I am the standard
"BAKIT mo ako sinapak?!"
"Kasi isa kang f*ck!"
"Isa akong ano?!"
Napasigaw ako nang posasan niya ang dalawang kamay ko. Ilang beses ko siyang minura!
Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa at may sinabi sa mga tinawagan. Pagkatapos nito ay matalim niya akong tinitigan.
What is he doing?!
"Sumama ka sa akin sa loob," seryoso niyang sabi.
"N-no, you're harassing me!" natatakot kong sigaw sa kanya. Kung sino pa ang pulis, siya pa ang rapist!
"Galit din ako sa rapists."
Napanganga nalang ako at naalala ko na naman ang sinabi niya kaninang may gusto kaw ako sakanya—HA?!
"Yuck! Ako?! Isang Feresco ay magkakagusto sa isang katulad mo?!"
"Oo! Kanina ka pa nga nasa police station. Pulis na ba kinahihiligan mo ngayon?"
Sinipa ko ang kanyang tuhod kaya napahiyaw ito. Galit ang mukha nito nang lumingon sa akin.
"Baka gusto mong kukunin ko ang wheel chair para hila-hilain nalang kita?"
"Does the police station have a wheelchair?!" gulat kong tanong.
"Oo, nagagamit iyon lalo na sa mga matitigas na ulo kagaya mo!"
"Set me free or else I'll kill you!"
Magbabayad talaga ang lalaking ito! Inuubos ang pasensya ko! Hindi ba talaga siya natatakot sa akin?! Lahat ng general sa buong Pinas ay hawak ng pamilya ko! May koneksyon din kami sa Presidente lalong-lalo na sa International Criminal Court!
"L-let go of my shoulders!" Dito kasi siya nakahila.
"Tumahimik ka nalang at sumunod sa akin. Pachoosy ka pa—"
"WHAT THE F*CK IS CHOOSY?!"
"Maraming nangangarap na ako ang dadakip sa kanila."
"F*CK! I'M NOT DREAMING TO BE ARRESTED BY A POLICE LIKE YOU!"
I would like to vomit infront of this policeman. Sinisilip ko ang damit niya para makita ang kanyang complete name ito ngunit hindi ito nakauniform. Naka-all black lang pati ang jacket.
"Ampogi ko naman kasi kaya nga nakukumpara mo ako sa isang anghel!"
"Yuck! Hindi ka pasok sa standards ko!"
"Hahaha anong hindi? Narinig mo naman kanina ang sabi ni general, diba? Hindi ka raw sexy tapos wala akong kataste-taste. Hahaha!"
Naalala ko naman at hindi talaga ako makaget-over! Mawawala sa pwesto ang general na iyon! Kanina pa talaga ako nabwibwiset! Kinukuha niya mula sa kanyang opisina ang lahat ng ebidensya laban sa akin.
"I'm not a criminal!" giit ko.
"I didn't say that you're a criminal, but if you think you are—"
"I'm in a rush always that's why!"
"It's not an excuse. Simula maging hepe ako sa estasyon na ito, palagi kitang nahuhuli. Paano pa sa ibang hepe?"
"Huh? Did I do that? I didn't know it!"
"Talagang hindi mo malalaman dahil kapag piniputuhan ka naman ay hindi ka nakikinig. Hindi ka rin daw pwedeng harangan dahil hindi ka pwedeng hulihin."
"May binayaran kang halos benteng heneral para hindi ka mahuli. Four-star general pa sila," pagpapatuloy niya pa.
BINABASA MO ANG
Y'all Have Angels
EspiritualNothing is permanent in this world, including pain. Whatever challenges come into your life, I know you can survive them. Please do not give up and remind yourself that help is always here. God sent Angels to rescue you. You are not alone. Published...