"Anong nagyari sa'yo Ara?" Napapailing na tanong ng emperor habang tahimik ang empress.Napanguso naman ako, "nilagyan ng potion nina Faytore ang cookies na binigay nila sa'kin." Nakangiwi kong sabi.
"Sinungaling ka." Napatingin ako sa Empress, at nakitang matalim ang tingin sa'kin. Sinasabi ko na nga ba at may natatagong ugali 'to.
"Aurora." Emperor warned.
"No, it's fine po," sabi ko
"Ate is not lying mama, kasalanan po namin." Fayroh says.
" Let's not talk about it." Emperor said.
"How's your staying here, my princess?" He smiled
"It's good po, thank you for your warm welcome. Ang babait po nilang lahat." I said.
"That's good to know. " Muli akong napangiti.
"Anyway, do you want to go back to Academy? You can stay there if you want." My lips parted, oo nga pala. Masyado akong maraming iniisip this past few days.
Isinubo ko ang kutasara bago sumagot.
"Sure po, I actually want to continue my study there like Prince Azulejo." I answered
"Duke Shaun will lead you there. " Napatango naman ako.Napatingin ako sa salamin at napatitig sa sarili. Napahawak ako sa ulo ko at napanguso. Naroon pa rin iyong tainga ng pusa. Sa pag stay ko sa mundong 'to marami ng nag bago, ang tagal na rin pala. Mas lalo akong pumuti , mas humaba ang kulay almond kong buhok at nag kakulay ang mukha.
"Hindi ka ba nag sasawa sa mukha mo?" Napahawak ako sa puso ko sa gulat. Saka napalingon sa likod at nakita siya. His eyes are so gorgeous and his features. Parang ang lambot ng buhok niya.
Napairap ako sa naisip. Baka pag nalaman niya, mag yabang naman ang kupal.
"Never, bakit nag pakita ka pa?"
Napahawak ito sa bandag puso at umaktong nasasaktan. Mukha siyang tanga.
"Hello, ako na 'to si Reus."
"Ano ngayon?" Napasimangot siya at lumapit sa'kin sabay pisil sa tainga ko.
"Reus!" Suway ko rito na tinawanan lang niya.
"Ang cute mo talaga." Pang iinis pa nito at pinisil ang dalawa kong pisngi. Kaya't sa inis ko ay dinambahan ko 'to at pinisil din ang pisngi kaya't napahiga kami sa sahig.
Pinisil pisil kong pisngi niya hanggang sa mamula habang nakapatong sa tiyan nito."Ay jusko mahabaging langit!" Napatingin kami ni Reus sa sumigaw at nakita si Lena ang nana ni Prince Azulejo. Namula ako nang mapag tanto ang pwesto at agad tumayo.
"Ha-ha-ha Reus parang baliw, natumba tuloy tayo." Peke akong tumawa at napatingin sa kuko ko.
"Hays nakakainggit, oh siya ipagpatuloy niyo ginagawa niyo. Kunwari wala akong nakita. Shh." Ngumisi si ate Lena bago tumakbo paalis.
"Ate Lena!" Inis kong sigaw bago napalingon sa buraot kong katabi na natatawa.
"Oh ano?" His lips protruded.
"Anuhin kita riyan e, tumahimik ka nga." Irap ko rito.
Sa halip ay tinawanan niya ulit ako, he looked at me with intensity in his eyes. Ang seryosong tingin niya ang nag pa iwas sa'kin. Problema nito?
"Are you happy?" Napaangat ako ng tingin.
Unti unti akong napangiti bago tumango."Yes. I am." Umangat ang labi niya at ginulo ang buhok ko.
"I'm glad." He whispered.
———
Thank you for waiting, even you're not sure if the ending will be worth or satisfy you. Thank you so much, I appreciate you guys.
Ang tagal ng ud? Oo matagal, no reasons, just no.
BINABASA MO ANG
The Assassin's Reincarnation
Fantasy"I just woke up as a villain in the novel that i was reading," - Amara Grammatical errors || Typos || Unedited Ara grew up in an orphanage and became a famous assassin, but she was shot and woke up in an unknown place due to her stupidity while rea...