Isang buwan na ang makalipas ng mangyari iyon kay Dennise at mas lalo na siyang naging emotionless. Si Alyssa naman at ang grupo niya ay hindi na umaalis sa tabi ng kanilang mga kasintahan, na naging sanhi ng pagtataka ng mga estudyante.
Kasalukuyang naglalakad sila sa gitna ng hall way patungong cafeteria habang nagbubulongan anG mga estudyante.
Sila na ba? Bat parating nakasunod ang VAKJAG sa grupo nina Dennise?
Grabe, ang gaganda talaga nina miss Den bagay na bagay sila sa VAKJAG magandang gwapo.
Sana nga sila na no? Nako! Sila na talaga ang inspiration ko.
Waaah! Wala na akong pagaasa kay alybabes ko, taken na siya ni Gorg Den!
Napapailing nalang si Dennise sa mga naririnig niya. Tinakbo naman ni Aly ang space na namamagitan sa kanila ni den upang makatabi dito at hinawakan ang kamay.
Dahil sa bigla, napalingon si Dennise sa may gawa at isang napakagandang ngiti ang kanyang nakita. Kaya hindi maiwasan ni Dennise na mapangiti din na umani ng malakas nahiyawan ng mga babae at lalake.
Ang ganda niya!
Pare! Goddess na talaga siya!
Omygod! Babae ako pero kinilig ako sa ngiti ni Miss Den! Nakakatunaw!!
Fallen Angel talaga siya! Ang ganda!
Napaiwas naman ng tingin si Dennise sa mga estudyate.
Yan kasi pangiti ngiti Pa. Haha
Ngiti ka nga rin ate rad para matalo natin yong nanatunaw na ngiti ni Den. Haha
Nga naman ate rad, hindi tayo papatalo kay Goddess. Haha!
Humanda ka Fallen Angel! Tatalunin namin yong ngiti mo! Hahaha!!
Tiningnan naman ng masama ni Dennise ang kanyang mga kasamahan na nakasunod sa kanilang likuran.
Sege! Tatalunin natin yong ngiti ni Goddess fallen Angel Dennise!
Nagtawanan naman ang grupo ni Aly at Sina fille sa pagsasabay ni Rad sa kanilang trip. Napasimangot naman si Den dahil sa trip na naman siya ng kanyang mga kaibigan.
Kahit anong gawin niyo ako parin ang Gorgeous Goddess Fallen Angel. Tanggapin niyo nalang na talo na kayo! Na ako ang nanalo.
Natahimik silang lahat at nagkatinginan, sabay sabay din silang tumawa pati si aly na kanina Pa pinipigilan ang tawa niya at si Den, Rad at Jov na hindi tumatawa ay na patawa nalang sa pagsabay ng makapatid na si Den at Rad sa trip ng girls.
Papasok na silang 12 na patoloy parin sa pagtawa, kaya naman ang maingay na cafeteria ay tumahik dahil sa pagtataka na makitang tumatawa sina Jov, Rad at Den kasama ang kanilang mga kaibigan. Nahinto naman ang pagtawa nila ng mapansing humakot na pala sila ng mga mata.
Okay! Live show is done guys! Back to your business!
Nakangiting umiwas ng tingin ang mga estudyante sa kinaruroonan ng grupo nina Den. Nagiba na ng daan sina aly dahil magoorder sila ng kanilang pagkain habang sina Dennise naman ay tinungo ang lamesang nakalaan para sa kanila.
Hindi rin tumagal nandiyan narin sina Aly dala dala ang kanilang pagkain. Masayang kumakain ang grupo ni aly at Den ng biglang may pumalo ng lamesa nila kaya sanhi ng pagtigil nina fille maliban nalang kay Aly at Dennise na nagsusubuan parin.
Myco, Tec........ LA
Napatigil naman sa pagkain sina aly at Den ng marinig nila ang pangalan ni LA, tinapunan ng isang malamig na tingin ni Aly ang tatlong lalaki na nakatayo ngayon sa gilid ni Kim at Mela.
YOU ARE READING
One Shot(ft. Alyden)
FanfictionIf you want to read this kind of story, just please be open minded. Please no Bashing!!! Respect the author and dont be rude.. Thank you ?