumingiti ."

" Hindi ko siya gusto Amara. Kung gusto ko siya ano pang saysay at binabantayan kita?"

"Hays bahala ka nga,basta sinabi ko sayo ang dapat mong malaman . " Sambit ko pa at iniwan siya duon mag isa,napangiti naman ako nang makitang napakamot ito sa ulo at nakangusong nilapitan si Beatrice.

Kulang lang pala sa advice ang mokong na‘yon.

The Assassin's Reincarnation  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon