36

70 4 0
                                    

Valid

"HUWAG niyo pong ikulong ang anak ko, parang awa niyo na!"

Kararating ko lang sa police station para dalhan si Raziel ng pagkain at ito agad ang naabutan ko.

"Ginang, hindi po ito ang unang beses na nakapatay ang anak niyo."

"P-pero! Diba nakasaad sa paniniwala niyo na patawarin ang sinumang nagkakasala?!" Lumuhod ito sa kanyang harapan. Siya naman ay napahawak sa ulo.

"Hindi ibig sabihin na kapag pinatawad ang isang tao ay hindi niya na haharapin ang kahihinatnan ng kanyang ginawa. Kahit Siya mismo ay ayaw n'yan."

Lihim akong napatango. Kasamahan sila ng katrabaho ni Raziel. Totoong Siya mismo ang may ayaw sa mga kasalanan kasi hindi dapat pinapalagpas ang ganyang bagay.

I decided to go outside when Joelle suddenly called.

"E-ellen!"

"Oh? Aalis na ba tayo?"

"O-oo!"

"T-teka! Susunod nalang kami hi hepe."

"Ay hindi! Sama-sama dapat tayo! Ano oras lalabas si hepe sa work?"

Napasilip ako sa pintuan. Mukhang matatagalan yata siya at kakain pa ng agahan.

"U-uhm, baka abutin ng isang oras eh," nag-alinlangan kong sabi.

"Sus! Sabay lang tayo. Edi, maghihintay kami!"

"Sila Ellen ba 'yan?" singit ni Haevyn.

"Oo at matatagalan pa raw sila."

"Nako, ayos lang friend! Mukhang busy pa yata si hepe eh."

Pinag-usapan namin saglit ang gagawin mamaya. We decided to donate using our own money. Like my friends, I couldn't also believe that He used my pocket to bless other people.

"Naghintay ka ba?'"

"Ayos lang!" sabay halik sa kanyang pisngi. Ngumisi ito.

"Wala na... hindi na ako stressed!" sabay tawa. "Grabe kasi ang ginang na 'yun, ginamit pa ang pinaniniwalaan ko."

Natawa nalang ako kunyare. "Hindi niya yata alam na labag 'yun sa atin."

"Kain kana. Halatang gutom ka pero buti nalang PNP ka. Pulis Na Pogi," sabay hatak sa kanya papunta sa lamesa nila.

"Talaga, pogi ako?"

Ngumiti ako at pumikit. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ngayon ay ampogi niya. Hindi ko binabase sa kanyang mukha ang pagiging pogi kundi sa kanyang puso at isipan.

"PNP talaga ako mahal, Pulis Ng Panginoon."

Masayang-masaya ako para sa kanya dahil tumutulong siya gamit ang trabaho. Marami na rin siyang napatakwil sa pulitika kaya minsan ay nag-aalala ako para sa buhay niya. Monthsary namin ngayon. Last monthsary ay hindi kami nakapagcelebrate on the exact day. Tinawagan kasi siya para iligtas ang ninakawan, binugbog na isang bakla, at buntis na sinasaksak. Grabe ang pag-aalala ko sa araw na 'yun!

"You know what? I'm so proud of you."

Also, he was able to buy a new car from his hardwork. Iyon ang sasakyan namin sa pupuntahan.

"I'm proud of you too," sabay punas sa kanyang bibig at halik sa akin.

"Kailan ka ulit magpapacheck up?" tanong niya habang ngumunguya. Tinanong niya ang tungkol sa mukha ko.

"Bukas ang schedule ko."

"Anong oras?"

Umilng ako. "Huwag ka nang sumama't baka may gagawin ka. Pwede ko namang yayain ulit si Joe."

Y'all Have AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon