32

58 4 0
                                    

My Hepe, My Hope

THE hepe became busier than before. Nagkasama kasi ulit sila ng kanyang ama kaya naging madalang ang aming nagkikita. His father also told his plans of marrying his girlfriend from Cebu. Ang hepe ang nag-asikaso sa papeles at mukhang siya rin ang magplaplano ng kasal nito. Bigla tuloy akong naging excited. Ramdam ko kasing magkikita kami ngayong linggo dahil sasabihin ko siya na pwede akong tumulong sa kanya.

I've been into extravagant events already, so I could share my ideas with him.

Hihi.

"Ba't ka tumatawa?"

"Wala, Joelle!"

Kasama ko ang problemadong bestie ko. Nagresign na kasi siya sa trabaho para mag-enroll ulit. Nagdesisyon itong sundin ang puso; ang pagkuha ng nursing degree.

"Kailan daw ang kasal ng papa ni hepe?"

"Ay ewan teh!" maarte nitong sabi. "Hinihiling kong papsy ni hepe na ang makakatuluyan ng babaeng 'yun. Kilala ko 'yun dahil naging lalaki niya ang tito ko. Paiba-iba ang lalaki."

"Oh, I define her as a bad person."

"Huy! Ellen, watch your words. Is that how you define that person? " kunot noo niyang tanong. "Ellen, tandaan mo ang advises ko sa'yo."

Oh no! Alam ko na kung saan ito tutungo.

"We are undefined because we are always in the process of becoming. Isa pa, baka ang papa ni hepe ang magpapabago sa kanya."

I suddenly remembered mom's words to me. I also remembered Raziel, because he became my hope to change.

He helped me to change myself. He taught me to become a better version of myself.

The person in front of me is my Angel too.

Abala ang tatlo sa trabaho nila. Si Joelle ang madalas kong nakikita dahil dalawang beses sa isang linggo ay mayroong asychronous session ito. Nanonood kami ng movies palagi sa bahay. Gusto ko ngang pumunta rin sa kanilang bahay pero ayaw niya.

"Sino naman kaya susunod ang ikakasal sa atin no?"

I smiled. I can really feel that I belong.

"Kailan kaya ako makakahanap?"

"Sa abroad," sagot ko. I hugged him.

"Pinagprapray ko nga. Kung wala talaga at forty years old na ako, pwede ba kitang asawahin?"

Pinalo ko siya. Para sa akin, hindi kami talo! Pero sumang-ayon na rin ako. Hindi ko rin naman kasi alam kung may pag-asa ako sa taong gusto ko.

Ito ang pinoproblema ko ngayon. I think I like—uhm. Napakagat nalang ako sa labi. Sa mga araw na hindi kami nagkikita ay palagi akong nag-ooverthink.

"Pustahan, problemado ka bhie no kaya mo ako pinapunta rito?"

Napatingin ako sa kanya kaya natawa ito. "Akala ko rarampa tayo at ipapasuot mo sa akin ang designer clothes mo!"

Natawa na rin tuloy ako. Ganyan kasi ang ginagawa namin minsan. Tinuturuan ko siyang maglakad, Natutuhan niya rin akong rumampa gamit ang kumot. "Tara!" sabi ko sabay tayo.

Hindi ko tinuloy ang pagbebenta sa ibang gamit dahil iniisip ko kasi siya. Nagiging masaya kasi ito kapag pinapahirapan ko.

"T-teka! Mamaya na, hindi naman importante. Pag-usapan muna natin kung bakit ka balisa?"

Nag-aalala itong tumingin sa akin. Tumawa ako kasi hindi naman talaga malaki ang problema ko. Lovelife lang. Tss. Tama nga sila Haevyn at Chanttana. OA palagi itong si Joelle kasi hindi madaling kumalma. Kaya number one procrastinator ito sa amin eh.

Y'all Have AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon