To run after the police
"KAYA iyon ang tawag sa akin dahil isa akong pulis."
"Then why are you a janitor?!" agad niyang tinakpan ang bibig ko.
"WHAT THE F*CK?!" sigaw ko nang marealize na ginagamit niya nga pala ang kamay niya para maglinis ng lamesa at banyo.
"Ang ingay-ingay mo, baka may makakarinig sa atin." Mas diniinan niya ito sa bibig ko kaya mas lalo akong nagwala.
"Marumi ang kamay mo! Kung saan-saan mo 'yan ginagamit sa paglilinis!" I glared at him para malaman niyang isang malaking kasalanan ang nagawa niya.
Ipinasok niya ako sa kotse at siya ang nagdrive. Dito ko lang napagtanto na dapat ay hindi ako sumama sa kanya. Kumuha naman siya ng alcohol at nilagay sa mga kamay.
"Stop the car!"
"Bawal!"
"F*CK YOU!"
"Tigilan ko nga 'yang kamumura mo."
I cursed again.
Hindi niya itinigil ang kotse hanggang sa ang tinatahak namin ay nagiging pamilyar na.
"Y-you're not bringing me to the jail!" kinakabahan kong sigaw.
Bakit niya naman ako ikukulong?!
Itinigil niya ang kotse sa labas. Hindi ako makalabas dahil nakalock pa rin ito.
"Let me go out!"
Paulit-ulit kong sinubukang buksan ang kotse ngunit ayaw nitong bumukas.
"Ilabas mo ako!"
Tumawa lamang ito.
"Hindi mo ba ako kilala?! Ako si Ellen Vangeline Feresco!" galit kong sigaw.
"Hindi," iling niyang sagot.
"Magsisisi ka rito!"
"Hindi ako magsisisi sa trabaho ko dahil pinasok ko ito."
"Nanumpa akong manumpa sa bayan."
Sumeryoso ito sa akin. "Kayo talagang mayayaman, lahat nalang ng kapangyarihang mayroon kayo ay ginagamit niyo para matakot ang ibang tao. Hindi ka Diyos at trabaho ko bilang pulis ang hulihin ang taong katulad mo."
"F*ck?! Are you crazy?! You cannot put me inside the jail!"
Ni ayokong tumapak d'yan!
Humanda siyang mawalan ng lisensya―hindi lang pwesto ang itatanggal ko sa kanya kundi lisensya niya!
"Hindi ka pinuno para sabihin iyan, Ms. Ellen Vangeline Feresco."
Napalunok agad ako nang banggitin niya ang buong pangalan ko.
Tumaas ang kilay niya. "Modelo ka nga pero hindi naman kaaya-aya ang iyong ipinapakita."
Humarap ito sa akin na para bang pinaparangalan ako. "Hindi ito ang unang beses na lumabag ka sa batas-trapiko. Alam mo sa tuwing nagbabantay ang mga pulis ay ikaw lang ang nakakalusot. Iyong ibang mayayaman naman ay sumusunod. Depende lang talaga sa disiplinang mayroon ang isang tao."
"Shut up! My father raised me well!"
I'm f*cking disciplined! I know what I'm doing!
"Akala mo naman hindi rin rule breakers ang mga pulis," naiirita kong bulong. Kung makapag-ano ito!
"Alam mo, hindi naman lahat ng pulis ay kagaya sa iniisip mo mo." Hinawakan niya ang kanyang puso. "May mga pulis pa ring katulad ko na handang magserbisyo sa lipunan, mabuti ang intensyon, at hindi nagpapasindak sa pera dahil may takot ako sa Diyos!"
BINABASA MO ANG
Y'all Have Angels
SpiritualNothing is permanent in this world, including pain. Whatever challenges come into your life, I know you can survive them. Please do not give up and remind yourself that help is always here. God sent Angels to rescue you. You are not alone. Published...