Chapter 45

4.4K 105 3
                                    

It's been a month since I decided to make Aries my boyfriend. I'm so happy that I almost forgot my birth month. Napangiti ako nang madapo ang mata ko sa suot na singsing. It's a promise ring given by Aries. He promised me that he'll do everything to protect and love me.

Masaya akong umikot at sinuri ang suot na gown, nais ng Emperor na mag karoon ng engrandeng pag diriwang para sa araw ng aking kapanganakan labag man sa Empress. Alam ko namang ayaw pa rin niya sa akin. Ano bang magagawa ko ro'n? Hays.

"Are you excited ate?" I looked at my brothers and smiled. "Super, I almost fainted when I heard that Goddess Akee will be attending my birth day." Napangisi pa ako, first time kong makakakakita ng Diyosa.

Napahawak ako sa dibdin ko dahil sa sobrang kabog, pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa saya at kaba.

Hinawakan nina Faytore ang kamay ko at ngumiti. "Kaya mo iyan ate, we're always here for you." Gumaan naman ang pakiramdam ko.

Gan'to pala ang pakiramdam ng may kasama sa buhay. Masaya.

Napatingin ako nang bumukas ang pintuan.

"Are you ready my sister?" Tanong ni Prince Azulejo, napatango ako at kumapit sa braso niya at iginaya niya ako sa labas.

"Let's welcome the birthday celebrant, Imperial princess Amara Emerald." Nag sipalakpakan ang mga manonood, hindi lamang mga royalties ang naririto kungdi ang iba't ibang nilalang mula sa iba't ibang kontinente.

"Happiest birthday Amara, always remember I love you." The last speech came from Aries then afterwards he kissed my hand.

Mag papalakpakan na sana ang lahat nang may biglang dumating, nakasuot ito ng napakaputing gown at napakagandang korona.

Lahat ay nag si yukuan at napayuko rin naman ako kaagad.

"All hail to the Goddess Akee, may you bless us." Nanlaki ang mata ko at mas lalong yumuko para mag bigay galang.

"Rise," maowtoridad nitong sabi, at sa pag angat ko ng tingin ay nag salubong ang mga mata namin. Napansin ko ang bahagyang pagkibot ng kilay niya at napaiwas ako ng tingin. Nakakatakot siya.

"M-mama w-what are doing here?"

Napatingin ako kay Empress Aurora na nag mamadaling pumunta kay Goddess Akee. Napahawak ako sa bibig, omy demigod si Empress Aurora? At mama niya si Goddess Akee?!!

"My, my, my daughter. Am I not allowed to visit your step daughter's birthday? Hindi ba nasabi sa iyo ni Jack?"

"Oh, look at our celebrant."  Lumapit sa likod ko si Goddess Akee at hinawakan ang ang aking buhok.

"Kamukhang kamukha mo ang nanay mo," she whispered. Napunta ang kamay niya sa aking leeg at necklace.

"How did you know that she's the Imperial Princess? Jack?" She raised her eyebrows.
Kumunot ang noo ko at tinitigan ito ng may pagtataka kahit na alam kong kalapastanganan ang pag titig sa isang Diyosa. Naramdaman naman nito ang aking mga tingin kaya't lumingon siya sa akin.

"She has the power which she inherited from me, hindi pa ba sapat iyon?" Mahinahong sabi ng emperador.

"Sigurado ka bang ikaw ang ama ng batang iyan?" Makahulugan nitong tugon na ikinainis ko ng lubos. Hindi ako gano'n kabobo upang hindi maintindihan ang nais niyang iparating sa kan'yang sinasabi. Halata naman na ayaw niya sa akin, but this is my day!

"Kilala ko si Azure, hindi niya magagawa ang bagay na nasa iyong isip."

"Kilala mo nga ba ng lubusan ang unang babae mong minahal? Jack Emeral?" Nakakaloko itong ngumiti tila nang aasar.

"Mama, tama na po iyan." Segunda ng Empress na sa tingin ko ay nagkaroon ng pakinang.  Ngunit tinaasan lamang siya ng kilay ng kanyang ina.

"Pakiusap h'wag mo nang ungkatin ang tungkol sa namayapa kong asawa lalo na't kaarawa na aming anak." Mariin pang sabi ng emperador.

Ngumisi lang ang Diyosa bago lumipat ang tingin sa akin.

"Sige, pag bibigyan kita para sa araw na ito." Lumapit ito sa akin at bumulong.

"Lubusin mo na ang maliligayang araw mo bilang Imperial Princess, little assasin." Tila dumagundong ang dibdib ko nang dahil sa ibinulong nito. Nang mag tama ang tingin namin ay tila hinahalukay niya ang aking kaloob-looban. Habang ako ay nanlalamig at 'di na makagalaw.

Nagitla ako nang may tumapik sa aking balikat.

"Ayos ka lamang ba?" Napalingon ako kay Dazz, ang tagal na muli nang makita ko ulit siya. Napabuntong hininga na lamang ako at hindi na alam ang gagawin.
Sino ka ba talaga Akee? Anong nalalaman mo sa'kin?

"Hindi ko masasagot ang tanong mo Dazz dahil hindi ko rin alam." Malungkot kong tugon.

Napangiti ako ng mapait dahil sa naging ganap ngayong araw ko pero kahit gano'n ay napangiti pa rin ako nang maalala na may Aries pa ako. Hindi ko mapipigilan na pagdudahan ang katauhan ko kahit na ang totoo ay hindi talaga ako taga rito.

Hawak hawak ko ang bracelet na ako mismo ang gumawa na may nakaukit na Risera kung saan pinagsama ang pangalan namin ni Aries.

Ipinilig ko ang aking ulo at hindi na nag isip pa ng kung ano pa man. Nakangiti ako habang pinag mamasdan ang buwan nang may humawak sa aking balikat.

"Bakit malungkot ang birthday celebrant?" Napakagat ako ng labi nang masilayan.....si Reus.

"Wala ka na do'n, ba't ka nandito? Aalis ka tas babalik nalang bigla." Napasimangot ako at napatitig sa mukha niya. May mga nilalang talaga na pinagpala ano?
Tinawanan niya ako at ginulo ang buhok ko.

"I'm just doing something."

"Ano namang something iyan at inabot na ng buwan?" Taas kilay ko siyang tinignan.

"It's a secret." Ngisi nito na nag pa irap sa akin. Dumako ang tingin niya sa hawak kong bracelet at tila ba guniguni ko lamang na may dumaan na kung anong emosyon sa mga mata niya.

The Assassin's Reincarnation  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon