9

72 5 0
                                    

Everyone has wings

WHAT was that?!

Luckly, no one got involved in the accident. I was rushed in the hospital. Malaki tuloy ang problema ko dahil maraming nakakilala sa akin. Pagpasok ko palang dito ay bumungad ang maraming cellphone na nakatutok sa akin. Tiyak na malalaman ito ng buong mundo!

Pero mas malaki ang problemang iniisip ko dahil sa nakita ko na pakpak!

Isang tao na mayroong pakpak—siya ba ay isang anghel?!

Nakalimutan ko na ang itsura dahil nasilaw ako sa ilaw ng sasakyan. Nagising nalang ako na papasok na sa ospital.

Basta, dumating ang mga pulis!

Nagkaroon ng further check-up sa akin. Mabuti naman at wala akong sugat. Sinabihan pa akong magtagal pero umiling ako.

Aksidente pala talaga ang nangyari ngunit hindi ako ang may kasalanan dahil lasing ang driver ng panel.

Nabangga pala talaga ako!

Inamoy ko ang sarili ko. Hindi naman ako mabaho sa alak dahil isang baso lang ang ininom ko kanina iyong nilagok ko kay Jef. I don't believe that I'm blessed, but I am tonight!

"Thank God, you are alive!"

Kanina pa si mommy nagpapasalamat sa Diyos. Pumikit nalang ako.

Madaling-araw na at hindi pa rin ako makatulog. Binabagabag pa rin ako ng aking isipan.

"Next pose please!"

"Chin up!"

"Look at the camera fiercely!"

"Great, Ellen!"

Nakita kong namamangha silang lahat habang tumitingin sa monitor kung saan isa-isang ipinapakita ang mga litrato ko.

"You look so perfect, Ellen!"

The make-up artist did so great. Hindi ako nagmukhang puyat. Hindi ako naging pangit.

I mean, I was never ugly!

Pero kakaiba talaga ang itsura ko ngayon. It was my best make-up look so far!

Lumapit sa akin ang head ng photoshoot para puriin ako. Pangatlong beses na kaming magkasama. Sa totoo lang, mabait siya palagi sa akin kahit may mga pagkakataong hindi ko siya sinisipot o sinusunod.

So, I cannot be mean to her.

"You're beautiful as always, Miss Ellen," nakangiti niyang sabi sa akin. Ilang beses niya na akong sinabihan na maganda.

"Miss Joella!" agad na may tumawag sa kanya.

Matagal na siyang nagtratrabaho sa company na ito. She's one of the people who started from a bottom to a higher position. Masasabi kong maganda talaga siyang magtrabaho. She looks so happy kahit stressed na siya. Ang alam ko ay kasado na siya at may anak na pre-school.

I simply smiled at her when she said she'll leave me in front of the monitors.

"M-miss Ellen!"

Habang papalabas sa building ay may isang staff na hingal na hingal ang tumatakbo papunta sa akin. My gaze went to her hand holding the my latest magazine. I saw a pen on the other hand. Hindi ko siya pinansin pero ginawa ko ang gusto niya.

"M-miss Ellen!" tinawag ako ng designer ko.

Ngumiti ako dahil nakabalik na siya. I asked her to sketch something for my birthday.

As I have said, I am going to celebrate my 24th birthday in Japan. Sa buong buhay ko, halos Europe at North America lamang ako tumatravel. I don't know why I became so interested in Asian countries when I don't like their culture.

Y'all Have AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon