39

78 4 1
                                    

The Mission

"HOW is your mission?" I asked him. He's busy with his work so we barely see each other for weeks.

"So far so good," he answered while smiling.

I laughed because I know he's adjusting himself for me. Masyado raw kasi akong englishera kaya ginagaya niya rin. Magaling naman siya ngunit mas kumportableng magsalita ng Filipino.

A memory flashed in my mind, the way he called me 'binibini' haha! Siya nga pala 'yung hepe na kinaiinisan ko dati!

"How lucky am I."

"No, you're not lucky. You're blessed."

He never failed to make me smile. Mula Pilipinas hanggang Syria, siya lang talaga ang nag-iisa.

Natawa ako sa naisip.

"Why are you laughing, Adi?"

I can't stop myself from laughing a bit. Talagang mag-eenglish siya kagaya nang sabi niya sa akin.

"Why do you always call me Adi?"

"Because you're a blessing from the Lord," he said while looking at the sky.

Hindi ako makasagot. Akala ko something palayaw lang 'yun or galing sa pangalan ko. Ilang beses na yata akong ngumiti sa harapan niya kaya nakakahiya na minsan.

Ang sarap magkaroon ng taong tanggap ka ng buo.

We shared more plans for the future. He said to me that once we're married, we should be kind to others. Bibigyan namin ng pagkain at damit ang ibang tao. We'll also both work hard also to let the unprivileged ones study.

Lastly, once we get married, our goal is to enter heaven.

We were enjoying our trip when Haevyn suddenly called me while crying so hard.

Nasagasaan si Joelle.

Mas masakit pa sa mga naging break-up ko ang mawalan ng kaibigan.

Agad kaming lumipad pabalik ng Pilipinas kahit may isang araw pa kaming natitira rito. Parehas kami nang naging desisyon ni Raziel. Nanginginig ako habang nakatitig sa kabaong dahil hindi makapaniwalang iniwan niya kami. Nagvivideo call pa nga kami habang nasa Japan pa at nagpapabili siya ng pasalubong!

"Adi," tawag ni Raziel. "Umupo ka muna at uminom ng tubig."

Umiling ako. Hindi ko kayang gumalaw dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.

Ako ang may pinakamalakas na iyak sa amin ngayon. Nailabas na siguro nina Haevyn at Chantanna ang hinanakit kahapon pa. Ako na kahit todo iyak na ako sa plane, bumuhos pa rin dito.

"Yakapin kita ah? Ayos lang ba?"

Tumango ako. Paano kung kunin din kaya ni Lord bigla si Raziel? Nahihirapan akong huminga sa naisip.

Nakakalungkot dahil baka tapos na ang misyon mo, Joelle.

I cried harder. Naisip ko kasi na baka isa ako sa mga naging misyon niya. Kung hindi ba ako nagbago, hindi matatapos ang misyon niya? Mas magtatagal ba siya sa mundo?

Sana hindi nalang ako nagbago.

Ang hirap kasi kapatid na ang turing ko sa kanya.

"Akala ko ba ay magtratravel pa tayo sa Thailand?" bulong ko sa kanya.

"Mag-aabroad kapa kaya gising kana uy! Hahanap kapa ng love of your life mo sa Thailand o kung saang bansa man 'yan!"

Hindi man lang niya natupad ang pangarap niyang maging isang licensed nurse. Masakit masyado.

Y'all Have AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon