Chapter 35

6K 197 4
                                    

Ara's Point Of View

Pagdating sa SW building ay sinalubong agad ako ng mga estudyante.

"Wahh! Ikaw nga Princess Amara"

"Hindi kami makapaniwala na makakasama ka namin!"

Kanya-kanya nilang sabi, na nginitian ko lang .

"Just call me Amara" pahayag ko at napatawa nang mamula ang kapwa babae ko na halatang may pag hanga sa akin, wala namang mali duon sa halip ay ang cute pa tignan haha.

Nabaling ang tingin ko sa lalaking tahimik lang at nakatitig sa may bintana sa dulo. There's something of me na gustong malaman kung sino siya pero ipinag kibit balikat ko nalang iyon.

At dumating na nga ang aming propesor may hawak itong Katana o sword sa ingles at Katana sa Japanese.

Kapansin pansin din ang mga sandata na hango sa Japanese tulad ng shuriken, nakapag tataka . Hindi ba dapat may sarili silang sandata? Hindi rin naman nila alam ang tungkol sa Earth-- teka .

Lumingon ako kay Jane na katabi ko at nakangiting nakatitig lang sa akin.

"Jane?" Tanong ko

"Ah? Yes? Hihi,"

"Alam mo ba 'yung Earth?" Bahagya akong nagulat nang makitang nag liwanag ang mga mata nito na tila nag hugis puso sa sobrang tuwa.

"E-earth ba kamo? Oo!!! Sobrang fan ako ng mundong 'yun grabe ! " Masayang sabi nito na mas lalo kong ipinagtaka. Alam niya? Pero pa'no?

Biglang lumungkot ang masaya nitong mukha, "Ang kaso, isa lamang iyong kathang isip" saad niya na ikinagulat ko

"Ha?! Kathang isip?" Pag uulit ko

"Oo, as in pantasya, o illusion. Sabi ng mga propesor ang Earth daw ay unang narinig kay God Kahem ang isa sa mga Diyos ng mundo natin, at ito pa! Nag tatalo sila ni Goddess Akee nang marinig ang salitang Earth!" Teka, teka Fantasy? Illusion? Goddess Akee?Kahem?

Unang una, hindi ba't ang lugar na ito ang mismong pantasya? Mga kapangyarihan? Iyan ang pantasya! Isa pa anong Goddess Akee? Akala ko ba isa lamang ahas iyun? Wtf?

"Goddess Akee?"muling tanong ko kay Jane.

"Oo, teka ba't parang ngayon mo lang nalaman? Bagong silang kaba? Hahaha" tawa nito, at nang mapansin na seryoso ako ay napatikhim siya.

"Joke lang naman hehe, so ayun na nga oo Goddess Akee . Sa pag kakaalam ko i base narin sa mga nabasa ko sa libro, si Goddess Akee daw ay may gusto kay God Kahem pero iba ang nagugustuhan ni God Kahem at hindi isang Diyosa kungdi isang immortal din katulad natin"

"Yung tungkol sa Earth, may nakarinig daw na nag tatalo ang dalawa at nabanggut ang salitang Earth o mundo ng mga tao o mortal, psh kathang isip lamang naman iyon kaya 'wag mo nang bigyan ng pansin" dagdag pa ni Jane.

I can't believe this, Goddess Akee? Ang inakala kong isa lamang na ahas na may malaking role? At Earth? Fantasy?

The Assassin's Reincarnation  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon