Note : Thank you to all of my readers here especially sa mga nag v-vote sa story kong ito, I really really appreciate it . I feel exuberance with you guys 'm really thankfull, hindi ko man nasasabi ay salamat talaga! Mahal ko kayo sobra pero mas mahal ko crush ko char .
I apologize rin po for super duper late update haha.Ara's Point of View
This is it pancit! Hinawakan ko ang dulo ng espada at napangiwi dahil matalim nga ito. Itinaas ko ito at iwinasiwas na para bang may kalaban. Sumasabay sa hangin ang bawat galaw ko, walang labis walang kulang. Tinatangay ng hangin ang mahaba kong buhok sa bawat paghampas ko sa hangin ng espada. Hiling ko lang na hindi kapangyarihan ang gagamitin mamaya para sa laban kung hindi. Delikado ako, delikadong delikado.
Base na rin sa mga research ko nung bago pa lang ako dito sa mundong ito ay sa pag kaka alam ko ay may kapangyarihan naman ako. Ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang ipalabas ito. Nakapagtataka din na kapag nasa malapit sa akin si Lily ay para bang bahagya akong lumalakas.
Hindi ko tuloy malaman kung imagination ko lang ba iyon o nag kataon lang. Pero kung susumahin ay talagang imposible. Ano iyan master ko si Lily kaya lumalakas ako? Tch kalokohan. Hindi naman sa sinasabi kong mahina si Lily. Ipinilig ko ang mga iniisip ko at muling inihampas sa ere ang espada ngunit ganoon nalang ang gulat ko nang may sumanggi sa atake ko at itinulak ang espada ko dahilan para malaglag ito sa kamay ko at tutukan ako ng espada.
“Hindi ka dapat nag iisip sa kalagitnaan ng pakikipaglaban. Don't let your guard down.” Mahinahong pahayag nito sa akin at ibinaba ang espada. Napatitig ako sa kaniya. Anong ginagawa ni Prinsipe Azulejo dito? At isa pa hindi naman ako pabaya. Sadyang may iniisip lang.
“Kahit na nasa practice ka lang, hindi ka dapat mag pakampante. Hindi lahat ay mapagkakatiwalaan at kakampi mo.” Makahulugang sabi nito na tila ay nabasa ang iniisip ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa 'di malamang dahilan.Hay grabe nakakakaba!
Umayos ako ng tayo sa harapan nito bago lumunok at hinarap siya ng may pag galang.
“Maraming salamat sa payo, mahal na prinsipe.” Nakangiting pasasalamat ko dito. Bahagya akong napa irap sa isipan nang hindi ako nito pansinin. Snob ang kuya mga beh.
“Do your best. I'm watching for you.” Sambit nito bago tumalikod at lumakad papa alis. Para sa akin ay ang ibig sabihin noon ay 'I am rooting for you' hindi naman sa assuming ako, a. Napanguso nalang ako para pigilan ang pag ngiti ng mga labi ko pero hindi ko ito napigilan.
-
Halos maupos ako sa kinatatayuan dahil sa kaba. Kulang nalang ay madinig ko ang puso kong dumadagungdong sa labis na kaba. Mula dito sa kinatatayuan ay kitang kita ko ang field na pag gaganapan ng laban. Hindi mahahalatang may barrier ito sapagkat iyon ay transparent. Kung kaya 't pag may labanan na ay hindi maapektuhan ang nasa labas ng barrier. Lumipat ang mga tingin ko sa may bandang itaas, kung saan naka pwesto ang mga Elders o Kataas-taasan, sa gilid naman ay ang mga Royalties at iba pang kasapi ng council including Rian and Trisha. Napairap ako, ano iyan god/goddess lang ang peg.
Bumuntong hininga ako nang umakyat na ang taga anunsyo para sa Mayhem.
“Uhm. . . Jane? Maiwan ko na kayo, a? Kailangan ko ng bumalik sa pwesto ko.” Paalam ko kina Jane na kasama ko kanina pa. Lumingon naman sa akin ang mga ito at nag thums up pa. “Sige lang! Good luck sa iyo!” Ngumiti naman ako at nag pa alam na bago tuluyang dumiretso sa pwesto ng Royalties. Dumapo ang tingin sa akin ni Aries na ikina iwas ko lang ng tingin. Focus Ara.
Akmang lalapit ito sa akin nang mag salita na ang Emcee, ”What a wonderful day, precious students of Starlight. Today you were going to prove yourselves, strengths, and to fight for your love ones. To prove that you are strong enough to get a high rank to this Academy. I'm rooting for all of you! Let's enjoy this battle between your strengths, and tendering. With the highest member and highest position of this Academy here they are will judge your capabilities. Let's bowed to our Elders, Queens, Kings, and the most important. . . Our Emperor together his lovely wife, Empress Aurora!” they clapped their hands so as I. Lovely wife my *ss.
“Amara okay kalang ba? Panay irap ka kasi.” Napatingin ako kay Lily dahil sa sinabi nito, parte nadin ito ng Royalties. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nag mamaktol at halos nakatingin na sa akin ang Royalties. Peke akong ngumiti at nag iwas tingin. Mga tsismosa hmph.
.....
BINABASA MO ANG
The Assassin's Reincarnation
Fantasy"I just woke up as a villain in the novel that i was reading," - Amara Grammatical errors || Typos || Unedited Ara grew up in an orphanage and became a famous assassin, but she was shot and woke up in an unknown place due to her stupidity while rea...