Do you think it's a coincidence?
NAKAHILERA ang journalists sa harapan ko. It was my first public appearance after the incident. Kanina ko pa binababa ang suot ko. While I was getting ready earlier, hindi ako makapili sa susuotin ko. Bakit naconscious ako bigla sa susuotin? Eh, wala akong pakialam kung naghubad na ako sa harapan nila!
Bar is one of the places I love. Kahit hindi na ako mag-aral at magtrabaho, ayos lang sa akin kung sa bar ako namamalagi.
My ex-boyfriend tried to reach me again. Bakit ko sasayangin ang oras ko sa taong 'yun? Mas mabuting magpakasaya sa bar, Ellen!
Umiling ako at tinapon ang bag sa sofa.
"Bakit ba ako naconscious sa susuotin ko?!"
Kanina ko pa talaga nararamdaman ito. I looked at their eyes. Wala namang may pake. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? I'm wearing a sexy dress pero hindi kita ang cleavage at tiyan ko.
"I missed you!"
Umirap ako sa anak ng presidente. Tumaas naman ang kilay nito nang makita ang itsura ko.
"Kagagaling ko lang sa hospital," binigyan ko siya ng magandang rason at ang sarili.
"Tologo ba? Kahit nga dati muntik ka nang macomma, nagbalik ka sa bar na panty lang ang suot!"
"Tss. Baka may magalit."
Mismo sa sarili ay nagulat ako sa aking sinabi.
"Iniisip mong mababastos ka at may magagalit sa'yo? Sino naman?!"
"B-basta..."
"Conservative ba?"
Tumawa ito. "Ellen, don't tell me that you're acting like a dinosaur!"
Sinipa ko ito.
Alam kong ang pagiging bastos ay wala sa damit. Ewan ko. Lumalabas kasi ang itsura ni hepe sa isipan ko na masyadong formal. Kahit wala siya rito ay parang nakatingin siya! Napalunok tuloy ako.
Nacoconscious ba ako na huhulihin ng pulis dahil sa suot ko?!
"Hindi yata ang pagiging pulis niya ang iniisip mo, Ellen. P-parang magagalit na boyfriend ganon?! P*ta!" nandidiri kong bulong sa sarili.
I diverted my attention to the make-up artist for a retouch.
"Your ex, Caden Villanueva said he's on good terms with you again."
Tumaas ang kilay ko doon. Is that the new gossip? Wala na nga kaming contact after our break up!
"Tom Oliver says he'll marry you in four years!"
"Do you have plans to retire in modeling for your businesses?"
"Is it true that you have a janitor suitor?"
Inis ko silang binalingan. Pumayag ako na papasukin sila para ipagsigawan sa mundo ang pagbabalik ko, hindi para diyan!
Halos magwala ang buong mundo nang bumalik ako. I evily smiled. I've been always proud that I was born Ellen Vangeline Feresco.
Lahat ng camera ay nakakatutok sa akin. Hinanap ko ang ibang modelong nagpakasaya noon. I sarcastically smiled at them. You think the fate will favor you?
Naglakad ako papalapit sa kanila.
"Good evening!" I greeted them.
They greeted back, but they are laughing a bit.
I raised my eyebrows. "Did the brands contact you for the Paris Fashion Week?"
Hindi sila sumagot. Humalakhak ako ng kaunti. Sayang, mas angat ako sa inyo. Napigilan ko tuloy kayong rumampa sa isang prestigious fashion runway. Iniwan ko silang nanghihina. Isang babae naman ang lumapit sa akin. Naningkit agad ang mga mata ko. Why is she here in the Philippines?!
BINABASA MO ANG
Y'all Have Angels
SpiritualNothing is permanent in this world, including pain. Whatever challenges come into your life, I know you can survive them. Please do not give up and remind yourself that help is always here. God sent Angels to rescue you. You are not alone. Published...