Cold-blooded
"GUSTO kong humingi ng paumanhin sa'yo dahil sa ginawa ng bata at sa nangyari kagabi. Kung hindi lang din sana kita sinama sa simbahan, nakakain ka ng marami."
Kanina pa ako gulat na gulat. Aalis na sana ako dahil gustong makipagvideocall ni mommy, sumalubong siya sa akin pagkabukas ko ng pintuan!
How many minutes or hours did he stand there?! Pwede naman siyang kumatok!
"Iyon lang talaga ang sadya ko at dinalhan kita ng pagkain. Aalis na ako, baka mahuli pa ako sa lakad."
"S-saan naman?!"
"Uhm, package iyon sa binili kong ticket."
"T-ticket?!"
Nanatili itong nakatingin sa akin. So, may alam siyang places dito?! D*mn. I wanna go out too!
"Yeah, ikaw ba wala kang planong lumabas?"
Napakagat ako sa labi. Mayroon no! Marami akong nahanap sa internet na pwedeng puntahan pero hindi ko alam kung maganda ba roon!
"Gusto mong sumama? Saktong may isang slot."
Napaiwas ito ng tingin.
Nagulat ako sa naging offer niya. Buti nalang at tumunog ulit ang cellphone ko. Kanina pa tumatawag si mommy at nalate pa ako ng gising! Sinarado ko muna ang pintuan at dali-daling sinagot ang tawag.
"Happy Birthday, Ellen! How's the vacation?"
Napanguso ako sa sinabi ni mommy. She has guts to ask me that. I'm obviously suffering!
Nagreklamo ako na gustong ipabalik ang maids and guards. Kung hindi pa kami makapunta ng Japan, I want to find an expensive hotel with my servants. Nakakairita.
"No baby, without them is a better vacation for you."
Saglit kaming nagkwentuhan. She mentioned that I can't still go to Japan, because of the weather. I need to stay here for two days before I can leave according to the experts. I bit my lip. Dito talaga ako nagbirthday as my mother wish!
"I've already reported those people who humiliated you. Hindi lang sila mababan sa social media, pati sa paghahanap ng trabaho."
I could feel my mom's anger toward my bashers. I didn't have a reaction. It's been a day since I didn't use my social media accounts. Parang nalet go ko na rin ito kagabi.
"Why didn't you post anything anak? Maganda naman d'yan. Mala nature ang vibes."
Ngumiti lang ako. Kahit sa ako ay nagtataka. Hindi yata ako bababa sa limang posts araw-araw. Lahat ng nangyayari sa buhay ko noon ay ipinaglalandakan ko.
Am I being anti-social now?
I guess, I just want to have a peaceful life for a while. Babalik rin kasi ako sa sa trabaho.
"Ah mom, bye na!"
"Why do you look so excited? May lakad ka?"
"Hey! Wala! I just want to sleep again."
"You've had enough sleep. Magkwentuhan muna tayo ulit."
We talked for almost two hours. Hula kong umalis na ang pulis kaya hindi na ako nag-abalang sumilip. Lalabas nalang ako para ipasyal ang sarili. This is the cheapest birthday I've ever had!
Gulat ako nang makita siya sa labas. Mukhang kanina pa ito nakasandal sa dingding.
"Uhm"
"Sasama ka? Aalis na kami sa loob ng sampung minuto."
BINABASA MO ANG
Y'all Have Angels
SpiritualNothing is permanent in this world, including pain. Whatever challenges come into your life, I know you can survive them. Please do not give up and remind yourself that help is always here. God sent Angels to rescue you. You are not alone. Published...