ARA'S POVHalos tawagin ko na lahat ng santo ng banggitin ng Emperor ang tunay kong pangalan, naman kasi eh! Isiniwalat ako nung mga chikiting
Flashback ~
Napabuntong hininga ako at inayos ang sarili nang lumapit samin ang mahal na Empress
"Pagbati mga prinsesa at prinsipe"sabi nito at may malawak na ngiti. Ngumiti kami bago yumuko at bumati
" Pagbati Mahal na Empress, Ikinagagalak namin muli kayong makita"sila alang ang nagsalita at ako ay itinikom ko lang ang bibig ko, aba medyo nakalimutan ko na din kasi kung pano yung mga ganyan ganyan, yung bumati ganern
Napairap ako sa isip ko, mga plastic naman ang ibang bumati duh! Obvious kayo mga teh.
"Hindi ako makapaniwala ang laki mo na at ang kisig mo pa Vlademir" sabi nito at nginitian si Vlad. Napangiwi naman ako, talaga lang ah? Di wag siya maniwala, dipala makapaniwala psh. Gusto ko sanang sabihin yan kaso bago ko pa masabi baka napugutan na ako ng ulo
Napahagikhik ako sa naisip ko. :-D
"At ikaw?" Natahimik ako at lumingon sa Empress na nakatingin sakin. Kumunot ang noo nito ng masilay ang napakaganda kong pagmumukha. Gusto ko sana siyang taasan ng kilay kaso wag nalang hihi.
"Ako po si Amara" sabi ko bago yumuko. Napatingin ako sa ibang Royalties na kausap ang Emperor at kay Sydney na nakaangkla sa braso ni Prinsipe Azulejo na mukhang naiirita na.
Naks nakakapit agad si Sydney ah, ganyan talaga pag linta joke lang hehe.
"Yung anak ni Duke Shaun, tama ba?" nakangiti pa nitong sabi. Napangiwi ako bago tumango, may iba pa bang anak si Papa, duh utak gamitin sis, :-P
Napa facepalm nalang ako sa isip, ano bayan bakit ko ba binabara ang empress hehe. Hindi ko maintindihan ang sarili ko feel ko kasi tarayan siya eh kaso diko lang pwedeng ipakita harap harapan duh Empress kaya yan.
"Ako nga po" sagot ko, wow napakagalang ko naman, ulul HAHAHA
"Napakaganda mo, kamukha mo si Azure" sabi pa nito. Napakunot noo ako, Azure? Yun bayung dating Empress (Chapter 10)close ba sila ng dating Empress? Nung mabanggit niya kasi ang pangalan ng dating Empress parang wala lang,like hindi siya affected
"Salamat po" sagot ko, magsasalita pasana siya nang tawagin siya ng Emperor kaya lumapit ito at lumingkis sa asawa. Sayong sayo na siya tsk kala mo aagawin, djk lang.
"Tignan mo nga naman, pumapapel ka agad sa Empress no? Sipsip ka talaga bruha" bumaling ako kay Mira nang bigla itong sumulpot. Masama ang tingin nito sakin at hindj ako nagpatalo
"Ha? Talaga? Excuse me hindi ako salamin duh" singhal ko kay Mira. Susugod sana siya nang dumating si Prince Azulejo
"Are you two fighting?" kunot noo nitong tanong. Ang gwapo naman nito ghad! Napangiwj ako ng umangkla sa braso ko si Mira at ngumiti sa prinsipe
"Kami nag aaway? Hindi ah palabiro kapala Prinsipe" sabi nito at nag pa cute pa, napailing iling ako
"Mukha ba akong nag bibiro" seryosong sagot nito. Napalunok naman ako dahil sa lamig nito magsalita, umalis si Mira sa pag kaka angkla sa braso ko at tumikhim
"H-ha sabi ko nga h-hehe" sagot ni Mira at palihim akong sinamaan ng tingin, luh promblema nito? Kingina tampalin ko siya diyan eh.
Yumuko ako bilang pagbati at umalis muna sa field, nakakaasura eh puro lang naman plastikan ang magaganap
Pumunta ako sa Garden para makapag relax nang makitang may naglalaban, namangha naman ako dahil yung kalaban nung babae ay isang hamak na bata lang
Pinanood ko sila saglit maglaban at nang dehado na ang bata ay agad akong sumulpot at tinulungan ito
End of Flashback
So yun ang nangyari, at ang kapal naman ng apog ng batang ito. Sabi ko wag sabihin na ako ang tumulong eh aning din ito tsk.
"So ikaw nga si Ara ang nagligtas sa kambal tama ba?" umangat ang tingin ko sa Emperor
"Ako nga po" sagot ko
"Sa pagkaka alam ko Amara ang ngalan mo" dugtong pa nito.
"Opo, Ako ho si Amara ang anak ni Duke Shaun" sagot ko, kita kong nagulat siya at may dumaang iba ibang emosyon sa mga mata nito na kalaunay naglaho at naging blanko
"Mabalik tayo, wala ka nabang napansin pang kakaiba nung nakipaglaban ka sa isa sa mga pinuno ng Heianda?" tanong nito
"wala na po"
"Makakaalis na kayo, Xian bukas na natin pag usapan ang tungkol kay Ximon" sabi nito. Tumango kami at sabay sabay lumabas
Tumungo muna ako sa Rooftop at humiga, gabi nadin pala. Ang daming nagyari ngayong araw at ang dami dinv katanungan sa isip ko.
Bakit mag kaaway si Ximon at ang Emperor? Bakit ipinag babawal ang aralin ang kapangyarihan ng namayapang Reina ng Labyrinth Casa? Bakit inatake ng Heianda at Creatures ang Emerald Empire noon? Bakit si Ximon nalang ang sorcerer?
Ang dami kong gustong itanong, isa nadun ang bakit nandito pa ako? Parang gusto ko nalang magpahinga habang buhay haist
Ipinikit ko ang mga mata ko pero biglang lumakas ang ihip ng hangin at naramdaman kong may humaplos sa pisngi ko. Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang napakagwapong nilalang
'Reus'
Agad ko siyang niyakap at niyakap niya din ako pabalik.
"Saan kaba nanggaling? Bakit ngayon kalang nag pakita?" tanong ko at nangilid ang mga luha ko, mahalaga nadin siya sakin! Para ko na siyang kapatid
"Im sorry" bulong nito at biglang dumilim ang paligid.
BINABASA MO ANG
The Assassin's Reincarnation
Fantasy"I just woke up as a villain in the novel that i was reading," - Amara Grammatical errors || Typos || Unedited Ara grew up in an orphanage and became a famous assassin, but she was shot and woke up in an unknown place due to her stupidity while rea...