Sa pagod at puyat nya sa mga love making nila ni Blyther nung nagdaang gabi at kaninang umaga ay maagang nakatulog si Zandreaj. Hindi na nya namalayan ang iba pang kinukwento ni Xinni.
Nagising sya kinabukasan na masakit ang buong katawan na para syang binugbog. Nilalamig sya pero mainit ang katawan nya at parang nilalagnat. Masakit din ang kanyang ulo. Wala na sa tabi nya si Xinni nang icheck nya kung tulog pa ito.
Bumangon si Zandreaj pero bahagya syang nahilo kaya sumandal sya sa headrest ng kama at muling pumikit. Inabot nya ang kumot na nasa paanan nya at binalot ang kanyang katawan. She is chilling. Gusto nyang bumangon para patayin ang AC pero hindi nya kayang umalis sa pagkakabalot sa kumot.
Lumabas ng banyo si Xinni at nakitang nakatalukbong si Zandreaj. Napakunot ang noo nito ng makitang gumagalaw ang kumot at nangangaligkig ang babae. Bahagya nitong ibinaba ang kumot sa may mukha ni Zandreaj para icheck ito. Nakapikit ang babae at nakafetal position. Sinalat ni Xinni ang noo nito at nataranta ng masalat na mainit na mainit ang dalaga.
Dali-daling lumabas ng kwarto si Xinni habang sumisigaw at tinatawag ang kuya nya.
"Kuya!" Natatarantang tawag nito sa kapatid. First time ni Xinni na merong may sakit sa bahay nila kaya hindi ito sanay. Mas sya ang inaalagaan ng ama at kuya nya. Walang tao sa sala at ang kasambahay lang ang nasa kusina kaya tumakbo si Xinni sa minigym sa taas. Nadatnan nyang nasa threadmill ang kapatid at nagboboxing ang ama.
Sabay na napalingon ang dalawang lalaki kay Xinni ng tawagin nito si Blyther.
"Kuya you have to see ate Zz!"
"Why?!" Naalarma si Blyther ng marinig ang urgency sa boses ni Xinni at makitang hinihingal ito.
"I guess she is sick! She's chilling and she is so hot!" Mabilis na sabi ni Xinni habang tumatakbo pababa. "Go check on her! I'll get the first aid kit!"
Agad lumundag paalis ng threadmill si Blyther at hinagip ang kanyang facetowel. Tumakbo pababa habang pinupunasan ng tuwalya ang kanyang pawisang katawan. Si Brandon ay sinundan lang ng tingin anak at muling bumalik sa shadow boxing na ginagawa habang napapangiti.
Pagdating nya sa kwarto ni Xinni ay agad chineck si Zandreaj na nasa fetal position pa rin at nanginginig habang nakatalukbong ng kumot.
"Hey Mine? How do you feel?" Nag-aalalang tanong nito sa girlfriend. Sinalat nito ang noo ng babae at lalong nag-alala ng madama na sobrang init nito.
Pumasok si Xinni dala ang first aid kit. Gamit ang thermal gun ay chineck nito ang temperature ni Zandreaj. 39. Napailing si Blyther ng makitang mataas ang lagnat ng girlfriend. Anong nangyari? Maayos naman ang pakiramdam nito kahapon bago natulog.
Pumasok ang kasambahay na may dalang maliit na planggana na may maligamgam na tubig at bimpo. Inabot ito ni Xinni at nagthank you.
Kinuha ni Blyther sa kapatid ang plagggana, piniga ang bimpo at inilagay sa noo ni Zandreaj.
Gising si Zandreaj pero hindi sya nagmumulat ng mata dahil pakiramdam nya ay wala syang lakas at hindi nya kaya kahit ang magsalita. Pero alam nya ang nangyayari at malinaw nyang naririnig sina Blyther.
Pagkalagay ni Blyther ng bimpo ay tumabi sya sa girlfriend at niyakap ito pagkatapos utusan si Xinni na magpaluto ng soup sa kasambahay.
"Behave your self kuya." Sabi ni Xinni bago lumabas ng kwarto nya.
"Lock the door." Sagot ni Blyther dito.
Inirapan ito ni Xinni pero inilock din ang pinto bago lumabas."Mine?"
Umungol si Zandreaj at nagsumiksik sa boyfriend ng yakapin sya nito. Ang sarap sa malamig na pakiramdam nya ang mainit nitong katawan.
Dahan-dahang nirub ni Blyther ang mga braso ni Zandreaj ng palad nya para mawala ang panlalamig nito.
"Mine, do you think you need a doctor?"
Umiling lang si Zandreaj.
"I thought about our conversation last night."
Walang response si Zandreaj.
"I won't insist about the wedding if you're not comfortable with it, but promise me you'll tell me right away once you get pregnant, okay?"
Tumango si Zandreaj.
"And once your period is delayed you have to test right away and inform me of the result. So I could comeback here and we will get married whether you like it or not. And that's final. No more arguments."
Tumango ulit si Zandreaj.
After 15minutes na nakabalot sila ng kumot at yakap sya ni Blyther ay unti-unting nawawala ang pagchichill ni Zandreaj. Kumatok si Xinni.
Bumangon si Blyther at binuksan ang pinto. May dalang umuusok na soup si Xinni. Inilapag nito sa side table ang dala at muling nilock ang pinto bago lumabas.
Pinagmasdan ni Blyther ang girlfriend. Tingin nya ay hindi pa nito kayang kumain. Maliban sa mainit masyado ang soup ay parang hindi pa kayang bumangon nito para masubuan nya.
Inayos ni Blyther ang bimbo sa noo ni Zandreaj bago lumabas ng kwarto. Tumuloy sya sa kusina para kumuha ng tubig at baso. Nag-aalmusal na ang ama at si Xinni.
"How's Z?" Tanong ni Brandon.
"She's better now, hindi na nagchichill, medyo bumaba na rin ang lagnat."
"That's normal. You're mom got sick too after our first night." At kumindat ito kay Blyther.
"When you fucked the whole night, sinong hindi lalagnatin? Plus your extra large and extra long..." Hindi tinapos ni Xinni ang sasabihin dahil pinandilatan sya ng ama at kapatid. Inirapan lang nito ang dalawa.
"Buti hindi naospital si mommy at si ate Zz sa inyo." Nakalabing dagdag pa nito.
"Your words Yshane." Nagpipigil na sabi ni Brandon na hindi magawang magalit sa anak.
Si Blyther naman ay hindi mapigilang mapatawa sa mga naririnig ka Xinni.
"And where did you hear that extra large and extra long?" Curious nitong tanong dito.
"Kay Manang?" Papilosopong sagot ni Xinni na tinutukoy ang kasambahay nilang matanda.
"Of course from ate Zz." Dugtong nito.
"That woman..." Sabi ni Blyther.
"I asked her."Tumatawang sabi ni Xinni.
"And why do you have to ask?" Nakamulagat na tanong ni Blyther sa kapatid.
"Eh kasi sabi ng mga classmates ko yung mga naggigym daw malalaki lang ang katawan pero the more their body gets bigger their P also gets smaller. Eh ang laki ng katawan mo, kaya....." Sinadya ni Xinni na putulin ang sinasabi nito.
"Andami mong alam Cat. Now you know it's not true." Nakangising sabi ni Blyther dito.
"Unless ate Zz just didn't want me to laugh at you so that's what she said even if it's not true." Pang-aasar nito sa kapatid.
"I'll believe your opinion if she's not sick now." Nakangising sagot ni Blyther sa kapatid.
"She's sick now because of you and you're proud of it?" Nakataas ang kilay ni Xinni.
"Oh! Just make sure Xinni Yshane that once you get a man, it could get you sick on your first night. Because if not, you'll gonna regret you met that man for the rest of your life." Tumatawang sabi ni Blyther habang naglalakad pabalik sa kwarto ni Xinni dala ang pitsel ng tubig at baso.
Naiwan si Xinni na nakamulaga sa ama na tawa ng tawa sa conversation nilang magkapatid.
BINABASA MO ANG
PRETTY LITTLE DEVIL 2 (He's Ours)
RomanceAfter their SHS graduation, Vyrr Blyther was offered full scholarship as varsity player at the university Dreigh is attending in USA. For four years, he battled against homesickness and longingness for Zandreaj just to fulfill his childhood dream. A...