Chapter 40

6.1K 179 23
                                    

Ara's Point of View

“I am fine, Lily. Don't mind me.” Tumango naman ito at muling ibinaling ang atensyon sa Emcee.

“Lets start with Aries Bloodstone versus Vladimir Blade Sardonyx,” ani ng lalaki kaya naman napatingin kami sa natawag –sina Aries at Vlad. Nang lumingon ako rito ay napansin kong nakatitig pala ito sa akin kaya't iniwasan ko siya ng tingin. Anong akala niya okay na kami? Teka wala namang 'kami'. Napabuntong hininga ako sa pag iinarte ko.

Nag sigawan ang mga estudyante dahil sa mag lalaban, hindi ako makapaniwala na sila talaga ang inuna. Halos mag kapantay na rin ang lakas nila, kaya't panigurado ay magandang laban ito.

Sinundan ko ng tingin si Aries habang papunta sa battle ground, seryoso ang mukha nito at walang pinagbago maliban sa pagiging hot na ikinabilis ng tibok ng pwet—puso ko. Sa dami daming tao bakit sa kan'ya pa, bakit hindi kay- hays.

“Paniguradong magandang laban ito,” napatingin ako kay Lily dahil sa tinuran nito, tama siya. Lalo na sa narinig ko pang bangayan nila. Can't believe na pinatulan ni Aries si Sydney, kahit na ampon lang si Aries and they're not blood related still mag kapamilya sila sa apilido. Nakakasuka.

Napatingin ako sa lahat at seryoso silang pinagmamasdan ang dalawa na handa ng mag laban. Nag simulang umatake si Vlad at panay sangga si Aries. Biglang dumoble ang bilis ni Vlad at sumugod kay Aries, hinugot ni Aries ang dagger na nakatago sa baywang nito at iwinasiwas dahilan para masugatan ang pisngi ni Vlad.

Atras abante ang mga atake ng dalawa at walang nag papatalo, napatingin kami sa timer at konting oras nalang ang natitira ngunit wala paring sumusuko. Aries attacked Vlad from behind and he dogged it easily but Aries went down and pushed Vlad's foot dahilan para matumba ito na agad ring nakabawi. Hanggang sa napansin kong nag uusap ang dalawa at mas lalong tumindi ang laban. Sabay na umatake ang dalawa sa isa't isa at tunog ng mga espadang sumasangga ang maririnig. By the end of the time, nakatutok ang espada ni Aries sa leeg ni Vlad at ganun rin ito. Tie.

Lahat ay napatayo at pumalakpak dahil sa naganap na laban. They're powerful and their strength are not just strength.

“Mahusay,” I saw one of the elders mouthed.

“Gagi mas kinakabahan na ako para sa'yo,” kumunot ang noo ko ng marinig bigla ang boses ni Reus, napalinga linga ako para hanapin ito ngunit nakarinig muli ako ng mahinanh tawa

“Silly. I'm talking to through telepathy,” he said. Napabuntong hininga ako, baliw talaga siya.

‘ano'ng kailangan mo? ba't ngayon ka lang’ I asked

‘Eh? Miss mo'ko? Ayie na miss niya ako, ayie’ napairap ako dahil sa tinuran nito, ang loko talaga.

‘You're not answering me.’

‘Gusto ko lang namang I-goodluck ka, 'wag kang kikiligin ah? Malayo man ako at wala sa tabi mo, palagi mong tatandaan naririto lang ako sa isip at puso mo, laging inaalala ka. Mag iingat ka Ara.’ at bigla nanaman siyang nawala.

Napangiti nalang ako, kahit na lahi siyang nawawala pakiramdam ko kasama ko parin siya sa isip at puso ko. Nawala ang ngiti ko ng may sumundot sa tagiliran ko.

“Kanina ka pa nakangiti sa kawalan Amara, okay kalang?” sabi ni Lily, na ikinangiwi ko. Nag mukha ata akong baliw kanina. Kasalanan 'to ni Reus!

“Of course. May iniisip lang.” Sabi ko rito.

“Weh? Baka naman si Aries ang iniisip mo ah? Ikaw a,” she chucked, bigla namang nawalan ng emosyon ang mukha ko kaya awkward itong napatawa. Nanadya ba siya

“Uy biro lamang Amara, bati na tayo hehe.” Ngumuso pa ito. Napailing nalang ako at nakitang papalapit sa akin si Sydney. At ano namang kailangan nito sa'kin.

“You'll ruin everything. You must die.” She mouthed na ikinakunot noo ko. Iyan nanaman siya sa mga linyahan niya, kungdi malandi, you must die naman. I'm not stupid to not know that there's something in her words, I know she mean it. Ang hindi ko lang alam bakit? Why? Bakit?

Sa sobrang pag kalito parang gusto kong isampal sa kanya ang isang makapal na libro na may title na bakit, iyan ang hirap sa mga tao eh, iyong anh daming sinasabi sa'yo pero ayaw sabihin ang dahilan. Ano trip lang? Tanginang iyan.

“Sinasapian ba si Sydney? Lagi nalang masama ang titig niya sa'yo, kala mo aagawan, ” Lily said and then I heard my name were called by the emcee.

“Let's welcome the next student, Amara versus Lily!” And my mind went blank.

....

Note : last na note na 'to promise, I deleted some of my social medias na, I deleted my Instagram, Tiktok, Twitter account. 'Yung sa facebook naman na YuexiaEu WP hindi na po ako active doon okay? Dito na ako magiging active for the mean time, I want to stay away from socmeds kahit papaano. Iyon lang, thank you.

Peculiar Crown Empress, coming soon! Bago nanaman haha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Peculiar Crown Empress, coming soon! Bago nanaman haha.

The Assassin's Reincarnation  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon