6

115 7 0
                                    

2017

NARARAMDAMAN kong lasing na ako kaya sinubukan kong pakalmahin ang sarili dahil sa nakita kanina!

Binigay ko naman ang lahat. Bakit hindi pa rin sapat? Literal na walang naiwan sa akin.

Sinuntok ko ng ilang beses ang manobela nang mapahinto ang sasakyan bigla. Napamura ako nang mapagtanto na malapit akong mabangga sa traffic light. Nasa tapat pa ako ng CCTV!

Parang bigla akong bumalik sa katinuan. Tinanggal ko ang shades na suot at nagpapatuloy sa pagmamaneho. Kaya pala wala akong halos makita dahil sa suot ko. L*ntek!

Maya-maya ay nakaramdam ako ng antok. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pa pala talaga ako nakalabas sa lugar kung nasaan ang bar. Bigla akong napapreno at nabundol ang sasakyan sa isang malaking basuran. Sh*t!

I felt relieved since I thought it was a car!

Buti nalang hindi kaya nabuhayan ako ng loob. I know mom will get mad at me again if that was car. Sa buong buhay ko, halos nababangga ako!

Umatras ako kaya kitang-kita ang kalat ng basurahan sa buong parke. Sinlaki rin kasi ng sasakyan ang basurahan kaya napagkamalan ko ito kanina. Sinubukan kong umatras ngunit nararamdam kong hindi na ako makakaatras pa.

"What happened?!" kinakabahan kong sigaw hanggang sa napasigaw ulit ako nang marinig na may sumabog sa likuran.

Bumaba ako.

"F*ck!" inis kong bulong sa sarili. Isang lalaki ang may hawak na baril ang nasa likod ng sasakyan ko.

Ang mga gulong! F*ck it!

"Sa wakas at nahuli rin kita."

Naguguluhan ako sa sinasabi niya. Sino ba siya?! Bakit may dala itong baril?! Magnanakaw ba siya?! Kinapa ko ang bag ko para humanap ng maraming pera. Handa kong ibigay ang lahat para hindi mamatay!

"M-magkano ang kailangan mo?" nanginginig kong tanong.

My whole world was shaking when he walked to my direction! Sumasakit pa ang ulo ko kaya pumipikit ako dahil sa hilo.

"I'll pay you now!" napraraning ko sigaw. I don't wanna be dead! Heck!

I always joke about my death pero iba pala talaga kapag mangyayari na ito sa'yo!

Napapikit ako. Whoever can hear me, I still want to come back home safely!

Hindi ito sumagot na para bang sinasabi niyang wala siyang pakialam sa pera.

"Hepe, duty ka po ba?"

Napahinto ito sa paglalakad.

HEPE?!

"Kami na po ang bahala sa kanyang mag-aresto," sabi ng isang lalaki. Sumagot ang kanyang katabi sa tono na puno ng sabik. Narinig kong tumawa ang dalawa.

"Ayos lang. Ako na ang bahala sa babaeng 'to!"

I tried to open my eyes, but I feel so weak. Bwis*t! Pero mabuti naman at naririnig ko pa ang kanilang sinasabi. Masasabi kong nasa pag-iisip pa ako. Ano man ang mangyayari mamaya ay tatakbo nalang ako!

Gagawin ko na sana ang planong pagtakas ngunit hinawakan ako ng lalaki.

Nagpupumiglas ako ngunit hindi ko kaya! N-nanghihina pa ako dahil sa alak!

"Hindi po ba day off kayo ngayong gabi dahil may date po kayo?"

Narinig kong tumawa ang lalaking nasa harapan ko. "Wala naman akong date. Sige na, magpahinga na kayo. Lasing naman ang babaeng ito kaya ako na ang bahala."

Y'all Have AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon