Chapter 46

3.9K 125 2
                                    

Third Person's Point of View

Nag tagis ang bagang ni Reus dahil sa nakitang pangitain.

"Damn, I told you not to bother her anymore!" Galit na sigaw nito at kwinelyuhan ang lalaki.

"Come on, don't tell me you have feelings for her?" Asik naman ng lalaki.

"Look, I fucking sacrificed my sister's happiness for her just to protect her! So don't act like what I did is to just to bother her!" Dagdag pa nito

Napabitaw si Reus at huminga ng malalim, mahahalata rin sa mga mata nito ang kapaguran dahil sa walang tigil na kaka asikaso sa isang napaka importanteng bagay para sa kanya.

"You chose to do that Ximon. Don't tell me you like her?"

"What the heck Reus? Man, I'm helping you."

"I... I'm sorry, I just can't loose her. I can't loose her Ximon." Pagod nitong sabi na nag pailing kay Ximon.

"You really fell...so damn hard."

Ara's Point of View

Sobrang ganda ng gising ko dahil sa hindi malamang dahilan. Pagkatapos ng usapan namin kagabi ni Reus ay bigla na rin naman siyang umalis. Bahagyang kumirot ang puso ko dahil do'n, pakiramdam ko ay isang abala ako.

Sinampal sampal ko ang sarili ko para maalis ang pagiging negatibo. Nababaliw ka nanaman Ara. Nang mapatingin ako sa hawak na bracelet ay tila kumirot ang aking puso.

Nabitawan ko ito na nag sanhi ng konting basag sa gitnang puso ng porselas. Napakalikot kasi Ara, kingina naman.

Dumiretso ako sa templo nang palasyo para magdasal sa mga Diyos at Diyosa dahil sa buhay na naibigay sa akin . Pagpasok ko ay nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya na tila galing isang napaka makapangyarihang nilalang.

Hindi ko na ito pinansin at lumingon sa harap, agad ako yumuko at nag bigay galang at nag simulang mag alay.

'Ang tanging dalangin ko lang ay maging ayos ang taon na ito para sa akin at sa mga minamahal ko sa buhay'

Pagkatapos ay agad din akong tumayo at akmang tatalikod na para umalis nang bahagyang umilaw ang puso ng estatwa. Dahil sa kuryosidad ay akin itong nilapitan at aksidenteng napindot kaya't biglang nagkroon ng butas sa ilalalim ng kinatatayuan ko at biglang nahulog pa ibaba.

Tila isa itong sikretong lugar.

Hanggang sa makaratin ako sa tila sapa na may liwanang mula sa mga alitaptap, akmang lalabas ako nang marinig ang pamilyae na mga boses .

"Hanggang kailan natin ito gagawin?"

"Hanggang sa makaupo sa trono si Amara."

Napatakip ako nang bibig at bahagyang sumilip.

"P-pano kung malaman niya ito? Tiyak kong matatapos tayo."

"Don't worry, as long as she know that I love her, everything will be fine."

"Pero ako ang mahal mo diba? Aries?" Unti unting tumulo ang aking mga luha sa nasaksihan, unti unti ring naging malinaw ang paningin ko dahil sa liwanag mula sa pwesto nila. Mariin kong kinagat ang ibabang labi upang pigilan ang hikbi.

H-hindi ito magagawa ni Aries sa'kin. Hindi.

"Of course Lily, bago ko pa siya makilala alam mo namang mahal kita." Napapikit ako sa nalaman. All this time, I thought I was the one who's fooling them, iyon pala ay ako ang nabitag nila.

"She really believed I'm still her maid."

Umigting ang panga ko sa nadinig. Ang kapal naman ng mukha ng babaeng ito.

The Assassin's Reincarnation  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon