Always You

310 9 3
                                    

Where have you been Dennise?

Good evening po

Nilapitan ng dalaga ang ama at hinalikan ito sa pisngi

Umaga na dennise, saan ka galing?

Sa hospital dad. Akyat na po ako upang magpahinga.

Hindi pa tayo tapos mag usap Dennise Michelle.

Napa buntong hininga ang dalaga at napahinto sa pag aakyat.

Sa hospital nga po ako galing dad, may emergency surgery po ako kanina.

Kilan ka pa natutong magsinungaling Dennise? Tinuruan ba kita?

Dad, i told y-----

Tumawag ako ng hospital dennise, kaninang hapon pa ang out mo.

Hindi naka sagot ang dalaga sa sinabi ng kanyang ama.

Dad.

Nagkabalikan ba kayo ng LA na yon?

Dad,plea-----------

Oo o Hindi! Nagkabalikan ba kayo ng LA na yon,Dennise!?

Nagsilabasan ang mga kapatid ni Dennise sa kanilang kwarto pati na din ang kanyang ina dahil sa subrang lakas ng boses ng tatay ni Dennise.

Dennise Michelle, nagkab------

Oo!!! Oo nagkabalikan kami!!!!

Hindi makapaniwalang tinignan ng ama nya ang dalaga. Habang ang mga kapatid nya ay natatakot.

Ilang beses ko bang sasabihin!? Hindi ka mahal ng lalaking yon! Pinipirahan kalang nya! Pera mo lang ang mahal nya!!

No! LA loves me!

Ano ba Dennise! Hindi pa ba sapat ang pang bubugbog nya sayo!? Ano gusto mo!? Ang patayin ka mona nya bago mo sya iwan!? Ha!? Niloloko kalang ng lalaking yon! Kahit kilan ay hindi ka nya kayang mahalin!!! Dati na kong katulad ni LA Dennise, kaya alam ko... Ramdam ko... Amoy ko ang baho nya!

Hindi ganoon klasing tao si LA! Ibang iba sya sayo! Kahit kilan ay hinding hindi magiging katulad mo si LA, hindi si LA makikiapid sa iba kagaya mo!

Dennise!

Sumusubra kana, hindi kana rumirespito sa daddy mo.

Totoo naman mom, diba nga pinagpalit nya tayo noon!? O eh bakit ayaw nya kay LA!?

Sinampal ang dalaga ng kanyang tatay.

Kong hindi ka din naman mapagsasabihan ay umalis ka sa pamamahay na to, may sariling bahay kana, may sariling trabaho kana rin. Kaya umalis kana sa puder namin ng mommy mo.

Tignan ni Dennise sa mata ang ama nya at kita nya ang lungkot at sakit dito

alam mo na lahat diba? Hindi kana maturuan diba? Pwes umalis ka, hanggat boyfriend mo ang lalaking yon, wag mo ng tangkaing bumalik dito.

Pero tandaan mo to Dennise, oo nagkamali ako, oo niloko ko ang mommy mo noon. Pero sinusubukan kong itama yon Dennise, pinagsisihan ko yon, habang buhay kong pagsisisihan iyon, oras oras minuminuto, araw araw linggo linggo buwan buwan ganon ko pinagsisihan ang ginawa ko sa mommy mo.

One Shot(ft. Alyden)Where stories live. Discover now