Tila parang isang panaginip ang lahat ng nangyari sa tuwing mapapadpad ang kanyang tingin sa kaharian, kung saan natapos ang buhay ng babaeng pinakamamahal niya. Marami ang nag bago mula nang lumisan ang babae, si Lily ay nahatulan ng habang buhay na pag kakakulong at gano'n din si Aries. Habang ang itinuturing nilang diyosa na si Akee ay pinarusan ng mas nakatataas sa kanya.
No one knows what kind of punishment they gave to Akee. But one thing is for sure, she's not a Goddess anymore.
"Jeko ikaw na nga mag serve sa table number 2." Nakasimangot kong utos dito habang hawak hawak ang mga baso. Pa'no ba naman kasi puro mga estudyante ang customer ngayon sa coffee shop namin, at as usual, hinihingi ang number ko.
"Bakit type ka raw nila?" Nakataas kilay nitong tanong habang hawak ang tray.
"Oo, sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog sa ganda kong ito?" Nag taas baba kilay ako habang hawak sa pinag pala kong mukha.
Napanguso ako nang batukan niya ako.
"Asus, sino naman ang nag sabi niyan sa'yo at napaniwala ka niya?" Nanlaki ang mata ko saka sinipa siya sa pwetan.
"Doon ka na nga! Isusumbong talaga kita sa manager." Umiling iling siya bago nag serve.
Napahawak ako sa ulo ko nang bahagyang kumirot. Inangyan, mamamatay na ata ako.
"Ara, tawag ka ni manager." Napalingon ako sa kasamahan namin sa trabaho.
"Ha? Bakit daw? Hala tangina." Nakagat ko ang kuko ko dahil sa kaba, shet sana hindi ako matatanggal. Wala akong pang tuition!
"Hindi ko alam, walang sinabi. Dumiretso ka na." Napatango ako ata agad hinubad ang damit— este apron. Sinasabi ko sa inyo, hindi ko pa nakikita yung manager o may ari ng coffee shop. Basta ang alam ko lang pogi at hot daw ang may ari. Iniisip ko palang iyon parang kinikilig na kipay ko.
Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto, oo binuksan ko at hindi ako kumatok.
Ngunit wala namang tao, napairap ako. Ano ba iyan, naupo na lang ako sa tabi ng table at napalingon dahil sa librong nakita ko.
'Choose Your Prince'
Dalidali akong lumapit sa table at hinawakan ito, tangina? Ito yung paborito kong nobela!
Nabitawan ko ito nang bumukas ang pintuan at bumungad ang napaka gwapong lalaki sa na nakita ko sa buong buhay ko.
"Why are you holding that?" Kunot noo nitong sabi.
"Ay bago ka ba dito? Beh! Bawal dito, doon sa labas yung bago. Kahit gwapo ka, sorry pero you're not allowed here!" Nanliliit ang mata ko rito.
"Hmm, how do you say so?"
"B-boyfriend ko yung may ari!" Nakagat ko ang labi ko nang tumawa ito.
"I didn't know na may girlfriend na pala ako." Lumapit ito sa akin at kinuha ang libro na nabitawan ko.
Napaliyad ako nang maamoy ko siya, ang bango bango!
"A-ah you're, you're the owner?"
"Yes, and I own that book."
Napalingon ako roon sa libro at sa paligid sa office. S-siya ang nag sulat no'n?
"I-ikaw writer?" Napangisi siya bago may kinuha muling libro at napansin ko na babae ang cover at may titulo na 'ARA'
"Hmmm. This is the orginal I made, the book that I kept from everyone Ara." Nangilabot akk sa sinabi niya. Ako ba o yung libro yung tinutukoy niya? Pero kahit gano'n, eng pege nye telege eheheh.
"Ayaw mo bang tanungin pangalan ko? Reus, at your service." Gone the looking cold and mysterious. He winked and smirked.
Inilahad niya ang kamay sa akin, nag hihintay. Nang abutin ko ito ay mainit sa pakiramdam, tila ba nahawakan ko na. Napatingin ako sa mga mata niya na nag pagulat sa akin ng bahagya, puno ito ng pag hanga at pag ibig habang nakatitig sa mga mata ko.
"I'm Ara." He smiled, ngayon ay mas sinsero siyang ngumiti ng matamis.
"I know, bakit ko naman makakalimutan ang babaeng nag pabaliw ng lubusan sa isang tulad ko."
THE END
BINABASA MO ANG
The Assassin's Reincarnation
Fantasy"I just woke up as a villain in the novel that i was reading," - Amara Grammatical errors || Typos || Unedited Ara grew up in an orphanage and became a famous assassin, but she was shot and woke up in an unknown place due to her stupidity while rea...